Wednesday, June 13, 2012

Kalayaan 2012 - Ramdam ba natin?

"Kalayaan: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan." 
"The Accountability of a Sovereign Nation of Responsible Citizenry."



Ito ang tema ng ating bansa sa taong 2012 para sa selebrasyon ng ating kalayaan. Kung ating mapapansin isang payak na salita pero ang kahulugan nito ay isang malawak na responsibilidad. 

Isang napakagandang mensahe mula sa ating pamunuang lokal. Ang tanong natutupad po ba ng bawat isa sa atin ang sinasabing TUWID NA DAAN, kung ang unang nagiging dahilan ay ang mga gahaman sa kapangyarihan. Hindi tayo bulag at hindi din tayo bingi sa mga daing ng ating mamamayan. 

Ang mataas na bilihin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao ang siyang nagpapahirap sa ating lahat. Kung atin lang ipaglalaban ang pag aabolish ng tinatawag na EVAT na pinapataw sa ating lahat marahil malaking tulong ito sa bawat pamilyang naghihirap. 

Sa Middle East walang TAX na binabawas sa mga workers at kung ating titignan napaka unlad ng kanilang bansa. Ang magandang pamumuno ng kanilang mga gobyerno kung bakit maunlad ang kanilang bansa.

Totoo na ang tuwid na Daan ang magiging dahilan para makamit natin ang ating kaginhawaan, makakalaya tayo sa kahirapan. Ang bawat galaw o kilos ng ating mamamayan ang makakapagpabago sa ating bansa, yan ang magiging dahilan upang magawa nating ang ating responsibilidad bilang isang mamamayang Pilipino. 

Sana naman magampanan nang ating pamahalaan ang kanilang mga tungkulin at makapag isip ng alternatibong paraan para sa ating lahat. Kung patuloy pa rin ang pagtaas ng mga bilihin at ang pagpataw ng EVAT sa atin marahil hindi natin makakamit ang kalayaan sa kahirapan.

Tulungan natin ang mga taong nasa likod ng pag aabolish ng EVAT at yan ang isa sa magpapalaya sa ating lahat sa kahirapan.

Isang pagbati po sa lahat ng mga OFW sa buong mundo na nagpupumilit makapag trabaho sa ibang bansa upang matulungan ang kani-kanilang pamilya sa ating bayan.


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW