Friday, July 21, 2017

Pangarap ng isang OFW


Sa TAMANG panahon makakamit ko din
ang matagal ko ng PANGARAP
KONTING TIIS PA

Isa ka din ba sa milyong OFW na may mataas na pangarap sa buhay. Kung OO dapat lagi natin iisipin na ang bawat pagtitiis natin sa ibayong dagat ay may kahalagahan. Sa bawat pagbili natin ng gamit, alahas, celphone, at mga bagay na materyal ay kinakailangan ng doubleng desisyon. Tandaan natin na ang mga gamit ay nasisira at madaling pagsawaan.

Hindi natin kailangan bumili ng mamahalin kung hindi naman sapat ang ating kinikita para bumili ng mga ito. Ang mga luho ay dapat nating iniwasan para makaipon tayo at may magamit sa oras ng kagipitan. 

May nakilala akong tao habang kasama ko siya isang okasyon napaka simple niya pero nang malaman ko ang kanyang istorya ay napahanga ako. Hindi ko lubos maisip na sa simpleng itsura niya ay may mga ari-arian siyang napundar katas ng kanyang pagtitipid at mga sideline habang siya ay nasa abroad. Pinahanga ako ni kuya dahil hindi siya mayabang at ubod baba ng ere. Hindi ko siya nakitaan ng kayabangan sa kanyang mga naikwento bagkus ito ay ikinagulat ko. 

Ang pag uusap namin ng gabing iyon ang dahilan bakit ako napasulat na naman dito sa BuhayOFW. Sana ay magawa ko din ang kanyang mga diskarte sa buhay para ng sa gayon ay makamit ko din ang munting pangarap na aking palaging iniisip.



No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW