Showing posts with label comment post. Show all posts
Showing posts with label comment post. Show all posts

Thursday, October 17, 2013

Donation for Cebu and Bohol Earthquake

Mag pray po tayong lahat sa mga naging biktima ng lindol sa parte ng Visaya Region. Alam namin na marami ang naapektuhan sa naganap na trahedya. Kaya marami  ang nagsasagawa ng mga donation sa lahat ng panig na mundo.

We are very sad dahil sa nangyari kaya kailangan pong muling makabangon ang mga nasalanta. We are calling the attention ng mga government official na unahin ipagawa ang mga kalsada at ilang importanteng gusali na naapektuhan ng lindol.

 
Itong video na ito ay mula sa Hayop sa Ganda FB fan Page.....

Post by Hayop Sa Galing.

Please contact the legitimate organization para po sa inyong donasyon....

Saturday, August 18, 2012

Andito lang si Tatay - BuhayOFW


“ANDITO LANG SI TATAY”

Photo credit: lisabdot
Sana maisip mo na andito lang ang TATAY.

Kapag nanghihina ka dahil sa mga mapang asar na kaklase mo wag kang malungkot. Kapag nadapa ka dahil sinabihan kang lampa wag kang mag alala dahil alam ko tatayo ka at ipagmamalaki mo na kayang kayako ito. Isipin mo lang na andito lang si Tatay na palagi kang susuportahan sa mga pangangailangan mo.

Naalala mo po ba na kasama mo pa ako sa eskwelahan dahil parents needed ka. First time kong nakilala ang titser mo kinagalitan ba kita dahil sa nangyari? wag mong isipin na galit ako noong kinakausap ako ng titser mo gusto lang niya na maituwid ka sa mga pagkakamali mo.

Diba maraming beses na rin tayong nag away paulit ulit na lang ang pagsusuway mo sa akin. Wala naman akong ibang bilin kundi unahin mo ang pag aaral mo. Wala kaming ibang hangad sa buhay kundi ang mapabuti ka at kahit hirap na ang katawan ko sa pag tatrabaho pinipilit ko lang lahat ng ito para maibigay ko ang pambili ng notebook at libro mo.

Sana makatapos kana sa pag aaral mo para makakuha ka ng medalya sa iyong eskwelahan at maipagmalaki ko dito. Pasensya ka na ANAK dahil ganito talaga ako, wag mo ako intindihin dahil kayang kaya ko dito. Ang gusto ko wag mong maranasan ang paghihirap na pinag daanan ko kaya lagi mong tatandaan na mahal ka ni Tatay.

Ingatan mo ang sarili mo dahil palagi kitang pinagdarasal kay LORD na bigyan ka ng magandang pangangatawan at malayo sa anumang sakit dahil nag aalala ako dito kapag nabalitaan kong may lagnat ka at hindi pumasok sa eskwelahan mo. Kumain ka ng tama sa oras at wag mong abusuhin ang katawan mo sa puyat para kinabukasan may resistensya ka sa mga gagawin mo.

Iwasan mo ang barkada na alam mong mapapahamak ka lang, wag kang sumama sa kanila dahil alam kong mapapariwa ka lang gaya noong panahon ko na napasama  ako sa mga adik sa kanto. Mabuti nalang at may nagtiwala sa akin kaya narating ko ang Middle East para makapag trabaho.

Tandaan mo palagi na ANDITO lang si Tatay sa tabi mo….

Nagmamahal,
TATAY

Inspired to the image sculpture from the website: lisabdot.homestead.com

Thursday, May 3, 2012

Sakripisyo ng isang OFW

"Buhay 0FW"...


--di bale ng dumanas ng


...hirap,


...sakit,


...lungkot,


...pangungulila,


...tiisin,


...pighati, minsan


...kasawian,


...kakulangan


= Kung ang lahat naman ng ito para sa mga mahal natin sa buhay, pamilya ay may magandang kapalit na maibibigay sila para sa atin,
*Ang lahat ng pagtitiyaga, sakripisyo nating mga 0FW ay matumbasan lamang ng kahit


* Isang magandang mensahe lamang galing sa txt
* Isang magandang mga ngiti mula sa labi ng ating mga mahal sa buhay mula sa video
* Isang magandang balita galing sa mga mahal natin mula sa facebook
* Isang magandang salita ng pagpaparamdam ng PAGPAPASALAMAT at pagpapadinig ng PAG-AALALA mula sa sa Kabiyak Mo sa buhay at galing sa mga anak Mo sa pamamagitan ng cellph0ne...


... ANG LAHAT PO NG MGA YAN, ANG TANGI NAMING HINAHANAP AT HINIHINGI NA MANGGAGALING PO SA AMING MGA MAHAL SA BUHAY,mapapawi po ang lahat ng mga nararamdam naming pangungulila sa inyo... 


Fr0m: BUHAY OFW ^_^




Tuesday, April 24, 2012

Bawal ang tamad

BuhayOFW - Ang BuhayOFW ay sala sa init at sala sa lamig, dahil iba't iba ang ating mga pinagdadaan sa buhay. Minsan masaya at minsan din malungkot dahil sa mga problema na ating hinaharap. Karaniwan sa atin ay simpleng mamamayan lang na nangarap makapag abroad. Sinubukan ang makipag sabayan sa iba't ibang larangan ng trabaho para kahit paano ay may mapatunay sa sarili. Ilang beses na pinagalitan, sinigawan at inalipusta ng ating mga kasamahan subalit narito pa rin tayo upang maipag patuloy ang ating buhay.

Patibayan ng loob at patibayan ng resistensya ito ang ating kailangan  upang tumagal tayo sa mundo ng BuhayOFW. Sa bawat panahon na ating nilalagi sa bansang ating pinuntahan. Kailangan natin ng tibay ng loob at matibay na resistensya dahil kailangan nating patunayan na iba talaga ang Pinoy. 

Bawal ang tamad, totoo na bawal talaga sa ibang bansa ang tamad na tao dahil dito kailangan natin maging masipag para makamit natin ang pangangailan ng ating pamilya. Ika nga nila kung tatamad tamad ka wala kang biyaya makukuha. Sa atin nakasalalay ang ating ikauunlad ng ating sarili at maging ng ating pamilya dahil tayo ang gagawa ng ating magandang kinabukasan sa ibang bansa.

Ni: Brad Broy