Showing posts with label Pangyayari. Show all posts
Showing posts with label Pangyayari. Show all posts

Friday, September 29, 2017

OFW LIFE: My 5-year old daughter's love to her daddy



Kamusta na kaya ang istorya ng mag-amang ito. Nakakalungkot talaga kapag ang isang OFW ay paalis na nang bansa. Ito ang isa sa pinaka mabigat na desisyon ng isang OFW. Kaya sa lahat ng mga OFW na nakikipag sapalaran sa ibang bansa saludo po kaming lahat sa inyo. Maraming sakripisyo ang dinadanas ninyo lalo sa mga may pamilyang iniwanan sa Pilipinas.

Sundan natin ang kanilang istorya sa pagbabalik ng bansa ni Kuya, sana magpost ulet sila kung ano naman ang reaksyon ng kanyang mga anak sa kanyang pagbabalik.

Salute sa inyong mag asawa mabuhay ang lahat ng mga OFW Families.

Wednesday, September 27, 2017

Kababaihan nasa Saudi Pwede ng magmaneho

Photo Credit: www.arabnews.com

Pinirmahan ng Hari ng Saudi Arabia ang kautusan na pwede ng makapag maneho ang mga babae. Ito ay isang malaking hakbang para sa lalong ikakaunlad ng kanilang bayan. Marami ang natuwa sa ginawa ng hari dahil marami sa mga Saudi women ang makikinabang.

Ikinatuwa din ng mga karamihan sa mga Saudi Netizen ang balitang ito. Basahin po natin ang kabuuan ng balita dito sa link: www.arabnews.com

Friday, March 18, 2016

Sunday, September 27, 2015

OFW nawalan ng pera sa NAIA


Kaawa awa ang sinapit ng isang OFW na nawalan ng pera dahil nakalimutan niya saglit ang kanyang dalang bag na naglalaman ng kanyang salapi at mahahalagang dokumento.

Masakit sa kanyang kalooban dahil ito ay pinagpaguran ng mahabang panahon sa ibang bansa. Matagal niyang inipon iyon para sa kanyang pamilya. Ang mga tauhan ng NAIA ay may obligasyon sa mga OFW na protektahan ang mga gamit dahil iyon po ay kanilang trabaho.

Kung tayo po ay uuwi upang magbakasyon ay ito po ang maaari natin gawin upang maka iwas tayo sa pagkawala ng ating salapi.
  1. Kung po ay may malaking halaga na pera ay maaari na po ninyong ideposito sa inyong OFW bank gaya ng BPI, BDO, AUB at iba pang OFW bank.
  2. Maaari na rin po ninyong ipadala sa mga remittance center gaya ng M Lhuiler, Cebuana, Money transfer, Western Union, LBC at iba pang remmitance center upang wala na kayong dalang malaking pera habang nasa bihaye kayo pauwi ng Pilipinas.
  3. Kung magdadala po kayo ng pera siguraduhun po ninyong hawak po ninyo ito at hindi po ninyo ilalagay sa mga gamit at ihahalo ito sa bag.
  4. Umiwas sa mga hindi kilalang tao na sa una ay mabait sa inyo yun pala ay miyembro ng mga magnanakaw gaya ng salisi gang, budol budol gang at iba pang mga sindikato sa pagnanakaw.

Isipin po natin na ang perang ating inuuwi ay isa sa mga rason bakit tayo nag ibang bansa. Wag po natin hayaan itong mawala lalo na ito po ay ating kailangan.

Maingat po tayong palagi sa ating paglalakbay.

- Ang buhayOFW

Wednesday, June 25, 2014

Lindol sa Pilpinas - 5.7 lakas ng pagyanig

BuhayOFW - Niyanig ng malakas na lindol ang bayan ng batangas sa ganap na 7:45 ng gabi araw ng miyerkules. Ayon sa Philvolcs nasukatan 5.7 na lakas ng pagyanig at naitala sa layong 22 kilometro sa timog kanluran ng bayan ng Calatagan. Ayon pa sa Philvolcs naitala ang sentro sa Mindoro.

Naramdaman ang lindol sa bahagi ng Batangas City at Puerto Galera Oriental Mindoro na intensity 5, Bulacan intensity 4, intensity 3 sa Tagaytay, Lucena city at ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon na rin sa kanila wala namang  naitalang pinsala sa nangyari lindol at wala din na magaganap na after shock.

May mga prediction lalo sa maynila na magkakaroon ng malakas na lindol at marami ang mapipinsala kaya pinapaalalahan tayong mag ingat lahat.

Balikan natin ang babala ng Philvolcs noon taong 2011.


Thursday, December 12, 2013

Qatar Red Cresent - Qatar Government

Sa loob ng apat na taon ko sa ibang bansa ngayon ko lang naranasan ang maospital dahil sa nararamdaman kong trangkaso. Hindi ko inisip na ito ang magiging dahilan para mapunta ako sa Worker's Hospital sa Industrial Area Qatar. Akala noong una ay isang ordinaryong sakit lang ang aking nararamdaman dahil nagpapalit na ang klima ngayon dito sa Qatar.

Sa bungad pa lang ng pintuan ay makakaharap mo na ang kawani ng ospital para ituro sayo kung paano ka magsisimula. Ipapakita mo lang ang iyong Qatar Health Card at Qatar National ID ay makakapagsimula kana nang routine check up para sa iyong karamdaman.

Akala ko noong una ay mahihirapan akong magpacheck up dahil expired na aking Qatar Health Card. Mabuti na lang at na renew na pala ito ng aking kumpanya kaya saglit lang ang proseso ng pagpapacheck up ko.

Mababait ang mga staff sa simula pa lang kahit ibang lahi sila ay maasikaso din naman at ang Pilipino Nurse  na natokahan ko ay wala din akong masabi dahil maasikaso din siya sa mga pasyente na katulad ko.

Nagulat ako sa resulta ng aking BP 90/60 ibig sabhin lowblood ako kaya pala nahihilo ako sa daan at masakit ang batok ko. Nakita rin sa findings na may viral fever ako at kailangan ng dalwang araw na pahinga. Tinanong pa ako ng nurse kung anung araw ko daw gusto magpahinga para magawan niya ako ng medical certificate kaya sinabi ko na sa susunod na araw na po para diretso na po ako magpapahinga.

Nang matapos ang aking check up sa nurse at doktor sinabihan ako na maghintay ako ng sa kabilang kwarto para kunin ko ang mga gamot na kailangan ko. 

 
Maganda ang pamamalakad ng gobyerno ng Qatar kaya naman hindi nakakagulat na halos 5QRs o mahigit sa 60pesos lang ang nagastos ko sa ospital na iyon kasama na ang check up at mga gamot. May kasama pa vitamins at konsultasyon ng doktor. 

Salamat ng marami Qatar dahil ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkakataon na libre lahat sa isang ospital. 

Feeling Happy @buhayOFW +Pilipinas 
 

Thursday, October 17, 2013

Donation for Cebu and Bohol Earthquake

Mag pray po tayong lahat sa mga naging biktima ng lindol sa parte ng Visaya Region. Alam namin na marami ang naapektuhan sa naganap na trahedya. Kaya marami  ang nagsasagawa ng mga donation sa lahat ng panig na mundo.

We are very sad dahil sa nangyari kaya kailangan pong muling makabangon ang mga nasalanta. We are calling the attention ng mga government official na unahin ipagawa ang mga kalsada at ilang importanteng gusali na naapektuhan ng lindol.

 
Itong video na ito ay mula sa Hayop sa Ganda FB fan Page.....

Post by Hayop Sa Galing.

Please contact the legitimate organization para po sa inyong donasyon....

Monday, October 14, 2013

Lindol sa Pilipinas - 7.2 magnitude

Niyanig ng napakalakas na lindol ang bisaya region kabilang ang Cebu, Bohol at karatig na probinsya. Ayon sa balita 20 na ang kompirmadong patay sa insidente dahil sa gumuhong gusali at marami din ang napabalitang nasaktan. 

Nangyari ang malakas na lindol sa bayan ng Carmen 8 kilometro ang layo nitong martes 8:12 ng umaga sa sukat ng 7.2 magnitude.

Narito ang sukat ng lindol sa iba't ibang dako 


Intensity VII - Tagbilaran, Bohol
Intensity VI - Inigaran, Negros Occidental
Intensity V - Iloilo City; la Carlota, Negros Occidental
Intensity IV - Masbate City, Roxas City, San Jose Culasi, Antique; Guihulngan, Negros Oriental
Intensity III - Davao City 

Marami ang nangangamba na may darating na Tsunami dahil lakas ng lindol pero nilinaw ng Philvocs na walang Tsunaming mangyayari. Ito ay base na rin sa inilabas na balita ng
The Pacific Tsunami Warning Center. 


Maraming nawasak na gusali kabilang na ang isang lumang simbahan, nawasak din ang isang mall at ilang kabahayan dahil sa lakas ng lindol. Pinag iingat ang lahat na kung sakaling umulit ang lindol ay lumabas sa mga ligtas na lugar upang hindi mabagsakan ng mga mabibigat na bagay.

Maraming OFW ang nag aalala sa kanilang mga mahal sa buhay na naapektuhan ng nasabing lindol. Kaya po mag iingat po ang lahat sa mga ganitong klaseng sakuna.
 

Wednesday, September 11, 2013

Mandurugas at Manlolokong Pilipino

    Nagulat ako sa isa kong kliyenteng Qatari na nagtatrabaho sa isang sikat na Unibersidad dito sa Qatar nang sabihin sa akin na nakakatakot daw magpunta sa Pilipinas dahil maraming iskadalong nangyayari gaya ng awayan sa Mindanao at maraming mga manduragas, manlolokong Pilipino.

    Napa isip tuloy ako kung bakit niya nasabi ito sa akin, kaya tinanong ko siya kung bakit niya ito nasabi. Nagulat kasi ako dahil updated siya sa mga nangyayaring sa ating bansa na kinabibilangan ng sanghay ng Gobyerno at marami pang ibang dahilan. 

    Kilala niya ang grupong Abu Sayyaf, Kilala rin niya ang pamilyang Aquino, maging ang pamilyang Marcos, at maraming pang sikat na personalidad. Naging maganda ang aming usapan dahil napunta kami sa issue pulitaka sa ating bansa. Marami akong natutunan sa mga sinabi niya at sinabi niya sa akin ang kaibahan natin sa Middle East. Kaya napasarap lalo aming kwetuhan tungkol dito.

    Ang lalong ikinagulat ko sa kanya ay marunong siyang magsalita ng tagalog kahit hindi pa siya nakakarating ng ating bansa, kaya niyaya ko siya minsan na dalawin niya ang Pilipinas para malaman niya ang tungkol sa mga issue na kaniyang  sinasabi tungkol sa ating bansa. Sinagot niya ako "In Shalla" at wish niyang makarating ng ating bansa.  

     Nakakagulat dahil ito ang unang pagkakataon na makausap ko siya at ito agad ang napagusapan namin. Hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya. 

    Sa totoo lang hindi na ako magtataka dahil alam ko naman na totoo at marami talagang ganito sa ating bansa. Maraming magnanakaw, manloloko, hindi mapagkakatiwalaan, mandurugas at kahalintulad nito. Lumaki ako sa manila at nakasalamuha ko na halos lahat ng klaseng tao sa aming lugar. 

     Kung ang opisyal nga ng ating gobyerno ay hindi mahatulan ng mabigat na parusa kung nagkakasala sila. Paano magkakaroon ng tiwala ang mamamayan kung ang mga matataas na opisyal ng ating gobyerno ay hindi maparusahan. Sa totoo lang nakakasawa ng magsulat ng mga batikos tungkol sa GOBYERNO kung wala din naman pupuntahan.

  Patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin lalo na ang pagkain na pangunahing kailangan nang tao. Ang mga TAX na patuloy na kumakaltas sa mga kinikita ng mga empleyado. Gayundin ang TAX sa mga pagkain, gasolina, kuryente, LPG, at marami pang iba. Ito ang nagpapahirap sa ating mga mamamayan na kung tutuusin ay hindi na naman kailangan patawan pa ng TAX ang mga ito.

  Kailan kaya mawawala ang TAX natin sa Pilipinas? Ito ang isang mungkahi na dapat pag aralang mabuti ng ating GOBYERNO.  Sana sa paglaki ng ating mga anak ay hindi na nila maranasan ang ganitong kahirap na pamumuhay na alam kong ramdan nating lahat.

    Ilang taon na ba tayo niloloko ng GOBYERNO? sa edad kong 34taong gulang 18years old palang ako ay TAX payer na ako dahil working student ako noon. Saan kaya napunta ang mga kinakaltas sa akin ng GOBYERNO? Sa PORK BARREL ba na issue ngayon sa atin bansa. Sa mga pekeng NGO ba o diretso sa mga bulsa ng mga ganid sa pera.

    Bumilang na ang mga taon at wala pa ring magandang resulta. Sana matapos na ang mga kalokohan ng mga ito at maging maayos na ang pamumuhay nating lahat. Nakakaiinis dahil lahat tayo ay apektado sa mga iskandalong laganap sa ating bansa.

      Tanggalin na ang SIN TAX na ito upang kahit paano ay gumaan ng kaunti ang pamumuhay ng mga mamamayang Pilipino.


Tuesday, April 9, 2013

Lindol sa Middle East



Niyanig nang isang malakas na lindol ang bansang Iran nitong nakaraang araw   nakuhanan ng mahigit sa 6.3 magnitude. Ang kalapit na bansa nito gaya ng Saudi, Dubai, Qatar, Bahrain at iba pa ay nakaramdam ng pagyanig. 

Sa Qatar bihira lamang maramdaman ang ganitong pagyanig dahil ayon sa mga ekperto bihira lamang magkaroon ng lindol dito dahil isa ito sa hindi tatamaan ng malalakas na lindol.

Wala po sanang OFW ang naisama sa mga nasaktan sa naganap na lindol

Sundan ang ibang mga balita:



Saturday, September 1, 2012

Basic Electrical Workshop Seminar


Doha – Qatar, Nagsagawa ng 3days seminar tungkol sa Basic Electrical Wiring ang ilan sa mga kaibigan natin dito sa Qatar noong nakaraang bakasyon. Nais nilang ibahagi ang kanilang nalalaman sa ating mga kababayan na nais matuto sa nasabing workshop.


Binuo ang nasabing programa sa tulong ng ilan nating mga kababayan sa pangunguna ni Jaime Pamintuan na isang Senior Electrical Technician sa isang kumpanya dito sa Qatar. Marami ding tumulong upang mabuo ang nasabing programa na kinabibilangan nila Engr. Renato Bantayan, Engr. Nelson Reyes, at Engr. Cresendo Coquilla upang matuloy ang nasabing programa.

Marami ang nagkaroon ng interest tungkol sa Basic Electrical Wiring kaya marami din ang nagpatala sa unang araw ng nasabing programa upang makapag hand on sila at matuto kung paano ginagawa ang isang Electrical Wiring. Mula sa basic hanggang sa installation ay kanilang itinuro ang tamang paraan upang magamit nila ito at magkaroon ng munting kaalaman.

Ayon kay Ginoong Jaime Pamintuan nais niyang ibahagi ang kaniyang kaalaman upang maituro sa mga nagnanais matuto ng Basic Electrical Wiring sa ganitong paraan ay nakatulong na siya at nawala pa ang homesickness niya bilang isang OFW. Ang karunungan ng isang tao ay magiging mabiyaya kung ito ibabahagi sa iba nating kaibigan o kakilala at hindi ipagdadamot ng sa ganitong paraan ay nakatulong tayo sa ibang tao na nais matuto ng ibang kaalaman.

Bilang bahagi ng nasabing programa nais po natin iparating sa kapwa nating OFW na ang ganitong pamamaraan ay isang nakakabigay inspirasyon sa bawat Pilipinong nakikipag sapalaran sa ibang bayan.


Mula po sa gitnang silangan ang inyong lingkod BuhayOFW……

Saturday, August 18, 2012

Andito lang si Tatay - BuhayOFW


“ANDITO LANG SI TATAY”

Photo credit: lisabdot
Sana maisip mo na andito lang ang TATAY.

Kapag nanghihina ka dahil sa mga mapang asar na kaklase mo wag kang malungkot. Kapag nadapa ka dahil sinabihan kang lampa wag kang mag alala dahil alam ko tatayo ka at ipagmamalaki mo na kayang kayako ito. Isipin mo lang na andito lang si Tatay na palagi kang susuportahan sa mga pangangailangan mo.

Naalala mo po ba na kasama mo pa ako sa eskwelahan dahil parents needed ka. First time kong nakilala ang titser mo kinagalitan ba kita dahil sa nangyari? wag mong isipin na galit ako noong kinakausap ako ng titser mo gusto lang niya na maituwid ka sa mga pagkakamali mo.

Diba maraming beses na rin tayong nag away paulit ulit na lang ang pagsusuway mo sa akin. Wala naman akong ibang bilin kundi unahin mo ang pag aaral mo. Wala kaming ibang hangad sa buhay kundi ang mapabuti ka at kahit hirap na ang katawan ko sa pag tatrabaho pinipilit ko lang lahat ng ito para maibigay ko ang pambili ng notebook at libro mo.

Sana makatapos kana sa pag aaral mo para makakuha ka ng medalya sa iyong eskwelahan at maipagmalaki ko dito. Pasensya ka na ANAK dahil ganito talaga ako, wag mo ako intindihin dahil kayang kaya ko dito. Ang gusto ko wag mong maranasan ang paghihirap na pinag daanan ko kaya lagi mong tatandaan na mahal ka ni Tatay.

Ingatan mo ang sarili mo dahil palagi kitang pinagdarasal kay LORD na bigyan ka ng magandang pangangatawan at malayo sa anumang sakit dahil nag aalala ako dito kapag nabalitaan kong may lagnat ka at hindi pumasok sa eskwelahan mo. Kumain ka ng tama sa oras at wag mong abusuhin ang katawan mo sa puyat para kinabukasan may resistensya ka sa mga gagawin mo.

Iwasan mo ang barkada na alam mong mapapahamak ka lang, wag kang sumama sa kanila dahil alam kong mapapariwa ka lang gaya noong panahon ko na napasama  ako sa mga adik sa kanto. Mabuti nalang at may nagtiwala sa akin kaya narating ko ang Middle East para makapag trabaho.

Tandaan mo palagi na ANDITO lang si Tatay sa tabi mo….

Nagmamahal,
TATAY

Inspired to the image sculpture from the website: lisabdot.homestead.com

Tuesday, July 10, 2012

Tribute to Dolphy Rest in Peace IDOL

Manila Philippines - Isang nakakalungkot na balita ang ating natunghayan sa araw na ito July 10, 2012 sa Makati Medical Center sa edad na 83 taong gulang nagpaalam ang ating Comedy King. Ang pamamaalam ng ating King of Comedy ay pagluluksa ng ating buong kapuluan. Alam naman nating lahat na hindi matatakasan ng kahit sino man ang ganitong pangyayari. Lahat tayo ay darating sa puntong magpapaalam at magpapahinga dala ng ating iba't ibang karamdaman. 

Ang kanyang ala-ala ay hinding hindi mawawala sa ating lahat. Ganyan natin inilalarawan ang ating COMEDY KING DOLPHY. Pumanaw man siya ngunit ang kanyang mga pagpapatawa, pagpapaiyak at maging ang pagpapayo sa ating lahat ay nakatatak na sa ating isipan.

Hindi man natin nakita ng personal ang ating idolo alam nating  lahat na nasa mabuti na siyang kalagayan at makakapag pahinga na siya ng maayos  kapiling ang ating dakilang lumikha.

Paalam po sayo ginoong Rodolfo Vera Quizon Sr. mula po sa lahat ng OFW sa buong mundo ay sumasaludo po sa inyo. Isa po kayo sa maituturing namin malaking kasangkapan para kami ay malibang sa panonood po namin sa inyo sa pamamagitan ng telebisyon upang mapawi ang aming mga kalungkutan dahil sa pagiging malayo sa aming pamilya.
Maraming salamat po Sir.......

Dolphy with Panchito


Dolphy with Vic Sotto



Sunday, June 10, 2012

Pacquiao Loss to Bradley



Bakit nga ba natalo si Pacquiao? 

Marami ang nagtatanong bakit nga ba natalo si Pacman? Isa na ako sa palaging sumusubaybay sa kanyang mga laban kahit na nasa ibang bansa ako ngayon.  Hindi ko napanood ng live ang kanyang laban dahil sa iba ang oras ng aming trabaho sa tuwing may laban siya kaya nagtitiyaga na lamang kami sa reply buhat sa CD  copy  na binebenta sa mga tindahan.

Bakit nga ba natalo si Pacman? 
  • Dahil ba sa kababasa ng Bibliya at napapabalitang magpapastor na siya?
  • Dahil ba sa Issue tungkol sa mga trainer niya
  • Dahil ba sa GAY marriage issue
        Link: Gay Marriage Issue
  • Dahil ba sa pagiging congressman
  • Dahil ba sa magreretire na siya
       Link: Manny Pacquiao Retire

Maraming mga tanong ang naglabasan dahil sa pagkatalo ni Manny Pacquiao at iyan ang mga sumusunod na pangyayari. Nakakalungkot mang isipin subalit sa labang ito ay mayroon talagang nananalo at natatalo. Sa labang iyan talo ang ating pambansang kamao at wag na nating palakihin pa ang issue tungkol kanyang naging pagkatalo.

Ito ang aking masasabi sa kanyang naging paghahanda sa laban.
  • Hindi siya nakapokus sa kanyang laban dahil sa maraming mga aktibidad na kanyang pinuntahan.
  • Lakwatsa dito lakwatsa doon ang kanyang ginawa
  • Relaks na relaks na akala mo ay talagang kayang kaya niya ang laban
  • Masyadong kumpiyansa sa kanyang kakayahan.
  • Sobrang daming iniisip sa Pulitika at sa kanyang pagiging boksingero.
  • Mahina na ang kanyang resistensya dahil sa mga batikos at isipin na palaging gumugulo sa kanyang isip.
  • Mareretire na talaga siya
Sabi nga niya noong March 2012, ito na ang aking huling laban dahil sabi ni Lord mag retire na ako. Ito ang link: Manny Pacquiao Retirement

Ewan lang natin kung talagang totoo ang kanyang sinabi noon or isang way lang ito para sabihing may talo si Pacquiao at matuloy ang laban niya  kontra kay Mayweather.

Abangan nalang natin ang susunod na kabanata.......



Hayaan nalang natin ang mga batikos at no comment na lang sa laban ni Mr. Manny Pacquiao.....

Thursday, June 7, 2012

Independence Day Celebration sa Doha Qatar

Inaanyayahan ang lahat na mga Pilipino maging ang ibang nasyonalidad na narito sa bansang Qatar na suportahan ang isasagawang Independence Day Celebration sa Sheraton Doha Resort and Convention Hotel sa June 8, 2012 mula alas 6 ng umaga hanggang alas 11 ng gabi. Inaasahang dudumugin ang nasabing pagdidiriwang na ito dahil sa partisipasyon ng ating mga kababayan. 

Maraming nakahandang programa mula sa embahada ng Pilipinas patungong Sheraton. Kasama na rin diyan ang mga gagawing pagtulong sa mga kababayan nating may mga problema sa bansang Qatar. Isa na rito ang mga kababayan nating nasawi sa nangyaring sunog sa may Viallagio Mall.

Tiniyak din ng pamunuan ng PINOC sa pamumuno ni Mr. Fidel Escurel na magiging masaya at makabuluhan ang gagawin pagdiriwang para sa mga kababayan nating Pinoy dito sa Qatar. Makikibahagi din ang iba't ibang grupo at organisasyon upang lalo pang maging masaya ang gagawing pagdiriwang.

