Showing posts with label Magandang Balita. Show all posts
Showing posts with label Magandang Balita. Show all posts

Monday, July 26, 2021

Hildilyn Diaz unang ginto

 

Mabuhay ka Hildilyn Diaz sa kauna unahang ginto ng bansang Pilipinas sa Olympic game.

Monday, October 9, 2017

OFW Mechanic without Hand and Feet - Gulf News


Proud OFW no feet, no hand but OFW.

Salamat sa Gulf News sa pagpapakita ng video na ito. Super nakakaproud si Kuya sa kabila ng kanyang kapansanan hindi naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap.

Visit the link: www.gulfnews.com

Saturday, September 1, 2012

Basic Electrical Workshop Seminar


Doha – Qatar, Nagsagawa ng 3days seminar tungkol sa Basic Electrical Wiring ang ilan sa mga kaibigan natin dito sa Qatar noong nakaraang bakasyon. Nais nilang ibahagi ang kanilang nalalaman sa ating mga kababayan na nais matuto sa nasabing workshop.


Binuo ang nasabing programa sa tulong ng ilan nating mga kababayan sa pangunguna ni Jaime Pamintuan na isang Senior Electrical Technician sa isang kumpanya dito sa Qatar. Marami ding tumulong upang mabuo ang nasabing programa na kinabibilangan nila Engr. Renato Bantayan, Engr. Nelson Reyes, at Engr. Cresendo Coquilla upang matuloy ang nasabing programa.

Marami ang nagkaroon ng interest tungkol sa Basic Electrical Wiring kaya marami din ang nagpatala sa unang araw ng nasabing programa upang makapag hand on sila at matuto kung paano ginagawa ang isang Electrical Wiring. Mula sa basic hanggang sa installation ay kanilang itinuro ang tamang paraan upang magamit nila ito at magkaroon ng munting kaalaman.

Ayon kay Ginoong Jaime Pamintuan nais niyang ibahagi ang kaniyang kaalaman upang maituro sa mga nagnanais matuto ng Basic Electrical Wiring sa ganitong paraan ay nakatulong na siya at nawala pa ang homesickness niya bilang isang OFW. Ang karunungan ng isang tao ay magiging mabiyaya kung ito ibabahagi sa iba nating kaibigan o kakilala at hindi ipagdadamot ng sa ganitong paraan ay nakatulong tayo sa ibang tao na nais matuto ng ibang kaalaman.

Bilang bahagi ng nasabing programa nais po natin iparating sa kapwa nating OFW na ang ganitong pamamaraan ay isang nakakabigay inspirasyon sa bawat Pilipinong nakikipag sapalaran sa ibang bayan.


Mula po sa gitnang silangan ang inyong lingkod BuhayOFW……

Saturday, August 18, 2012

Andito lang si Tatay - BuhayOFW


“ANDITO LANG SI TATAY”

Photo credit: lisabdot
Sana maisip mo na andito lang ang TATAY.

Kapag nanghihina ka dahil sa mga mapang asar na kaklase mo wag kang malungkot. Kapag nadapa ka dahil sinabihan kang lampa wag kang mag alala dahil alam ko tatayo ka at ipagmamalaki mo na kayang kayako ito. Isipin mo lang na andito lang si Tatay na palagi kang susuportahan sa mga pangangailangan mo.

Naalala mo po ba na kasama mo pa ako sa eskwelahan dahil parents needed ka. First time kong nakilala ang titser mo kinagalitan ba kita dahil sa nangyari? wag mong isipin na galit ako noong kinakausap ako ng titser mo gusto lang niya na maituwid ka sa mga pagkakamali mo.

Diba maraming beses na rin tayong nag away paulit ulit na lang ang pagsusuway mo sa akin. Wala naman akong ibang bilin kundi unahin mo ang pag aaral mo. Wala kaming ibang hangad sa buhay kundi ang mapabuti ka at kahit hirap na ang katawan ko sa pag tatrabaho pinipilit ko lang lahat ng ito para maibigay ko ang pambili ng notebook at libro mo.

Sana makatapos kana sa pag aaral mo para makakuha ka ng medalya sa iyong eskwelahan at maipagmalaki ko dito. Pasensya ka na ANAK dahil ganito talaga ako, wag mo ako intindihin dahil kayang kaya ko dito. Ang gusto ko wag mong maranasan ang paghihirap na pinag daanan ko kaya lagi mong tatandaan na mahal ka ni Tatay.

Ingatan mo ang sarili mo dahil palagi kitang pinagdarasal kay LORD na bigyan ka ng magandang pangangatawan at malayo sa anumang sakit dahil nag aalala ako dito kapag nabalitaan kong may lagnat ka at hindi pumasok sa eskwelahan mo. Kumain ka ng tama sa oras at wag mong abusuhin ang katawan mo sa puyat para kinabukasan may resistensya ka sa mga gagawin mo.

Iwasan mo ang barkada na alam mong mapapahamak ka lang, wag kang sumama sa kanila dahil alam kong mapapariwa ka lang gaya noong panahon ko na napasama  ako sa mga adik sa kanto. Mabuti nalang at may nagtiwala sa akin kaya narating ko ang Middle East para makapag trabaho.

Tandaan mo palagi na ANDITO lang si Tatay sa tabi mo….

Nagmamahal,
TATAY

Inspired to the image sculpture from the website: lisabdot.homestead.com

Friday, June 1, 2012

PhilHealth Issue - June 01, 2012

Manila, Philippines - Ayon sa balita 5 milyon OFW na ang rehistrado ng Phil Health (Philippine health Insurance Corp.) ayon sa pangulo ng PhilHealth na si Dr. Eduardo Banzon nakakuha na ang mahigit sa 2.5 milyon na OFW maging ang kanilang mga pamilya. 

Ang mga OFW na hindi pa rehistrado ng PhilHealth ayon sa kanya ay maaaring magparehistro maging ito ay land base or sea base.

Basahin ng buo: www.gmanetwork.com

Saturday, April 21, 2012

Emir ng Qatar dumalaw sa Pilipinas


Emir ng Qatar Dumalaw sa Pilipinas

ni: BuhayOFW

Nitong Abril 10, 2012 dinalaw ng Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad Bin Khalifa al-Thani ang Pilipinas upang palawakin ang ugnayan ng dalawang bansa ukol sa turismo, agrikultura, edukasyon at sa enerhiya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na dumalaw ang Emir ng Qatar sa ating bansa.

Karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa bansang Qatar ay tuwang tuwa sa ginawa ng hari. Mahigit sa 175,000 na ang kabuuan na mga Pilipino ang nasa Qatar sa ngayon. Patuloy pang tumataas ang bilang na mga Pilipino dahil sa magandang ugnayan ng dalawang bansa.

Sinalubong ng ating pangulong Aquino sa malakanyang palace at binigyan ng red carpet ang delegasyon ng hari. Nakipagpulong din ang matataas na sanghay ng gobyerno upang lalo pang palawakin ang magandang relasyon ng Pilipinas at ng bansang Qatar.

Ang Qatar ang isa sa pinakamayamang bansa sa ngayon dahil sa mataas na imbak na langis at ito rin ang nangungunang bansa na may pinaka malaking reserve na LPG- LNG gas sa buong mundo.


Saturday, March 17, 2012

Heat Stroke sa Middle East


Heat Stroke sa Middle East
ni: BuhayOFW
Ang ating kalusugan ang isa sa pinaka importanteng bagay na dapat isalang alang ng mga kababayan natin OFW. Marami sa atin ang nagtatrabaho sa mga maiinit na lugar gaya ng sa disyerto at iba pang maiinit na lugar. Noong naraang taon may ilang mga kababayan natin ang tinamaan ng ganitong karamdaman at ito nang naging dahilan para sila umuwi ng ating bansa at huminto sa kanilang mga trabaho.

Marami ang umaasa sa atin kaya dapat nating alagaan ang ating mga sarili para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Ang pagtatrabaho sa mga maiinit na lugar, ang isa sa mga dahilan ng pagdami ng mga kababayan nating tinamaan ng HEAT STROKE.

May ilan akong nabalitaan na nagkaroon ng ganitong karamdaman at ang masakit pa nito ay umuwi silang walang buhay dahil sa karamdaman at walang proteksyon sa kanilang mga sarili. Kailangan po nating gawin ang mga tamang paraan upang maiwasan at malampasan natin ang ganitong karamdaman.

Ang pera na kinikita natin ay hindi magiging sapat kung tayo’y magkakasakit ng katulad nito. Pag iingat po ang kailangan upang maiwasan natin ang ganitong karamdaman.

Narito po ilang mga TIPS upang maiwasan ang HEAT STROKE

1.    Uminom ng mahigit sa 2 basong tubig bago gumawa ng trabaho na babad sa initan. Magbaon ng tubig kung malayo ang pagkukuhanan.

2.    Gumamit ng mga kasangkapan upang proteksyon ang sarili mula sa tindi ng init ng araw.

3.    Wag uminom ng softdrink dahil madali itong makaka uhaw at  nagiging dahilan upang bumaba ang resistensya ng katawan ng tao.

4.    Gumamit ng tuwalya pang punas ng pawis at magkaroon ng extra na tuwalya para sa katawan.

5.    Iwasan ang manigarilyo dahil isa ito sa dahilan ng paghina nga katawan ng tao dahil sa init na ibinibigay nito.

Kung meron man po kayong mga kasamahan sa trabaho na ganito ang sitwasyon mangyari po sanang tulungan ninyo upang hindi na lumala pa ang kanyang karamdaman. Ang impormasyon na katulad nito ay isang bagay na dapat gawin ng bawat OFW na nakakaranas ng ganitong karamdaman.

Maaari po ninyong bisitahin ang ating website BuhayOFW para ibang detalye.

Thursday, March 15, 2012

AZKALS beat INDIA

Nakakagulat ang ipinakitang gilas ng ating panlaban Azkals sa larong football. Panoorin ninyo kung paano tinalo ng Azkals ang India. Sana magtuloy tuloy ang kanilang mahusay na laro para makilala din tayo sa larong football.


Reply click here
Azkals beat India

Friday, November 11, 2011

New7Wonder of Nature - Puerto Princesa Underground River

Isang magandang balita para po sa ating bansang Pilipinas. Ang ating Puerto Princesa Underground River ay isa  sa napiling New Seven Wonder of Nature. Kahit ito po ay provisional winner pa lang isa na ito sa tagumpay ng ating PPUR dahil alam natin na ang PPUR ay isa sa maiituturing na ingat yaman ng ating bansa.


Tagumpay ng Puerto Princesa Underground River tagumpay ng bansang Pilipinas.


Lahat po ay nagtulong tulong para sa isang adhikain at layunin na patunayan na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga lugar na may magandang tanawin. Kami sa hanay na mga OFW sa bansang Qatar ay nagkaisa upang kahit paano ay makatulong sa paraan na makaboto ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mangungulit sa kanila.

Maraming salamat po sa mga bumubuo ng PPUR Organising Commitee ng bansang Qatar mula sa aming embahada ng Pilipinas Ginoong Cresente Relacion at ng grupong BalitangQ. Sa lahat ng taong nakasama upang maging matagumpay ang pagboto maging ang social media group at iba't ibang organisayon sa bansang Qatar panalo po ang ginawa nang bawat isa sa atin.




Salamat sa inyong suporta.....

Mula po sa BuhayOFW nag uulat - BalitangQ member

Friday, October 21, 2011

Bagong Bayani ng BuhayOFW

Doha, Qatar - Hindi ko pa man din natatapos ang aking pagsusulat tungkol sa pinagpipilian kong bagong bayani para sa BuhayOFW. Lumitaw agad ang pangalan ni Tito Frank Jamandre na siyang pangulo ng Philippine Nurses Association Qatar(FNAQ) na isa sa hinirang na bagong bayani para sa taong 2011.

Ang kanyang pamumuno sa kanilang organisasyon (Filipino Mission Doctors/Dentists/Pharmacists/Nurses & Volunteer in Qatar) ang isa sa naging kasangkapan para hiranging siyang bagong bayani ng ating henerasyon. Isa ito sa maiituturing kong napakalaking karangalan na nakilala at nakasama ko minsan sa mga proyekto para sa mga OFW.


Pinuno ng organisyon sa Qatar kasama si Ambasador Relacion
Marami sa amin ang humahanga sa kanyang liderato maging ang mga pinuno ng mga organisasyon dito sa Qatar ay saludo sa kanyang pagmamalasakit sa ating mga kababayan na hindi kayang magpagamot dala ng maliit na sahod. Siya rin ang isa sa mga naging kasangkapan para maging matagumpay ang 113th Independence Day dito sa Qatar. Kahahanga hanga ang kanyang pinamalas dahil pinakita niya sa lahat na magagawa natin ang pagtulong sa mga kababayan ng hindi naghahangad ng anu mang kapalit. 

Tito Frank in Action
Ilang beses ko nang sinundan ang mga misyon ng kanilang grupo. Sa bawat pagpunta ko doon hindi ko malilimutan na hanapin si Tito Frank dahil gusto kong subaybayan ang kanyang misyon para sa mga OFW nating kababayan. Nakita ko ang ngiti ng ating mga kababayan kapag natatapos na silang magpakonsulta ng libre. Maging ang ibang nasyonalidad ay humahanga sa kanilang grupo sapagkat hindi nila ipinagkait ang tulong pang medical. May nakausap akong isang Indian National habang kausap ko siya nasabi niya sa akin na kakaiba daw ang ugali ng mga pinoy dahil nakita niya na bagama't hindi magkakakilala ng lubusan ay nagtutulungan at mapagmahal sa kapwa. Nakakatuwa di po ba dahil sa kanila mismo nang galing ang salita na matulungin at mapagmahal sa kapwa tayong mga Pilipino.

Tito Frank at ilan sa mga kaibigan
Kaya naman sa iyo Tito Frank Jamandre saludo po ang BuhayOFW at maging ang mga kababayan natin dito sa Qatar ay talagang humahanga sa iyong misyon ipagpatuloy po ninyo ang inyong nasimulan at ipakita natin sa buong mundo na ang Pilipino ay matulungin at mapagmahal sa kapwa tao.

Tito Frank at BuhayOFW

Salamat po sa inyong misyon......

Ang BuhayOFW

Friday, October 14, 2011

Ang Kasambahay sa ibang bayan

Isang magandang araw po BuhayOFW, Iyan ang bungad sa akin ng isang kasambahay na nakilala ko dito sa abroad ng minsan pumunta ako bahay ng isa kong kliyente dito sa abroad. Isa siyang kasambahay na ang amo ay prominenteng tao dito sa abroad. 

Kinamusta ko ang kanyang kagalayan bilang kasambahay. Sabi niya sa akin, Maayos naman ang kanyang kalagayan dito dahil maganda ang magpamalakad ng kanyang amo. Tuwang tuwa niyang kinukwento sa akin na nakarating na siya sa mahigit na 10 iba't ibang bansa. Kahit na mababa ang sweldong kinikita niya ay suportado siya ng kanyang amo. Malaya siyang nakakagamit ng mga kagamitan gaya ng cellphone, computer at iba pang gamit sa bahay. Nakakatuwang isipin na bihira sa mga kasambahay ang binibigyan ng pagkakataon na kanilang amo ng ganitong prebeleheyo.

Isa pang kwento niya sa akin kapag may nakalumaan nang gamit ang kanyang amo ay ibinibigay na lang sa kanya ito at nagagamit niya ng maayos. Nakakatuwa diba dahil napakabait ng kanyang amo at sana ganito rin ang nararanasan ng iba nating mga kababayan na kasambahay.

Bago pa ako umalis sa bahay ng kanilang amo na aking kliyente at binigyan pa ako ng maiinom at sandwich na gawa nila kaya naman nakakatuwang isipin na sabik ang ating mga kababayan na makasalamuha ng kapwa pinoy. Sobrang saya ang nararamdaman nila ng makilala nila ang katulad kong ordinaryong tao na sumusulat ng ganitong istorya ng mga OFW. Isang pasasalamat po ang aking ipapaabot sa inyo na minsan ko po kayo nakilala dito sa ibang bayan na ating pinuntahan.

Ang kasambahay ang isa sa maraming trabaho sa labas ng bansa at ito rin ang isa sa marangal na trabaho na pinagmamalaki ng ating mga kababayan. Ipinamamalaki kong sabihin sa inyo na bagamat marami sa ating mga kababayan ang dumadanas ng kalupitan sa kanilang amo ay taas noo pa rin nila ipinagmamalaki ang kanilang trabaho. Hindi ko makalimutan ang sinabi sa akin ng kasambahay na nakilala ko "Sir ang trabaho namin dito ay katulong lang pero ikinararangal namin ito dahil marangal ito,  Ito lang kasi ang aming naabot dahil hindi naman kami nakatapos ng pag aaral. Masaya kami dito dahil nakakatulong kami sa aming pamilya para may ipadala sa kanila. Hindi kami nagnanakaw at gumagawa ng mali dahil alam namin na kami rin ang maapektuhan nito". Sa kanyang sinabi ay umantig sa aking puso ang pagiging mababang loob ng kababayang ito. Nakita ko ang kanyang pagmamahal sa kanyang sarili at maging sa kanyang pamilya.

Sa mga kababayan natin nagkaroon ng pagkakataon na makasalamuha ng katulad nilang kasambahay. Patuloy po sana natin sila suportahan at bigyan ng pansin dahil sa hindi biro ang kanilang pinagdaanan bilang kasambahay dito sa ibang bayan. Ang marangal na trabaho ay susi sa ikatatagumpay ng bawat Pilipinong nakipagsapalaran sa ibang bayan.

Maraming salamat sa pagkakataon na nakakilala ko ang isang kasambahay na maayos ang kalagayan sa kanilang amo. Patuloy ko pong ipagdarasal ang inyong magandang kalagayan sa piling ng bawat amo na inyong pinaglilikuran.

Ang inyong lingkod BuhayOFW





Tuesday, August 2, 2011

Puerto Princesa Underground River


Ang Puerto Princesa Underground River ay isa sa mga kalahok sa ginaganap na Seven Wonder's of the World. Ang buong Pilipinas maging ang lahat ng mga kababayan nating OFW sa iba't ibang panig ng mundo ay sumusuporta sa ating Kalikasan. Kaya naman buong pagmamalaki po nating sabihin sa ating mga kakilalang dayuhan ang ating pinag yayabang na Underground River na matatagpuan sa Palawan Philippines.

Kami na mula pa sa bansang Qatar ay nagkakaisa upang maipanalo ang ating pinagyayabang na underground River at iyan po ay suportado ng aming mahal na ambasador Crescente Relacion at lahat ng bumubuo ng embahada ng Pilipinas sa bansang Qatar.

Mula po sa ng bumubuo ng BalitangQ, CCA, Dugong Pinoy-UFV, FDOQ, PPUR Commitee, FilCom, at iba't ibang grupo mula sa Qatar ay sumusuporta upang maipanalo ang ating iniingatang Underground River.


Ilan sa paraan para bumoto:

Pumili ng 7 kalahok kasama ang ating Puerto Princesa Underground River
Hintayin na confirm ang iyong boto. Forward na rin natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak at kakilala.

Text Message: Alamin po ninyo ang cellphone provider na ginagamit ng bansang inyong nasasakupan at ubusin po ninyo ang inyong load. Para makadagdag boto sa ating PPUR

  1. Dial one of these international telephone numbers:
    +23 92201055
    +1 869 760 5990
    +1 649 339 8080
    +44 758 900 1290
  2. At the end of the message, after the tone, insert the 4 digit code for your chosen nomine
  3. When you hear the thank you message, you are all done – you have voted by telephone.
  4. Ang ating PPUR ay 7723

Monday, July 25, 2011

BuhayOFW Anibersaryo


July 26, 2011 - Sa pagsapit ng ating anibersaryo para sa sulating BuhayOFW dito sa ibang bansa na sinundan at tinangkilik ng mahigit sa 17,000 katao upang alamin kung paano ba talaga ang buhay ng mga OFW sa ibang bansa. Marami ang nagbigay ng kanilang mensahe upang suportahan at tangkilikin ang ating sulatin BuhayOFW.

Karamihan sa mga taong nakakasalamuha ng inyong lingkod ay pawang maliit at baguhang OFW. Nakilala at nakausap kung paano ba mamuhay ang isang baguhang OFW. Alam naman natin na napakahirap ang maging isang OFW at iyan ang pilit inaalam ng inyong lingkod. Sa aking paglalakbay at pakikipag kaibigan sa ibang bansa marami akong natutunan kung paano ba nakatatagal at makipag salamuha sa ibang tao. Maraming hindi makakalimutang sandali ang dumaan sa akin, mga pagsubok at homesick na palaging andiyan sa tuwing naaalala natin ang ating mga mahal sa buhay. Ilan lang yan sa mga pagsubok na dinadanas ng isang OFW.

Sa pagsapit ng ika isang taong anibersaryo sa darating na Hulyo 26, 2011 ng sulating BuhayOFW Maraming nakakatuwang pangyayari ang naganap sapagkat nakarating ito sa mahigit sa 74 bansa na hindi ko lubos akalain na magagawa ko pala na maipahayag sa ibang tao ang aking karansan. Ang mga sulating nagawa ng inyong lingkod sa pamamagitan ng blogging ay tinangkilik at minahal ng publiko. Maraming papuri at sintemento ang natanggap lalo na sa mga taong totoong nararanasan nila ang hirap na maging isang OFW. Naisama sa GMA7 Pinoy Abroad website ng 3 beses at ngayon ay nasa sulating Focus in the Middle East ng Abante Middle East Edition.

Dahil sa pagtitiwala ng ilang tao mula ngayon at hangga't andito ang inyong lingkod sa ibang bansa ay hindi ko ipagwawalang bahala at katatamaran ang mag bigay sa inyo ng konting kaalaman kung anu-ano ba ang mga dapat gawin ng bawat Pilipino na sumubok makipagsapalaran sa ibang bayan. Maraming tulong ang nagawa sa kabila ng kakapusan sa pondo subalit hindi pa rin nawawalan ng pag asa para maihatid sa ating mga kababayan ang konting impormasyon na kailangang makarating sa kanila upang kahit paano ay maipabatid sa lahat ang nagagawa ng isang OFW.

Kung mayroon po kayong nais ipabatid sa sulating BuhayOFW ay malugod ko kayong inaanyayahan na sumulat sa angbuhayOFW@gmail.com at aking pong ilalathala sa pamamagitan ng ating sulating BuhayOFW.

Maraming salamat po sa inyong suporta at pagtitiwala hanggang sa muling pagsusulat ng BuhayOFW

Sunday, July 10, 2011

Summer FUN DRIVE for a Cause - Tagumpay

Likas talaga sa ating mga Pilipino ang ugaling tumulong sa kapwa, Ang pagtulong sa mga may sakit nating kababayan ang pinagtuunang pansin ng mga grupong mahihilig sa sasakyan at motorsiklo. Ang kanilang hakbang ang siyang naging paraan para makalikom ng pera para tulungan ang mga kapatid nating may mga mabibigat na karamdaman.

Ang grupong UPMMG-Qatar at FilCom ay isang grupo na binubuo ng mga pilipinong mahihilig sa mga sasakyan at motorsiklo. Sila ang nanguna upang maging maayos ang nasabing Summer FUN DRIVE for a Cause para sa 6 nating kababayan na may malubhang sakit dito sa bansa Qatar.

Ang mga kababayan nating sila Alyssa Mamacos-Lymphoma, Rolenia Fordan-Breast Cancer, Dave Salonga-Aplastic Anaemia, Honorio Nicolas-Paraplegic Patient, Yolly Legance-Renal Failure at Regina Grace Nunez-Congenital Heart Disease ang mga kababayan nating tinulungan ng grupo.

Nilahukan ng hindi baba sa mahigit na 80 katao, mahigit sa 50 saksakyan at 15 motorsiklo na karamihan ay mga pilipino upang ipakita ang kanilang kabayanihan para sa Fun Drive at lumikom ng pondo para sa kanilang misyon. Sa paunang paglikom nakabuo sila ng mahigit sa 9,160QRs. na galing mismo sa kanilang ginawang Fun Drive. Marami pa ang nagpaabot ng donasyon para sa nasabing Summer FUN DRIVE for a Cause dahil iba sa kanila ay hindi nakasama.

Hindi man nakarating ang inyong lingkod sa nasabing FUN DRIVE ay buo ang pagsuporta sa inyo ng sulating BuhayOFW dahil sa inyong magandang ginawa. Alam ko na hangad ng inyong grupo na lalo pang makatulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng inyong suporta at tulong. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong magandang hangarin para po sa pakinabangan ng ating mga Pilipinong OFW. 

Alam natin na maraming iba't ibang grupo hindi lang sa bansang Qatar ang gumagawa ng ganitong pagtulong kapwa. Isa kayo sa mga dapat maging huwaran ng bawat mamayang Pilipino na OFW sa buong mundo.


Ipinagmamalaki po kayong lahat ng inyong lingkod BuhayOFW.

kung may nais po kayo iparating sa BuhayOFW ay mangyari po lamang na isulat sa angbuhayofw@gmail.com

Saturday, July 9, 2011

Hanggang kailan ka magiging OFW Sabi niya?

Isa pong kababayan natin galing pa sa Dubai-UAE ang nagparating ng kanyang mensahe sa atin kung hanggang kailan ba talaga tayo magiging OFW. Sa kanyang mensahe ay talaga namang nakalagay kung paano ba magiging maayos ang buhay ng isang OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa. Basahin po ninyo ang liham na mula pa kay Paul Gamboa ng UAE. 

Dear Kabayang OFW,
Good day.

I came across your blog while trying to find out kung papaano maka-reach out sa mga kababayang OFW dito sa Doha.

Like you, I am also an OFW pero based ako sa Dubai. I and our advocacy team in UAE are  also trying to do our small part on how to improve the lives of the OFWs in the Middle East. 

So why am I here in Doha?

For the past three years, I have been advocating in UAE financial literacy for the OFWs and their families. I think we've gathered momentum there now.
I believe it is now time to go beyond UAE.

As workers, Filipinos have always held our heads up high above other nationalities. Wala tayong problem kung pagtratrabaho lang ang pag-uusapan. Da best ika nga.
Pero pagdating sa paghawak at pagpapalago ng pera, zilch tayo. 
Di naman lahat, pero mas nakakarami.. 

Hence pag tinanong mo ang isang Pinoy dito sa Gitnang Silangan, haggang kailan ka magiging OFW?
Malamang sa hindi, hindi alam ang sagot. Hindi alam kung haggang kailan.
Or ang sasabihing pabiro . .. 
Hanggang May na lang . . . hanggang may langis.

But this is a serious question that every one of us must have a definite answer if we are to take charge of our life.
Because the danger is that if we are not sure when, then most OFWs might be included in the statistics that 98% of the senior citizens today are financially struggling.
Only 2% are financially stable. When we relate this to OFWs, nagtrabaho ng 10, 15, 20 years sa gitnang silangan. . . tapos pag uwi, hikahos pa rin ang karamihan.

When probed on the cause of the wide discrepancy, the reason lies on financial planning.
Yung 2% merong financial plan and acted on it. Yung 98%, wala.
People don't plan to fail in life. They fail because they didn't plan.

Bakit walang planong pinansyal ang 98%?
Three reasons given :
1. They don't know how to do financial planning. Or the information they know, mali o di na angkop ngayong panahong ito.
2, No money daw. Kokonti lang naman ang natitira sa sweldo (kung meron man), so ginagastos na lang.
3. Merong alam, merong pera, pero walang disiplina

We've learned that the solutions to the above reasons are simple.
Simple lang. Kailangan lang may magturo at ipakitang madali.
And then, hopefully madali ng masagot ng isang OFW kung hanggang kailan siya magiging OFW.

It is for this reason that I wrote you this email.
I'd like to share with the simple money concepts that will shock you in its simplicity
but dumbfound you with its power and effectiveness.

If you could spare half an hour, lets have coffee in Dairy Queen in front of Ramada Hotel at your convenient time.

Mabuhay ka kabayan.

God bless
Paul Gamboa


Pina unlakan po ng inyong lingkod ang kanyang paanyaya at base sa aking pagsasaliksik mga tanong sa aking isipan kung paano ba ito talaga makakatulong sa ating mga OFW. Kung nais po ninyong malaman ay mangyari po lamang na sumulat sa angbuhayofw@gmail.com at akin po ibibigay ang kontak number at kung paano po ninyo malalaman ang sinasabi niyang paraan. Kung may mga kaibigan po kayong naturuan na po ni Paul Gamboa ay mangyari po lamang na sumulat sa akin at ibigay po ang kanilang naging karanasan sa kanyang mungkahi sa ating mga OFW. Nais ko rin po ipabatid sa inyong lahat na ang BuhayOFW site ay paraan lamang po natin para makapag bigay ng impormasyon sa inyong lahat.


Maraming salamat po!


BuhayOFW

Sunday, June 26, 2011

Samahang Ilocano "Medical and Dental Mission" sa Qatar




Ang pagtulong sa kapwa ay isa sa ugaling pinoy na hinahangaan ng ibang lahi sa atin mga Pilipino. Karamihan sa mga OFW na nakasalamuha ko sa bansang aking pinuntahan ay hindi magkamayaw kapag nakakabalita ng libreng “Medical at Dental Mission” at iyan po ang isa sa mga pinagkakaabalahan ng iba’t ibang grupo dito sa Qatar. Mula ng ako ay naging aktibo sa pagsusulat ng mga istoryang usaping BuhayOFW ay naramdaman ko sa aking sarili ang paghanga sa ilan nating mga kababayan na walang sawang  na nagboluntaryo sa mga kababayan natin hindi kayang magpagamot sa ospital.




Isa sa hinahangaan kong mga grupo ay ang mga bumubuo sa  “Medical at Dental Mission Volunteer” ang mga kaibigan nating ito ay walang sawang tumutulong sa mga kababayan nating OFW na may karamdaman. Nitong June 24, 2011 biyernes nagsagawa ng free medical and dental check up ang mga kababayan nating volunteer at ilang sa mga naging sponsor ng nasabing misyon ay kinabibilangan ng FNAQ (Filipino Nurses Association Qatar), FDDVQ (Filipino Dentists and Dental Volunteers Qatar), Physicians, PhPAQ (Philippine Pharmacists Association Qatar), kasama ang mga iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng UPMMG, Guardians, BalitangQ, BME, TLCQ at ang mga naging sponsors para maging maayos lalo ang nasabing misyon ay ang lugar ng Filipino Community Center (FCC) sa Doha,Qatar. Sa tulong na rin ng mga binigay na donasyon ng  Western Union at Alicafe/Powerhorse.



Ang nagtaguyod ng nasabing mission ay ang CIASI (Confederation of Ilocano Association - Samahang Ilocano) ito ay binubuo nila national president Jayson Cubangbang, national chairman Melvin Yadao at si sorority president Engr. Jenny Fortin ito ay para makatulong sa mga kababayan nating hindi kayang magpagamot dala ng maliit na sahod at magastos na pamumuhay dito sa Qatar. Mula pa kagabi ay punong abala na ang mga kaibigan at kasama nating Ilocano para maging maayos ang gaganaping “Medical at Dental Mission” sa Filipino Community Center (FCC) sa Doha.




Totoo diba napakasarap ang pakiramdam na nakakatulong ka sa iyong kapwa gamit ang iyong talento na wala man lang hinihitay na kapalit. Ang taos pusong pag boluntaryo sa mga ganitong aktibidad ay ang ugaling pinoy na dapat po nating ipamalaki. Sa lahat po ng bumubuo ng ginanap na “Medical and Dental Mission” mabuhay po kayo at wag po kayong magsasawa na ibahagi sa ating mga kababayan ang inyong magandang hangarin sa kapwa. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong sinimulan at makakaasa po kayo na palaging sumusubaybay ang BuhayOFW sa inyong mga misyon.




Mula po sa inyong lingkod BuhayOFW humanga sa inyong kabayanihan. Proud to be Pinoy