Showing posts with label BuhayOFW Quote's. Show all posts
Showing posts with label BuhayOFW Quote's. Show all posts

Sunday, August 26, 2018

OFW na Traydor


Naranasan mo na bang matraydor ng kapwa mo Pilipino? Mag ingat sa mga taong puno ng inggit sa katawan....


Friday, August 24, 2018

OFW Success


Malimit sabihin sa akin ng aking Ama na kailangan natin maging masipag at matiyaga sa alin mang trabaho na binigay sa atin. Kailangan nating magkaroon ng dedikasyon sa lahat upang makamit natin ang tagumpay.

Dito ko naisip na tama pala si Tatay, dahil kung hindi ako naging masipag at nagtiyaga sa aking trabaho ay walang patutunguhan ang aking mga ginagawa. Sa ngayon ay tumagal ako sa gitnang silangan nang mahigit sa walong taon. Habang tumatagal ay dito ko nakikita kung bakit kailangan nating magtrabaho ng maayos upang hindi tayo mawalan ng trabaho.

Marami na akong nakasamang OFW na malimit na nagrereklamo sa kanilang mga trabaho at sweldo. Dumaan din ako sa ganyang sitwasyon at hindi ako nagpatalo. Bagkus ay mas lalo ko pang ginawa ang aking trabaho at iyon ang naging susi kung bakit ako nagkaroon ng magandang sweldo.

Ang tagumpay ay nagsisimula pa lang kaya dapat araw araw nating gawin ang mga dapat nating gawin upang hindi tayo mahuli sa pagsikat ng araw. Sabi nga ni Tatay ''Ikaw ang gagawa ng iyong pangarap''....period

Wednesday, August 22, 2018

Pananalangin ng isang OFW


Ang Buhay ng isang OFW sa abroad ay puno ng problema at pagtitiis. Minsan hindi natin namamalayan na napapagod na din pala ang mga mahal natin sa buhay sa ibang bansa. Ninanais na magbalik bansa dahil sa mga iba't ibang problema na kanilang dinadanas.

Minsan ba kinamusta ninyo ang inyong mga mahal sa buhay kung okey ba sila, Ang mga magulang mo na panay trabaho ang ginagawa para lamang may maipadala sa inyong pamilya. Sana kinakamusta din ninyo sila para ng sa ganun gumaan gaan ang kanilang mga kalooban.

Hindi natin alam baka may mga karamdaman na sila at humihina na ang kanilang katawan. Tulungan ninyo sila na maibsan ang kanilang problema at kalungkutan.

Tuesday, October 3, 2017

Alisah Bonaobra in X Factor UK Season 14


Failed Audition to X factor superstar Alisah Bonaobra.

Watch it her episode in X factor UK

Tuesday, July 25, 2017

Kayamanan ng isang OFW


Ang tanging kayamanan ko sa Mundo 
ay ang pagmamahal ng pamilya ko.

Kaya kahit hirap ako sa pagtatrabaho
AY KAKAYANIN KO PARA SA KINABUKASAN
NG PAMILYA KO....

Gaano ba kahalaga sayo ang iyong pamilya? handa kabang gawin ang lahat para bigyan sila ng magandang buhay. Nagawa mo bang maging isang mabuting AMA o INA sa iyong pamilya?.

Wala namang ibang hangad ang isang OFW kundi ang kumita ng pera para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ang isang AMA o INA ng tahanan ay palaging nag uunawaan sa mga bagay na para sa kanilang pamilya. Kung gaano nila pinahahalagahan ang kanilang mga sarili ay ganun din dapat ang pagpapahalaga nila sa kanilang pamilya.

Hindi na mahalaga ang maraming pera basta kumpleto lang kinikita at walang sakit ang mga bata. Ito ang hangad nating lahat kaya pahalagahan natin ang lahat ng bagay na ginagawa natin.






Saturday, July 22, 2017

Paki alamero at Paki alamera - Buhay OFW Quotes


Paki alamero at Paki alamera

Marami sa ating mga kababayan ang may ugaling ganito. Ang paki alaman ang buhay ng may buhay. Siguradong isa ka sa mga nabiktima o isa ka sa mga may ugaling ito. 

Naaalala ko pa nga ang bilin sa akin ng aking AMA na wag akong maki alam sa mga bagay na hindi naman ako involve. Sa totoo lang may kasabihan tayo na "Ang taong paki alamero/alamera ay mga inggetero/inggetera" kung agree ka malamang may kakilala kang ganito na nakasama mo na.

Hindi maganda sa isang tao ang palagi na lang nakikialam sa buhay ng may buhay. Alamin natin kung ano anu ang idinudulot nitong problema sa kapwa. 

1. Pinakikialaman ang buhay tungkol sa relasyon.
2. Pinakikialaman ang mga bagay o pag aari ng walang paalam
3. Pinakikialaman ang trabaho na hindi naman niya trabaho.
4. Pinakikialaman ang sitwasyon kahit hindi naman siya involve.
5. Mahilig maki alam sa mga bagay na hindi naman niya kaya gawin.

Nakakainis diba, bakit hindi maiwasan ng isang tao ang ugaling ito. Bawat tao ay may mga sarili diskarte at may mga sariling pag iisip. Kaya hindi na natin dapat pang paki alaman kung ano ang hindi natin sakop. 

Sana maisip natin na bago tayo maki alam sa isang bagay ay dapat responsable tayo. Yung tipong makiki alam tayo pero sa ikakabuti at hindi sa ikakasama ng tao. Sa tingin ko dito agree kayo paki alaman kung makakatulong naman at hindi ang makakasira lang ng samahan.


Friday, July 21, 2017

Pangarap ng isang OFW


Sa TAMANG panahon makakamit ko din
ang matagal ko ng PANGARAP
KONTING TIIS PA

Isa ka din ba sa milyong OFW na may mataas na pangarap sa buhay. Kung OO dapat lagi natin iisipin na ang bawat pagtitiis natin sa ibayong dagat ay may kahalagahan. Sa bawat pagbili natin ng gamit, alahas, celphone, at mga bagay na materyal ay kinakailangan ng doubleng desisyon. Tandaan natin na ang mga gamit ay nasisira at madaling pagsawaan.

Hindi natin kailangan bumili ng mamahalin kung hindi naman sapat ang ating kinikita para bumili ng mga ito. Ang mga luho ay dapat nating iniwasan para makaipon tayo at may magamit sa oras ng kagipitan. 

May nakilala akong tao habang kasama ko siya isang okasyon napaka simple niya pero nang malaman ko ang kanyang istorya ay napahanga ako. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng itsura niya ay may mga ari-arian siyang napundar katas ng kanyang pagtitipid at mga sideline habang siya ay nasa abroad. Pinahanga ako ni kuya dahil hindi siya mayabang at ubod baba ng ere. Hindi ko siya nakitaan ng kayabangan sa kanyang mga naikwento bagkus ito ay ikinagulat ko. 

Ang pag uusap namin ng gabing iyon ang dahilan bakit ako napasulat na naman dito sa BuhayOFW. Sana ay magawa ko din ang kanyang mga diskarte sa buhay para ng sa gayon ay makamit ko din ang munting pangarap na aking palaging iniisip.



Tuesday, July 18, 2017

INGGIT - OFW QOUTES


Inggit sa kapwa

Sa totoo lang marami sa mga OFW ang may sakit na ganito. Kahit alam naman nilang hindi ito makakabuti sa kapwa nila OFW. May mga taong hindi kuntento sa pag angat ng iba bagkus ginagawan pa ng kakaibang kwento. 

Marami na akong narinig na kwento tungkol sa mga OFW pero ito ang isa sa pinakamarami. Karamihan sa kanila para lang makuha ang magandang pwesto ay gagawan nila ng hindi magandang kwento ang kasamahan nila. Ang nakakalungkot dito, ito ang nagiging dahilan kaya umaalis at nag reresign na lang ang kasamahan nila. 

Paano ba natin maiiwasan ang mainggit sa kapwa natin OFW? may mga paraan naman para hindi ka maiingit sa tinatamasa ng kapwa mo OFW. Narito po ang ilang sa mga paraan upang maiwasan ang pagka-inggit sa kapwa.

1. Palagi umattend sa mga Worship Services ng iyong relihiyon.
2. Maging pasensyoso sa lahat ng bagay, iwasan maging mapagmataas
3. Maging matalino upang umangat ang posisyon na hindi umaasa sa ibang tao.
4. Maging pala kaibigan at totoo sa kapwa. Iwasan maging plastik ang pag uugali.
5. Makuntento kung ano man ang nakukuha at hindi mapang hangad.

Alam kong kulang pa ang mga ito pero kung may nais kang idagdag ay mangyaring mag komento ka sa post trending na ito. Karamihan sa atin ay may sakit na ganito at hindi natin maiwas - iwasan subalit kung alam naman nating makakasama sa kapwa natin ay mas maigi pang iwasan nating mainggit sa ating kapwa.


Monday, July 4, 2016

Ang pera madaling kitain pero ang Pamilya mahirap Balewalain


''Ang pera madaling kitain
pero ang Pamilya mahirap Balewalain''

Ayon sa statistika ng BuhayOFW karamihan sa ating mga OFW family ay magkahiwalay ang bawat isa. Kung ang tatay ay nasa ibang bansa, ang kanilang nanay naman ang nasa Pilipinas. Kung ang nanay naman ang nasa ibang bansa tatay naman ang nasa Pilipinas.

Ayon sa pag aaral karamihan sa mga pamilyang OFW ay magkahiwalay. Mas marami ang padre de pamilya na halos 75% ang nasa ibang bansa at 25% naman ang mga babae. Karamihan dito ay mga OFW sa Middle East.

Alam natin ang buhay natin sa abroad, minsan madali at minsan din mahirap ang ating kalagayan. Yung tipo bang kahit anong ipon muna ay wala ka pa din pera. Halos ilang taon ka na rin sa abroad at ilang ulit ka din pabalik balik dito. Ang tanong ng lahat masaya ba tayo sa pagiging OFW? sa tingin ko ang sagot natin ay malaking HINDE.

Maski ako sa aking sarili ay hindi masaya sa sitwasyon na kinakalagyan ko ngayon. Pero bakit ba tayo nag titiis, diba parehas lang naman tayo ng sagot '' Dahil yan sa ating Pamilya'' tama ba ako?

Madali ang kumita ng pera pero mahirap balewalain ang pamilya. May ilan lang akong kakilala na kapwa nating OFW na nakakalimutan sa ganitong sitwasyon. Marami akong nababalitaan na nasisira ang kanilang relasyon sa pamilya dahil lamang mga ''secret love affair'' sa abroad. 

Sabi nga nila kapag nasa abroad tayo libre at magagawa na natin ang lahat. Pero bago natin gawin ang bagay na ikakasira ng ating pamilya ay isipin po natin ng mabuti kung magkakaroon ba ito ng magandang ending.

Tandaan natin na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa pera na kinikita natin dito sa abroad.....


Tuesday, June 28, 2016

Tsimis at Paninira - OFW Story


Marami ang makakarelate sa ganitong sitwasyon.

Karamihan sa ating mga Pilipino ay may ugaling manira ng kapwa ng dahil lang sa inggit. Marami din sa atin ang tsimosa at tsimoso yung bang tipong mahilig makipag daldalan sa mga walang kabuluhang bagay.

May mga taong hindi makuntento sa kanilang mga sarili bagkus ay gagawan kapa nila ng istorya na ikakasira mo sa iba. Marami na akong nakalamuhang tao na hindi kuntento kung ano lang ang ipinagkaloob sa kanila.

Nakakalungkot man isipin pero iyan ang totoo na dapat nating baguhin lalo na kung tayo ay nasa ibang bansa. Wag natin pairalin ang inggit at sama ng loob sa kapwa natin bagkus tulungan natin sila na magawa nila ng tama ang kanilang mga trabaho para sila ay umunlad.

May kasabihan nga tayo na '' Ang taong mapagkumbaba ay pinag papala ng Diyos at ang taong masama ay sa dagat dagatang apoy mapupunta'' - Ang BuhayOFW

Thursday, June 23, 2016

BuhayOFW Quotes - Feeling Bangko


Marami sa ating mga OFW ang makakarelate sa tulad nito.....

Akala kasi ng iba porket nasa abroad ang mga OFW ay madaming pera at madali lang kumita ng pera. Sa totoo lang hindi pinupulot ng mga OFW ang perang pinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay. Maraming istorya ang bumabalot sa bawat perang ipinapadala ng isang OFW.

Kaya alisin po natin sa ating isipan na mayayaman ang mga nasa abroad. Mali po kayo dahil dugo at pawis po ang nararanasan ng isang OFW bago po kumita ng pera.