Maaari din ninyong panoorin via Live Streaming ang nasabing okasyon sa pamamagitang ng BalitangQ website narito po ang Link: www.balitangq.org


Ang Inyong lingkod BuhayOFW

Wednesday, May 30, 2012

3 Pinay sa Viallagio Mall Bagong Bayaning Maituturing

Doha Qatar - Tatlo sa ating mga kababayan ang nasawi sa naganap na sunog dito sa Viallagio Mall Doha Qatar. Sila ay sina Maribel Orosco, Margie Yecyec at Julie Ann Soco mga bagong guro ng Gympanzee Nursery School. Sumabak sila sa buhay abroad upang matulungan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking sunog sa kanilang pinapasukan at nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Maituturing nating kabayanihan ang kanilang nagawa sapagkat hindi nila iniwanan ang kanilang responsibilidad bilang mga guro at tagasubaybay sa mga bata. Ang tanging nagawa na lang nila ay hindi iwanan ang kanilang mga alagang bata na kasama ring namatay sa loob ng gusaling iyon. Mahigit sa 19 ang namatay kabilang ang 13 mga bata, 6 na mga matatanda kabilang ang ating 3 kababayang Pinay at ilang civil depense personnel.

Nakakalungkot mang isipin dahil ang mga kababayan nating ito ay hindi rehistrado ng ating POEA at OWWA (Undocumented OFW). Ayon sa kanilang pinapasukan kasalukuyan pang inaayos ang kanilang mga papeles para maging legal na OFW workers dito sa Qatar. 

Ipanalangin natin na sana mabigyan ng kaukulang benipisyo ang mga ito.  Upang maihatid ng maayos sa ating bansa at makapiling ang kani kanilang pamilya na kasalukuyang nagluluksa sa kanilang pagkamatay. Nakatatak na sa ating mga puso ang pagiging bayaning Pilipino at iyon ang hindi maiaalis sa ating lahat.

Nakikiramay po ang buong BuhayOFW sa sinapit ng ating mga kababayang guro. Ikinararangal po namin kayo lahat na nagsakripisyo bilang mga guro at tagasubaybay.


  

Saturday, May 12, 2012

Scarborough Shoal Protest

Manila - Isang mapayapang rally ang isinagawa ng ilan nating kababayan upang iparating sa bansang CHINA na ang lupaing Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Panatag Shoal ay nasa teritoryo ng bansang Pilipinas. Ang kanilang protesta ay para ilabas ang kanilang saloobin tungkol sa pinag aagawang isla. 




Walang ibang hangad ang ating bansa kundi ang magkaroon ng lupain na mula sa ating likas na yaman. Ipinaglalaban natin ito upang ipakita sa buong mundo na hindi tayo gahaman sa maliit na lupain dahil ito ay nasa ating teritoryo. 

Bumuhos ang maraming balita tungkol naganap na pangsisita ng ating mga Navy tungkol sa ilang mga fishermen na mula sa China. Mula doon ay tumaas na tensyon kaya dagliang nagpadala ng ilang mga barkong pangdigma ang bansang China upang protektahan ang kanilang mga mangingisda. 


Ang ating gobyerno ay gumagawa ng ilang hakbang para maging matiwasay at maayos na ang gulo na nangyayari sa nasabing isla. Ang nagiging magulo lang talaga ay ang mga taong gumagawa ng ilang istorya upang lalo pang palakihin ang tensyon. 


Narito ang balita mula sa mapagkakatiwalaang source.

Maraming balita ang nakakarating sa aming mga OFW kaya sana naman maging maayos ang negosasyon sa dalawang bansa at matapos na ang gulo na nangyayari sa ngayon. Ang bawat pilipino na nag tatrabaho sa iba't ibang panig na mundo ay nakatutok sa nagaganap na pag uusap ng dalawang bansa tungkol sa nasabing isla. 

Hangad ng bawat isa sa atin ang isang matiwasay at maayos na pag uusap upang walang maging isipinin ang mga Buhay OFW .




Friday, May 11, 2012

Philippines China Issue

Bakit nga ba pilit na inaangkin ng bansang china ang isla na kung tawagin ay Scarborough Shoal, marunong ba sila tumingin ng mapa. Kung makikita natin ni hindi umabot sa kalahati ang distansya nila sa pinag aagawang isla.

Ang Scarborough Shoal o mas kilala sa tawag na Panatag Shoal ay dating pang nasasakupan ng ating teritoryo simula pa ng taong 1734 noong tayo pa ay nasa pananakop ng kastila. Kung dahil lang ba sa redmark na nakalagay sa Mapa nila ehhh kailangan bang talagang ganun kalaki ang kanilang nasasakupan.

Masyado naman gahaman sa teritoryo ang mga ito. Kung mapapansin ninyo halos buong karagatan na ito ay gusto nila angkinin. Sana makita ng buong mundo kung bakit tayo pilit na lumalaban sa kanila. 



Wala tayong hangad kundi ang makuha ang karapatan natin sa lupang ating pinaglalaban. Tayo lang ang gagawa ng paraan upang maresolba ang alitan na ito. Kung makikipag laban tayo sa kanila kailangan paratingin ito sa pinaka mataas na kinauukulan upang maresolba ang gulo na ito tungkol sa lupang pinag aagawan.

Kaming mga OFW sa iba't ibang bansa ay nag aalala kung ano man ang mangyayari sa gulo na ito. Malayo kami sa aming mga mahal sa buhay at hindi kami papayag na may masamang mangyari sa kanila. Kung magkakaroon man ng gulo siguradong malaking problema ito.

Narito po ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa Scarborough Shoal:

Saturday, April 21, 2012

Kung Ako'y Iiwan Mo


Doha, Qatar - Dumalaw ang mga cast ng teleseryang kung ako’y iiwan mo dito sa Doha, Qatar upang Ipromote ang kanilang palabas na handog para sa mga Pilipinong OFW sa buong mundo. Pinangungunahan ng mga lead star na sina Shaina Magdayao, Jake Cuenca at Bangs Garcia na mula sa star cinema ng ABS CBN show. Ito rin ang kaunaunahang palabas na  nag shoot sa Doha, Qatar, at sa Dubai, UAE.

Ang teleserya ay hango sa mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Ang pagsasakripisyo ng bawat pamilyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang isa sa pinaka tampok sa kanilang teleserya. Maraming mapupulot na aral at hango sa tunay na pangyayari ang nilalaman ng istorya.  

Nagsagawa ng isang special screening premiere night  dito sa Al Majlis hall sa Sheraton Doha Resort  and Convention Hotel ang cast ng Kung Ako’y iiwan mo at tinangkilik ito ng ating mga kababayan. Ang ganitong mga palabas ang inaabangan ng ating mga kababayang OFW upang kahit minsan ay ma relaks ang kanilang mga isip at kalimutan ang mga problema sa buhay.

Magsisimula ang  teleserya sa Abril 16, 2012 sa channel 2 ABS CBN at mapapanood rin ito sa TFC sa lahat ng panig ng mundo.


Emir ng Qatar dumalaw sa Pilipinas


Emir ng Qatar Dumalaw sa Pilipinas

ni: BuhayOFW

Nitong Abril 10, 2012 dinalaw ng Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad Bin Khalifa al-Thani ang Pilipinas upang palawakin ang ugnayan ng dalawang bansa ukol sa turismo, agrikultura, edukasyon at sa enerhiya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na dumalaw ang Emir ng Qatar sa ating bansa.

Karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa bansang Qatar ay tuwang tuwa sa ginawa ng hari. Mahigit sa 175,000 na ang kabuuan na mga Pilipino ang nasa Qatar sa ngayon. Patuloy pang tumataas ang bilang na mga Pilipino dahil sa magandang ugnayan ng dalawang bansa.

Sinalubong ng ating pangulong Aquino sa malakanyang palace at binigyan ng red carpet ang delegasyon ng hari. Nakipagpulong din ang matataas na sanghay ng gobyerno upang lalo pang palawakin ang magandang relasyon ng Pilipinas at ng bansang Qatar.

Ang Qatar ang isa sa pinakamayamang bansa sa ngayon dahil sa mataas na imbak na langis at ito rin ang nangungunang bansa na may pinaka malaking reserve na LPG- LNG gas sa buong mundo.