Saturday, July 22, 2017

Extension ng Martial Law sa Mindanao


July 22, 2017

Humingi ng extension si Sec. Lorenzana na ma extend ang Martial Law sa Mindanao. Nilinaw ng kalihim na kailangan itong gawin upang masugpo ang karahasan at mga kaguluhan. Marami na ang apektado at marami na rin ang napapatay sa hanay ng sundalo at mga terorista kaya naman nais nilang palawigin pa ang Martial Law upang hindi na makakuha pa ng suporta ang mga bandido. Kapag inalis daw ang Martial Law ay muli na naman magkakaroon ng lakas at makakuha ng pondo ang mga terorista dahil luluwag ang mga check points sa bawat daanan.

Karamihan sa mga mamamayan na naninirahan doon ay pabor dahil alam nila na mas makakabuti ito sa kanilang bayan. May mga ilan ilan lamang ang hindi sang ayon dahil siguro nais nilang matulungan ang bandido. 

Ayon sa mga naninirahan doon ay nais nila mawala ang mga taong sumisira sa kanilang bayan. Karamihan sa kanila ay sawa na sa giyera. Ang kanilang mga pamilya ay hindi makapamuhay ng maayos dahil sa karahasan. Nais nilang magkaroon ng mapayapang pamumuhay para magkaroon ng katahimikan. Marami sa kanila ang nasira ang kabuhayan at mga ari arian kaya naman lahat ng ito ay isinisisi sa mga teroristang umukopa sa Marawi.

Ang mga OFW na may pamilyang apektado sa karahasan ay nais magkaroon ng mapayapang solusyon. Walang ibang hanggad ang bawat mamamayan kundi ang maging maayos ang kanilang pamumuhay.



No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW