Paki alamero at Paki alamera
Marami sa ating mga kababayan ang may ugaling ganito. Ang paki alaman ang buhay ng may buhay. Siguradong isa ka sa mga nabiktima o isa ka sa mga may ugaling ito.
Naaalala ko pa nga ang bilin sa akin ng aking AMA na wag akong maki alam sa mga bagay na hindi naman ako involve. Sa totoo lang may kasabihan tayo na "Ang taong paki alamero/alamera ay mga inggetero/inggetera" kung agree ka malamang may kakilala kang ganito na nakasama mo na.
Hindi maganda sa isang tao ang palagi na lang nakikialam sa buhay ng may buhay. Alamin natin kung ano anu ang idinudulot nitong problema sa kapwa.
1. Pinakikialaman ang buhay tungkol sa relasyon.
2. Pinakikialaman ang mga bagay o pag aari ng walang paalam
3. Pinakikialaman ang trabaho na hindi naman niya trabaho.
4. Pinakikialaman ang sitwasyon kahit hindi naman siya involve.
5. Mahilig maki alam sa mga bagay na hindi naman niya kaya gawin.
Nakakainis diba, bakit hindi maiwasan ng isang tao ang ugaling ito. Bawat tao ay may mga sarili diskarte at may mga sariling pag iisip. Kaya hindi na natin dapat pang paki alaman kung ano ang hindi natin sakop.
Sana maisip natin na bago tayo maki alam sa isang bagay ay dapat responsable tayo. Yung tipong makiki alam tayo pero sa ikakabuti at hindi sa ikakasama ng tao. Sa tingin ko dito agree kayo paki alaman kung makakatulong naman at hindi ang makakasira lang ng samahan.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW