July 26, 2011 - Sa pagsapit ng ating anibersaryo para sa sulating BuhayOFW dito sa ibang bansa na sinundan at tinangkilik ng mahigit sa 17,000 katao upang alamin kung paano ba talaga ang buhay ng mga OFW sa ibang bansa. Marami ang nagbigay ng kanilang mensahe upang suportahan at tangkilikin ang ating sulatin BuhayOFW.
Karamihan sa mga taong nakakasalamuha ng inyong lingkod ay pawang maliit at baguhang OFW. Nakilala at nakausap kung paano ba mamuhay ang isang baguhang OFW. Alam naman natin na napakahirap ang maging isang OFW at iyan ang pilit inaalam ng inyong lingkod. Sa aking paglalakbay at pakikipag kaibigan sa ibang bansa marami akong natutunan kung paano ba nakatatagal at makipag salamuha sa ibang tao. Maraming hindi makakalimutang sandali ang dumaan sa akin, mga pagsubok at homesick na palaging andiyan sa tuwing naaalala natin ang ating mga mahal sa buhay. Ilan lang yan sa mga pagsubok na dinadanas ng isang OFW.
Sa pagsapit ng ika isang taong anibersaryo sa darating na Hulyo 26, 2011 ng sulating BuhayOFW Maraming nakakatuwang pangyayari ang naganap sapagkat nakarating ito sa mahigit sa 74 bansa na hindi ko lubos akalain na magagawa ko pala na maipahayag sa ibang tao ang aking karansan. Ang mga sulating nagawa ng inyong lingkod sa pamamagitan ng blogging ay tinangkilik at minahal ng publiko. Maraming papuri at sintemento ang natanggap lalo na sa mga taong totoong nararanasan nila ang hirap na maging isang OFW. Naisama sa GMA7 Pinoy Abroad website ng 3 beses at ngayon ay nasa sulating Focus in the Middle East ng Abante Middle East Edition.
Dahil sa pagtitiwala ng ilang tao mula ngayon at hangga't andito ang inyong lingkod sa ibang bansa ay hindi ko ipagwawalang bahala at katatamaran ang mag bigay sa inyo ng konting kaalaman kung anu-ano ba ang mga dapat gawin ng bawat Pilipino na sumubok makipagsapalaran sa ibang bayan. Maraming tulong ang nagawa sa kabila ng kakapusan sa pondo subalit hindi pa rin nawawalan ng pag asa para maihatid sa ating mga kababayan ang konting impormasyon na kailangang makarating sa kanila upang kahit paano ay maipabatid sa lahat ang nagagawa ng isang OFW.
Kung mayroon po kayong nais ipabatid sa sulating BuhayOFW ay malugod ko kayong inaanyayahan na sumulat sa angbuhayOFW@gmail.com at aking pong ilalathala sa pamamagitan ng ating sulating BuhayOFW.
Brad Happy Anniversary!
ReplyDeleteBelated Happy Anniversary!... ikinararangal namin ang iyong talento... nawa'y huwag mapagod magsulat para sa atin mga kababayan.... Keep it up!
ReplyDelete