Niyanig ng napakalakas na lindol ang bisaya region kabilang ang Cebu, Bohol at karatig na probinsya. Ayon sa balita 20 na ang kompirmadong patay sa insidente dahil sa gumuhong gusali at marami din ang napabalitang nasaktan.
Nangyari ang malakas na lindol sa bayan ng Carmen 8 kilometro ang layo nitong martes 8:12 ng umaga sa sukat ng 7.2 magnitude.
Narito ang sukat ng lindol sa iba't ibang dako
Intensity VII - Tagbilaran, Bohol
Intensity VI - Inigaran, Negros Occidental
Intensity V - Iloilo City; la Carlota, Negros Occidental
Intensity IV - Masbate City, Roxas City, San Jose Culasi, Antique; Guihulngan, Negros Oriental
Intensity III - Davao City
Marami ang nangangamba na may darating na Tsunami dahil lakas ng lindol pero nilinaw ng Philvocs na walang Tsunaming mangyayari. Ito ay base na rin sa inilabas na balita ng
The Pacific Tsunami Warning Center.
The Pacific Tsunami Warning Center.
Maraming nawasak na gusali kabilang na ang isang lumang simbahan, nawasak din ang isang mall at ilang kabahayan dahil sa lakas ng lindol. Pinag iingat ang lahat na kung sakaling umulit ang lindol ay lumabas sa mga ligtas na lugar upang hindi mabagsakan ng mga mabibigat na bagay.
Maraming OFW ang nag aalala sa kanilang mga mahal sa buhay na naapektuhan ng nasabing lindol. Kaya po mag iingat po ang lahat sa mga ganitong klaseng sakuna.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW