Showing posts with label Pagtuturo. Show all posts
Showing posts with label Pagtuturo. Show all posts
Thursday, August 10, 2017
Saturday, March 19, 2016
Home Development Mutual Fund - Pag-ibig Fund
Ano nga ba ang HDMF or Pag-ibig Fund?
Ang HDMF o Pag-IBIG Fund ay para sa mamamayang Pilipino na ang layunin ay makatulong sa mga nag-nanais mag impok at magkaroon ng sariling permanenteng bahay. Ang Pag-ibig Fund ay may vision "Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno."
Kung kayo po ay may mga katanungan ay maari po ninyong kontakin ang lehitimong ahensya ng Pag-ibig Fund na nasa baba. Wag po kayong makipag transaksyon sa mga hindi kilalang ahensya na nagpapanggap na Pag-ibig fund agent.
Kung nais po ninyong malaman kung paano po kayo makakapag loan ng sarili ninyong bahay ay bisitahin po ninyo ang link na nasa ibaba. Malalaman din po ninyo kung magkano ang maari ninyong maloan at kung qualify po kayo sa loan.
Maaari din po ninyong macheck ang inyong membership status, monthly savings, pagbabayad ng inyong existing loan, at ilan pa sa kanilang programa.
Narito po ang kanilang website: http://www.pagibigfund.gov.ph/
Kung may nais po kayong isumbong ay maaari po kayong mag email sa : angbuhayofw@gmail.com
Sunday, September 27, 2015
OFW nawalan ng pera sa NAIA
Kaawa awa ang sinapit ng isang OFW na nawalan ng pera dahil nakalimutan niya saglit ang kanyang dalang bag na naglalaman ng kanyang salapi at mahahalagang dokumento.
Masakit sa kanyang kalooban dahil ito ay pinagpaguran ng mahabang panahon sa ibang bansa. Matagal niyang inipon iyon para sa kanyang pamilya. Ang mga tauhan ng NAIA ay may obligasyon sa mga OFW na protektahan ang mga gamit dahil iyon po ay kanilang trabaho.
Kung tayo po ay uuwi upang magbakasyon ay ito po ang maaari natin gawin upang maka iwas tayo sa pagkawala ng ating salapi.
- Kung po ay may malaking halaga na pera ay maaari na po ninyong ideposito sa inyong OFW bank gaya ng BPI, BDO, AUB at iba pang OFW bank.
- Maaari na rin po ninyong ipadala sa mga remittance center gaya ng M Lhuiler, Cebuana, Money transfer, Western Union, LBC at iba pang remmitance center upang wala na kayong dalang malaking pera habang nasa bihaye kayo pauwi ng Pilipinas.
- Kung magdadala po kayo ng pera siguraduhun po ninyong hawak po ninyo ito at hindi po ninyo ilalagay sa mga gamit at ihahalo ito sa bag.
- Umiwas sa mga hindi kilalang tao na sa una ay mabait sa inyo yun pala ay miyembro ng mga magnanakaw gaya ng salisi gang, budol budol gang at iba pang mga sindikato sa pagnanakaw.
Isipin po natin na ang perang ating inuuwi ay isa sa mga rason bakit tayo nag ibang bansa. Wag po natin hayaan itong mawala lalo na ito po ay ating kailangan.
Maingat po tayong palagi sa ating paglalakbay.
- Ang buhayOFW
Saturday, September 1, 2012
Basic Electrical Workshop Seminar
Doha – Qatar, Nagsagawa ng 3days seminar tungkol sa
Basic Electrical Wiring ang ilan sa
mga kaibigan natin dito sa Qatar noong nakaraang bakasyon. Nais nilang ibahagi
ang kanilang nalalaman sa ating mga kababayan na nais matuto sa nasabing
workshop.
Binuo
ang nasabing programa sa tulong ng ilan nating mga kababayan sa pangunguna ni Jaime Pamintuan na isang Senior Electrical
Technician sa isang kumpanya dito sa Qatar. Marami ding tumulong upang mabuo
ang nasabing programa na kinabibilangan nila Engr. Renato Bantayan, Engr. Nelson
Reyes, at Engr. Cresendo Coquilla upang matuloy ang nasabing programa.
Marami
ang nagkaroon ng interest tungkol sa Basic
Electrical Wiring kaya marami din ang nagpatala sa unang araw ng nasabing
programa upang makapag hand on sila at matuto kung paano ginagawa ang isang Electrical Wiring. Mula sa basic
hanggang sa installation ay kanilang itinuro ang tamang paraan upang magamit
nila ito at magkaroon ng munting kaalaman.
Ayon
kay Ginoong Jaime Pamintuan nais
niyang ibahagi ang kaniyang kaalaman upang maituro sa mga nagnanais matuto ng Basic Electrical Wiring sa ganitong
paraan ay nakatulong na siya at nawala pa ang homesickness niya bilang isang
OFW. Ang karunungan ng isang tao ay magiging mabiyaya kung ito ibabahagi sa iba
nating kaibigan o kakilala at hindi ipagdadamot ng sa ganitong paraan ay
nakatulong tayo sa ibang tao na nais matuto ng ibang kaalaman.
Bilang
bahagi ng nasabing programa nais po natin iparating sa kapwa nating OFW na ang ganitong pamamaraan ay isang
nakakabigay inspirasyon sa bawat Pilipinong nakikipag sapalaran sa ibang bayan.
Mula
po sa gitnang silangan ang inyong lingkod BuhayOFW……
Saturday, August 18, 2012
Andito lang si Tatay - BuhayOFW
“ANDITO LANG SI TATAY”
![]() |
| Photo credit: lisabdot |
Sana
maisip mo na andito lang ang TATAY.
Kapag
nanghihina ka dahil sa mga mapang asar na kaklase mo wag kang malungkot. Kapag
nadapa ka dahil sinabihan kang lampa wag kang mag alala dahil alam ko tatayo ka
at ipagmamalaki mo na kayang kayako ito. Isipin mo lang na andito lang si Tatay na palagi kang susuportahan sa
mga pangangailangan mo.
Naalala
mo po ba na kasama mo pa ako sa eskwelahan dahil parents needed ka. First time
kong nakilala ang titser mo kinagalitan ba kita dahil sa nangyari? wag mong
isipin na galit ako noong kinakausap ako ng titser mo gusto lang niya na
maituwid ka sa mga pagkakamali mo.
Diba
maraming beses na rin tayong nag away paulit ulit na lang ang pagsusuway mo sa
akin. Wala naman akong ibang bilin kundi unahin mo ang pag aaral mo. Wala
kaming ibang hangad sa buhay kundi ang mapabuti ka at kahit hirap na ang
katawan ko sa pag tatrabaho pinipilit ko lang lahat ng ito para maibigay ko ang
pambili ng notebook at libro mo.
Sana
makatapos kana sa pag aaral mo para makakuha ka ng medalya sa iyong eskwelahan
at maipagmalaki ko dito. Pasensya ka na ANAK dahil ganito talaga ako, wag mo
ako intindihin dahil kayang kaya ko dito. Ang gusto ko wag mong maranasan ang
paghihirap na pinag daanan ko kaya lagi mong tatandaan na mahal ka ni Tatay.
Ingatan
mo ang sarili mo dahil palagi kitang pinagdarasal kay LORD na bigyan ka ng magandang
pangangatawan at malayo sa anumang sakit dahil nag aalala ako dito kapag
nabalitaan kong may lagnat ka at hindi pumasok sa eskwelahan mo. Kumain ka ng
tama sa oras at wag mong abusuhin ang katawan mo sa puyat para kinabukasan may
resistensya ka sa mga gagawin mo.
Iwasan
mo ang barkada na alam mong mapapahamak ka lang, wag kang sumama sa kanila
dahil alam kong mapapariwa ka lang gaya noong panahon ko na napasama ako sa mga adik sa kanto. Mabuti nalang at
may nagtiwala sa akin kaya narating ko ang Middle East para makapag trabaho.
Tandaan
mo palagi na ANDITO lang si Tatay sa tabi mo….
Nagmamahal,
TATAY
Inspired to the image sculpture from the website: lisabdot.homestead.com
Wednesday, July 18, 2012
Business Visa - OFFLOAD Issue sa NAIA
Naranasan mo na bang ma OFFLOAD sa Immigration? Kung naranasan mo na basahin mo ito ng maigi.
Bakit ba na offload gamit ang Business Visa?
Business Visa: Karamihan sa ating mga kababayan ay nagbabakasakali na makaalis ng bansa gamit ang Business Visa.
- Gamit ang mga dokumentong galing sa company na nag offer ng seminar, conference, training, workshop at iba pa na related sa imbitasyon.
- Kung binigyan ka ng Business Visa siguraduhing kumpleto ang iyong dokumento galing sa kumpanya na nag iimbita sayo, gaya ng Invitation letter, sponsor letter, two way ticket, at kung anu ano pa.
- Karamihan sa mga Immigration Officer ay pilit kang paaaminin kung lehitimo ba ang iyong mga dokumento, minsan halos pigain ka sa katatanong kung ano ba talaga ang pakay mo bakit ka aalis ng bansa.
- Karamihan sa mga kababayan nating na ooffload ay nakagastos na nang malaking halaga at nakapag benta na ng kanilang ari arian para lamang maka alis ng bansa.
- May ilan tayong mga kababayan ay galing pa sa malalayong lugar at tinahak pa ang Manila upang subukan ang offer na Business Visa.
Ano ba ang tamang dokumento upang maka-alis ng bansa gamit ang Business Visa? Marami na akong nakilalang kababayan natin ang sumubok sa ganitong paraan at ilan sa kanila ay nakarating na sa iba't ibang bansa at marami din akong nakilalang OFFLOAD dahil sa kulang ang dokumento.
Wala naman inaanunsiyo ang ating gobyerno para sa usaping ito. Sana man lang ay magkaroon ng isang pormal na dokumento upang maisaayos ang usaping Business Visa issue.
Kung meron po kayong nalalaman tungkol sa ganitong sistema mangyari po lamang na magbigay ng reaksyon para na rin sa ating mga kababayan upang hindi na gumastos pa ng malaking halaga at magkaroon sila ng idea kung ano ba ang meron sa BUSINESS VISA.
Email: angbuhayofw@gmail.com
Email: angbuhayofw@gmail.com
Watch this:
Saturday, June 16, 2012
Ama ng Tahanan Dakila KA
"Anak mag aral ka ng mabuti kasi kailangan mong makatapos ng pag aaral para makabalik na ako sa Pinas at matulungan mo ako sa pagbabayad ng bills sa bahay. Nakakapagod na kasi dito sa abroad palagi na lang babad sa sikat ng araw minsan pa nga may sand storm grabe nakakapuwing ng mata tapos ang hirap huminga." - construction workers
Ang trabaho ng isang construction workers ay isa sa pinaka mabigat na trabaho dito sa abroad lalong lalo na sa Middle East. Sobrang init lalo na kapag dumadating ang buwan ng Mayo hanggang Oktobre. Karamihan kasi sa kanila ay sa mga site napupunta kung saan road works at pagtatayo ng mga gusali. Ang hirap kaya ng trabaho talaga nila.....
Ang mga Ama ng Tahanan na sumasabak sa ganitong trabaho ay kailangan ng malawak na pang unawa ng kanilang mahal sa buhay. Kung inyo lang po malalaman kung gaano kahirap ang trabaho ng isang construction workers dito sa abroad malamang maiiyak kayo dahil hindi madaling kitain ang bawat patak ng pawis na lumalabas sa kanilang katawan.
Bilang pag gunita sa araw ng Ama ng Tahanan inaalay ko po ang isang tula para sa lahat ng mabubuting Ama ng Tahanan buong mundo....
Ama ng Tahanan Dakila Ka
Ikaw ay lumisan
Sa malayong bayan
Upang maibigay
ang magandang kinabukasan
Hindi na mo inisip
ang hirap na pagdadaan
para lang makamit
ang pangarap na kinabukasan
Dahil sa iyo aking AMA
ako ay humahanga
sa tibay ng iyong loob
at sa malawak na pang unawa
Hindi kita bibiguin
sa pangarap mong bituin
dahil pagsisikapan ko
matapos ang aking tungkulin
Dakila ka aking AMA
ipagmamalaki kita
ipagyayabang kita
sa lahat ng aking Kabarkada
Ang tulang iyan ay inaalay ko sa mga Ama ng tahanan na patuloy na nagsisikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Happy Father's Day po sa ating lahat.....
Happy Father's Day po sa ating lahat.....
Wednesday, June 13, 2012
Kalayaan 2012 - Ramdam ba natin?
"Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan."
"The Accountability of a Sovereign Nation of Responsible Citizenry."
Ito ang tema ng ating bansa sa taong 2012 para sa selebrasyon ng ating kalayaan. Kung ating mapapansin isang payak na salita pero ang kahulugan nito ay isang malawak na responsibilidad.
Isang napakagandang mensahe mula sa ating pamunuang lokal. Ang tanong natutupad po ba ng bawat isa sa atin ang sinasabing TUWID NA DAAN, kung ang unang nagiging dahilan ay ang mga gahaman sa kapangyarihan. Hindi tayo bulag at hindi din tayo bingi sa mga daing ng ating mamamayan.
Ang mataas na bilihin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang siyang nagpapahirap sa ating lahat. Kung atin lang ipaglalaban ang pag aabolish ng tinatawag na EVAT na pinapataw sa ating lahat marahil malaking tulong ito sa bawat pamilyang naghihirap.
Sa Middle East walang TAX na binabawas sa mga workers at kung ating titignan napaka unlad ng kanilang bansa. Ang magandang pamumuno ng kanilang mga gobyerno kung bakit maunlad ang kanilang bansa.
Totoo na ang tuwid na Daan ang magiging dahilan para makamit natin ang ating kaginhawaan, makakalaya tayo sa kahirapan. Ang bawat galaw o kilos ng ating mamamayan ang makakapagpabago sa ating bansa, yan ang magiging dahilan upang magawa nating ang ating responsibilidad bilang isang mamamayang Pilipino.
Sana naman magampanan nang ating pamahalaan ang kanilang mga tungkulin at makapag isip ng alternatibong paraan para sa ating lahat. Kung patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin at ang pagpataw ng EVAT sa atin marahil hindi natin makakamit ang kalayaan sa kahirapan.
Tulungan natin ang mga taong nasa likod ng pag aabolish ng EVAT at yan ang isa sa magpapalaya sa ating lahat sa kahirapan.
Isang pagbati po sa lahat ng mga OFW sa buong mundo na nagpupumilit makapag trabaho sa ibang bansa upang matulungan ang kani-kanilang pamilya sa ating bayan.
Wednesday, November 30, 2011
First Time Vacation - BuhayOFW
First time vacation.... Grabe nakaka excite pala kapag first time ka mag babakasyon after two years na nakikipag salaparan ka sa ibang bansa. Hindi mo mapigilan ang excitement dahil malapit mo ng makita ang mga mahal mo sa buhay at muli silang mayakap at mahalikan. Totoo pala na halos hindi kana makakatulog dahil parang gusto mo kinabukasan ay bitbit mo na ang maleta at bagahe mo para makauwi kana masilayan muli ang kanilang itsura.
Sa dalawang taong kong mapapamalagi sa ibang bayan marami akong natutunan sa buhay. Maraming pagsubok ang dumating sa akin at marami din kaligayahan ang nangyari. Sa totoo lang hindi ko pa rin lubos maisip na nakatapos na ako ng dalawang taong kontrata sa kumpanyanng pinaglilingkuran ko dito sa disyerto ng Qatar ang bilis talaga ng panahon.
Nung unang tapak ko sa lupain ng Qatar para akong bata na tuwang tuwa picture dito picture doon ang ginawa ko kasi first time abroad. Maraming bagay ang hindi ko makakalimutan. Una sa lahat ang pagtulong ng mga kasamahan ko sa trabaho noong nagsisimula pa lang ako sa abroad kanila "Sir Rolan, Brother Kiko, Boyet at si Condrad na nakauwi na nang Pilipinas. Sila ang mga taong unang tumulong sa akin noong ako'y nagsisimula pa lang mag abroad "Maraming salamat po sa inyong apat".
Ang pinapangarap kong bakasyon ay nagkatotoo na makasama ko sila sa buwan ng Disyembre at sa pagbubukas ng taong 2012.
Ang aking panalangin:
Salamat po Ama sa mga biyayang ibinigay ninyo sa aming pamilya. Sa walang sawang pag iingat at pag tulong po ninyo sa amin noong kami ay nagkaroon ng problema. Sa pagkakasakit namin na kami ay iyong pinagaling at higit sa lahat sa mga pagtapik po ninyo sa aming maling gawain.
Maraming salamat po
Ang lahat ng ito ay magalang naming hinihiling kay Jesus na aming tagapaglitas
Amen.....
Ang maibabahagi kong karanasan sa aking dalawang taong BuhayOFW ay ang mga sumusunod:
- Ang Pag iipon - Lagi natin iisipin na ang buhay natin sa abroad ay hindi ganun kadali ang bawat pera na ating pinaghihirapan ay katumbas ng lungkot at hapis na hindi natin kapiling ang ating mga mahal sa buhay. Kaya ang pag iimpok ang pinaka mahalagang bagay na dapat nating gawin habang tayo ay nasa ibayong dagat. Sabi nga ng mga nakausap ko kailangan pag uwi ko ng Pinas may negosyo na akong maitatayo galing sa pinaghirapan ko dito. Totoong totoo po iyan dahil wala naman tayong ibang nais kundi ang makabalik ng Pilipinas at doon natin simulan ang ating magandang bukas kapiling ang ating mga mahal sa buhay.
- Ang Pakikipag-kaibigan - Importante na gawin ng isang OFW ito dahil sila lamang ang magiging katuwang mo habang nakikipag sapalaran ka sa magulong mundo ng OFW. Ang kaibigan natin sa ibang bansa ang magiging dahilan para matanggal ang homesick at maging ang lungkot dahil sila lamang ang makakatulong para pansamantalang maibsan ang kalungkutan sila rin ang tutulong sayo kapag nagkaroon ka ng problema sa abroad.
- Ang Pagtitipid - Ito ang hindi ko nagawa na kailangan kong baguhin sa aking pagbabalik abroad. Totoo pala na kapag first time abroad ka! ang ugali na hindi mo maiiwasan ay ang "Bilmoko - Bili dito Bili doon" ika nga nila one day millionaire. Kapag malapit ka na umuwi doon mo lang maiisip na bakit pa kasi ako bumili nito ang liit tuloy ng uwi kong pera. Tsk tsk tsk
- Ang Pride - Kailangan may increase ako pag balik ko at kung hindi resign. Marami sa atin ang nag iisip nang ganito kapag malapit nang umuwi dahil nais nating madagdagan ang ating sweldo. Paano kung ang kumpanya na pinapasukan mo ay hindi ka kaya bigyan ng increase malamang makikipag bargain ka at kung hindi magkasundo ang hihingin mo Exit Clearance - Mag aapply ka ulit sa iba ng pahirapan at gagastos ka ulit ng malaking halaga para makapag aboad. Bago natin gawin ang isang bagay pag isipan po muna natin mahigit sa sampung beses bago tayo mag desisyon. Mahirap mawalan ng trabaho lalo na kapag may asawa't anak kana. Maiisip na lang natin iyan kapag nasa Pilipinas na tayo.
- Ang Pag iingat - Ingatan natin ang ating uwing pera at maging ang ating dalang gamit minsan nakakaligtaan natin ito. May mga time na hindi natin maalala kung saan natin nailagay ang ating pera lagi natin iisipin na ang perang ating nakuha ay madali din mawawala dahil sa laki ng gastos sa Pilipinas ngayon. Tipid tipid ang kailangan para makaraos sa bakasyon sa Pilipinas.
Lahat tayo na mga BuhayOFW ay walang ibang nais kundi ang makapiling ang ating mga mahal sa buhay nais natin hilahin ang araw para madali natin silang makasama. Sa bawat bakasyon na ating gagawin ibigay natin ang ating oras para sa kanila dahil ang bawat segundo, minuto at oras na makapiling natin sila ay walang katumbas na kaligayahan ang ating madadarama.
Mula po sa BuhayOFW
Ang aking karanasan
Monday, November 21, 2011
Broken Family - OFW
Broken Family - Isa kaba sa mga nakakaranas ng ganito?
Noong isang araw may nakausap akong isang kaibigan tawagin na lang natin siyang Maria (nickname) na nakakaranas ng ganitong sitwasyon sa abroad. Sa hindi inaasang pagkakataon napunta ang usapan namin sa maselang bahagi tungkol sa kanyang buhay. Hindi ko lubos maisip na mapag kukwentuhan namin ang istorya ng kanyang buhay. Bago ko lang siyang kakilala at isa siya sa mga kliyente ko dito sa Qatar.
Sitwasyon: (pinaikli ko na lang ang kwento para madali tayong maka relate)
BuhayOFW: Kamusta friday na bukas saan naman ang gala mo?
Maria: Hay naku wala akong panahon sa ganyan at
paano naman ako makakagala sa dami ng problema ko sa buhay.
BuhayOFW: Ano kaba enjoy your life nohhh kung puro ka trabaho hindi mo mapapasaya ang life mo sa abroad.
Maria: Matagal ng hindi masaya ang buhay ko, simula pagkabata ko hanggang sa nagka asawa ako......
BuhayOFW: ay sori pasensya kana at masyado akong matanong hehehehehe
Maria: okey lang gusto ko lang ilabas din ang sama ng loob ko.....
BuhayOFW: Ganun ba tara kain tayo sa KFC tutal mag uuwian na rin naman kung okey lang sayo para naman mawala ang sama ng loob mo......
Maria: Naku wag na baka kung ano pa ang isipin ng iba sa atin.......
BuhayOFW: bakit naman treat lang kita kasi client kita nohhhh.
Maria: Wag na nohhhhh dahil sa ganyan nasira ang buhay ko.
Si BuhayOFW
Nagtataka!!! Nag iisip?? tila may pumasok sa isip ko na hindi magandang pangyayari sa buhay niya...
BuhayOFW: O sige hindi na kita pipilitin at alam ko naman na talagang ayaw mo umalis dahil may problema ka....
Maria: Salamat ahhhhhh......
BuhayOFW: Okey po ma'am no problem..... Mapi Muskila hehehehehe
Sabado November 12, 2011
Tumunog ang celphone ko! Nokia Tone........
BuhayOFW: Hello
Celphone: Hi sir! si Maria po ito from ____.
BuhayOFW: Hello kamusta po!
Maria: Sir punta ka opis may ipapagawa akong trabaho....
BuhayOFW: Okey po Ma'am punta po ako diyan pagtapos po ng meeting ko sa isang client.... mga 4:00pm.
Maria: O sige hintayin kita..
BuhayOFW: Okey po Ma'am
Sa opisina ni Ms. Maria
BuhayOFW: Good afternoon po!
Maria: Pasok! dun tayo sa cubicle ko ipapakita ko sayo yung artwork ng ipapagawa ko....
BuhayOFW: Okie po
Habang nasa cubicle palinga linga ang mata ko sa lamesa niya parang may hinahanap ako.... nakita ko ang litrato ng kanyang mga anak dalawa ang anak niya pero parang kulang wala ang litrato ng kanyang asawa. Minasdan ko ulit ang litrato ng kanyang mga anak tingin ko mga 10 at 15 ang edad malalaki na at highskul na siguro. Habang nag iintay ako sa pagdating niya sa cubicle napansin ko ang isang frame nang kanyang pamilya. Nagtaka ulit ako dahil parang kulang ulit ang nasa larawan hindi ko makita ang larawan ng kanyang Ama. Anu ba yan para akong sira na nakiki alam sa buhay ni Ms. Maria, parang apektado ako sa buhay niya. pagkalipas ng 10minuto dumating si Ms. Maria...
Maria: Sorry naghintay ka tuloy kasi yung manager ko kinausap pa ako.
BuhayOFW: Okey lang po...
Habang pinapakita niya sa akin ang artwork na ipapagawa niya sa LCD screen nasa avatar pala niya ang kuhang larawan ng kanyang Mister. Kasama ang kanyang mga anak.....
BuhayOFW: Ma'am Mister mo yan at mga anak mo?
Maria: Oo yan ang asawa ko bwisit yan......
Natigilan ako sa sinabi niya, Parang namulta ako sa bigla ng pagkakasabi niya. Parang nagkamali ata ako sa pagtatanong. Hays paki alamero ka kasi BuhayOFW ayan ang napala mo.
BuhayOFW: Ma'am bakit naman po?
Maria: Ang katulad niyang lalaki ay hindi tunay na lalaki at hindi siya dapat mabuhay sa mundo. Tinatapon dapat sa impyerno.
BuhayOFW: Mukang napakalaki ng kasalanan sayo ng mister mo ahhh
Maria: Hindi lang malaki wala siyang kwentang tao.
Nagkwento na si Ma'am Maria
Ang papa niya dating nasa abroad at mahigit sa 20taon sa middle east, Nalaman nila na may ibang pamilya ang kanyang Ama kaya nakipag hiwalay ang kanyang ina at binuhay mag isa ang kanilang pamilya. Napakasakit sa tulad niyang anak na nabuhay na halos walang Ama na nag aaruga at tumutulong sa kanila. Maraming pagsubok at krisis ang dumating sa kanila pero wala pa rin tulong pinansyal na nakuha ang kanyang ina.
Maaga siyang nakapag asawa dahil sa Broken Family sila maaga siyang nagka-anak sa hindi inaasahang pagkakataon. Iniwan ng kasintahan sa unang pag-ibig na naranasan. Ganito ba talaga kapag broken family? Pumasok tuloy sa isip ko na kaya pala marami sa atin ang parang damit lang kung magpalit ng kapareha. Dagdag pa ni Ma'am Maria nagka asawa siyang muli at nagkaroon ng isa pang anak subalit talagang mapaglaro ang tadhana iniwan siya muli ng kanyang asawa dahil nagkaroon na naman ng ibang babae. Ganun ba talaga ang buhay at kay dali nating palitan at iwanan ang ating minamahal.
Nakakalungkot ang pangyayari na nailahad sa akin ni Ma'am Maria at hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang nangyari sa kanyang buhay. Isa lang ang punto ko kung bakit ko naisulat ang kwentong ito.... Ang isa sa mga dahilan kung bakit napapariwara ang isang pamilya ay dahil na rin sa Broken Family status. Maiiwasan naman yan kung hindi natin gagawin pero talagang mapusok na ang bawat nilalang ngayon. Karamihan tayo mismo ang nagiging dahilan ng mga pagkawasak ng ating pamilya.
Sa mga Ama at Ina ng Tahanan paki basa lang po ninyo ang hinalukay kong munting kaalaman tungkol sa ating sinumpaan...
click po ninyo ang LINK sa Baba
Ang Pag -aasawa - Ama ng Tahanan
Adobe Photoshop - BuhayOFW
Doha, Qatar - Ang karunungan o kaalaman sa isang bagay ay wag nating ipagdamot upang maging huwaran tayo ng ibang tao na walang ibang nais kundi ang makapag lingkod sa kanilang kapwa. Ganito ang nasa isip ko habang binubuo ko ang isang tutorials para sa "Adobe Photoshop" para sa aking mga kaibigan.
Bagaman hindi ako ganun kagaling sa pagtuturo at pag-gamit ng naturang software ay nagpapasalamat ako sa dakilang lumika na binigyan niya ako talino para maituro sa kanila ng maayos at kahit paano ay maibahagi ko ang aking kaalaman para makatulong sa kanila sa darating na panahon.
Nakakatuwang isipin dahil sa loob ng mahigit sa apat na linggo naming pag aaral nakita ko sa kanila ang interest para matuto at mag-aral ng software na "Adobe Photoshop". Ang kanilang interest ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para matuloy ang iniisip kong plano para sa kanila.
Sa bawat panahon na kami ay nag aaral hindi ko lubos maisip kung paano ko nagagawa ang ganung bagay dahil wala naman akong background sa pagtuturo at humarap sa kanila bilang isang professor. Sabi nga ng isa sa mga estudyante na aking tinuturuan "Sir buti na lang nagturo ka ng ganito dahil malaking bagay ito para kami ay matuto ng ganitong kaalaman". Isang nakakatuwang linya na aking sineryoso para gumawa ng plano kung paano ko sila matuturuan ng maayos at maibahagi sa kanila.
Sa mahigit na 20 estudyante na aking tinuruan marahil makakagawa na sila ng ilan sa mga "Artworks" na gusto nila magawa dahil naituro ko na sa kanila kung paano gamitin ang bawat tools ng photoshop.
Hangad ko na sa mga darating na panahon ay magawa nila ang aking mga itinuro at maibahagi rin nila sa kanilang mga mahal sa buhay, maging sa kanilang mga kaibigan para magamit sa bawat araw na lumilipas.
Sa lahat ng aking mga estudyante tungkol sa "Adobe Photoshop Tutorials" maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Kahit papaano meron po kayo natutunan kahit na konti at palawakin na lang po ninyo ang inyong mga likha para magamit po ninyo sa ikakabuti ng lahat.
Thursday, November 3, 2011
Remmitance Center - "Hoy wag kang SUMINGIT sa Pila"
Doha, Qatar - Sa wakas sweldo na namin kailangan ko na magpadala ng pera sa Pilipinas, Mapuputulan na sila ng kuryente, wala na sila pambili ng pagkain at wala na rin gatas si bunso. Ganito palagi ang nasa isip ng mga OFW pagkatapos makuha ang kanilang pinagpagurang sweldo sa loob ng isang buwan.
