"Anak mag aral ka ng mabuti kasi kailangan mong makatapos ng pag aaral para makabalik na ako sa Pinas at matulungan mo ako sa pagbabayad ng bills sa bahay. Nakakapagod na kasi dito sa abroad palagi na lang babad sa sikat ng araw minsan pa nga may sand storm grabe nakakapuwing ng mata tapos ang hirap huminga." - construction workers
Ang trabaho ng isang construction workers ay isa sa pinaka mabigat na trabaho dito sa abroad lalong lalo na sa Middle East. Sobrang init lalo na kapag dumadating ang buwan ng Mayo hanggang Oktobre. Karamihan kasi sa kanila ay sa mga site napupunta kung saan road works at pagtatayo ng mga gusali. Ang hirap kaya ng trabaho talaga nila.....
Ang mga Ama ng Tahanan na sumasabak sa ganitong trabaho ay kailangan ng malawak na pang unawa ng kanilang mahal sa buhay. Kung inyo lang po malalaman kung gaano kahirap ang trabaho ng isang construction workers dito sa abroad malamang maiiyak kayo dahil hindi madaling kitain ang bawat patak ng pawis na lumalabas sa kanilang katawan.
Bilang pag gunita sa araw ng Ama ng Tahanan inaalay ko po ang isang tula para sa lahat ng mabubuting Ama ng Tahanan buong mundo....
Ama ng Tahanan Dakila Ka
Ikaw ay lumisan
Sa malayong bayan
Upang maibigay
ang magandang kinabukasan
Hindi na mo inisip
ang hirap na pagdadaan
para lang makamit
ang pangarap na kinabukasan
Dahil sa iyo aking AMA
ako ay humahanga
sa tibay ng iyong loob
at sa malawak na pang unawa
Hindi kita bibiguin
sa pangarap mong bituin
dahil pagsisikapan ko
matapos ang aking tungkulin
Dakila ka aking AMA
ipagmamalaki kita
ipagyayabang kita
sa lahat ng aking Kabarkada
Ang tulang iyan ay inaalay ko sa mga Ama ng tahanan na patuloy na nagsisikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Happy Father's Day po sa ating lahat.....
Happy Father's Day po sa ating lahat.....
hirap nga ,pagdating ng summer ang mga construction worker ay madalas ma heat stroke.sana naiisip yan ng mga anak na pasaway ng mga OFW at unahing mgasipagaral kesa magbulakbol at magpabuntis
ReplyDelete