Pagdating sa padalahan syempre ang unang una na aalamin ehhhhh kung magkano ba ang palitan ngayon? Pumunta ako sa Gulf Exchange 11.80/1QRs. lipat naman sa City Exchange 11.72/1QRs ang baba naman ng palitan. Isa na lang ang pinupuntahan ko pa dito na remittance ang Islamic Exchange tignan ko nga magkano ang palitan 11.74/1QRs. Ganito palagi ang ginagawa ng mga OFW kapag nahahawakan na ang kanilang mga sweldo. Pinupuntahan ang pinaka malaking palitan para medyo malaki ang mapadala.
Sa loob ng padalahan makikita natin ang iba't ibang lahi na nakapila sa kanila kanilang remmitance center. Iba't ibang klase ng amoy ang naglipana masakit sa ilong at pawisan ang iba. Karamihan sa kanila ay magpapadala sa kanilang mga mahal sa buhay. Pumunta ako sa pila ng mga Pilipino dahil sa Pilipinas (PinoyAKO) ako nagpapadala ng pera. Habang naghihintay ako sa napakahabang pila karamihan sa amin ay umabot na sa mahigit na isang oras ang hinintay. May mga napansin akong tao na pilit sumisingit sa pila para sila ang mauna. Karamihan sa amin ay naghintay ng mahabang oras para makarating sa unahan ng pila ngunit ano itong nakikita natin na merong ilang mga kababayan ang hindi marunong rumespeto sa kapwa na bigla na lang sisingit para makarating agad sa unahan ng pila. Ang gawain ito ay hindi maganda at hindi dapat pamarisan ng bawat pilipino na OFW. Minsan dito nagsisimula ang away at gulo na ang dahilan ay pagpila lamang.
Aktual na pangyayari:
Pinoy 1: Hoy wag kang sumingit diyan astig kaba!
Pinoy 2: Doon ka sa likod at huwag kang sumingit Pilipino kaba!
Pinoy 3: Parang wala kang pinag aralan ahhhh! nakuha mo pang sumingit!
Pinoy 4: Kanina pa kami dito tapos uunahan mo lang kami sa pila. Bumalik ka nga sa pinang galingan mo!
Pinoy 5: Umalis ka nga diyan at baka sapakin kita diyan.
Pinoy na sumingit sa Pila: Nakayukong umalis sa pila at nahihiya na ipakita ang mukha. Habang siya ay umalis sa pila narinig ko na nag-salita siya ng Sorry kabayan aalis na lang ako........
Pinoy 7: Ayan ganyan nga ng hindi ka makatikim ng hindi magandang salita. Umalis ka na nga
Pinoy 8: Doon ka likod pumila.
Pinoy 9: Wag kang sumingit kanina pa kami dito doon ka sa likod
Habang papaalis ay minasdan ko ang mukha niya at parang naiiyak sa kanyang ginawa. Nag isip tuloy ako na baka may mabigat na problema si kabayan at kaya siya nagmamadali na pumunta sa harapan ng pila. Nakakaawa ngunit mali pa rin ang kanyang ginawa dahil sa hindi man lang siya nag sabi sa mga nakapila kung pede ba siya sumingit dahil may problema siyang hinaharap.
Ang ganitong sitwasyon sa padalahan ay dapat nating ibahagi sa bawat Pilipino na OFW. Araw-araw nakikita natin na napakahaba ng pila sa mga padalahan ngunit nag titiis ang lahat sa atin na pumila dahil kailangan nating magpadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay. Kung may mga pagkakataon po na Emergency Cases at kailangan po na maipadala agad ang pera. Mangyari po sana na magsabi lang po kayo sa mga nauna sa inyo sa pila para alam po nila at hindi kayo mapahiya sa kapwa ninyo Pilipino. Hindi nakakahiya ang maki usap at magsalita sa lahat dahil parehas lang tayo mga pinoy pero kung bigla ka na lang sisingit at hindi magsasabi malamang gulo at away ang iyong mapapala. Huwag po natin hayaan na ito ang pagmumulan ng away ang mga bagay na ito ay dapat nating iwasan.
Salamat sa mga pilipino na nakasama ko kanina sa padalahan dahil sa inyo ay nakakuha ako ng isang sitwasyon na maaaring kapulutan ng aral ng bawat Pilipinong OFW.
Mula po sa BuhayOFW
Subscribe to:
Posts (Atom)







































