Showing posts with label OFW Horoscope. Show all posts
Showing posts with label OFW Horoscope. Show all posts

Sunday, October 21, 2012

OFW Horoscope - Scorpio - October 21 - 27 2012




October 21 - 27 2012



Libra (September 23 – October 22)
       Ang pagiging masipag sa trabaho ang magbibigay sayo ng magandang opportunidad. Ipagpatuloy lamang ang pagiging masipag dahil iyan ang magiging dahilan ng pag angat ng iyong posisyon sa kumpanya.

Ang maswerteng araw ay Linggo 
Scorpio (October 23 – November 21)
        Maging mapagpasenya sa katrabaho dahil may isang insedente na magkakainitan kayo. Isipin mo maigi na tama ang gagawin mo dahil sa bandang huli mo malalaman na mali ang ginawa mo.

Ang maswerteng araw ay Lunes

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May balitang makakarating sayo na magiging dahilan ng iyong kalungkutan. Harapin ng buong tatag dahil hindi mo naman matutulungan ang sarili mo kung magpapaapekto ka sa nangyari.

Ang maswerteng araw ay Martes 
Capricorn (December 22 – January 19)
            May isang taong lihim na nagagalit sayo dahil nagseselos siya dahil mas pinapaboran ka ng iyong amo. Maging maingat ka sa mga bagay na alam mong ikakasira mo sa iyong amo. 

Ang maswerteng araw ay Miyerkules
Aquarius (January 20 – February 18)
             Isang kaibigan ang matagal mo ng hinahanap ang matatagpuan mo. May magandang balita siyang ihahatid sayo tungkol sa iyong nakaraang pag ibig. Magiging masaya ka sa mga araw na darating dahil sa tulong ng iyong kaibigan.

Ang maswerteng araw ang Huwebes

Pieces (February 19 – March 20)
             Mag ingat sa taong manloloko wag basta magbibigay ng tiwala sa ibang tao lalo na ang hindi mo kakilala. Hihingian ka ng pera o ari arian kaya wag magtiwala dahil mapapahamak ka lang.

Ang maswerteng araw ay Lunes

ARIES (March 21 – April 19)

Mag ingat sa kalsada lalo na sa mga tawiran wag basta basta tatawid ng hindi lumilingon kung may darating na sasakyan. May isang aksidenteng mangyayari sayo kaya mag ingat palagi lalo na sa kalsada. 


Ang maswerteng araw ay Martes 

Taurus (April 20 – May 20)
            May Imbitasyon na mangyayari sa iyo na magbibigay sayo ng kasiyahan dahil ang matagal mo ng pinapangarap ay darating na. Maghintay ng tamang pagkakataon para maging masaya sa mga darating na araw.

Ang maswerteng araw ay Linggo.
Gemini (May 21 – June 21)
                Malapit ng dumating ang araw ng bakasyon mo. Marami ang naghihintay sayo sa Pilipinas kaya maghanda na ng pasalubong sa kanila. Malaking gastusan ang iyong bakasyon kaya maghanda kana.

Maswerteng araw ay Sabado
Cancer (June 22 – July 22)
            Ang pagiging mapagpasensya ay hahangaan ng ibang tao kaya ipagpatuloy lamang ang ugaling ito para patuloy kang hangaan ng ibang tao.

Ang maswerte mong araw ay Lunes

Leo (July 23 – August 22)
          Wag maging gastador sa pera dahil kailangan mo ng malaking halaga sa linggong ito para ipadala sa iyong mahal sa buhay sa Pilipinas dahil kailangan nila ang pera.

Ang maswerteng araw ay Sabado
Virgo (August 23 – September 22)
            Ingatan ang kalusugan ugaliing uminom ng tubig dahil  may matutuklasan kang karamdaman na matagal ka ng pinahihirapan. Pumunta sa doktor para ipakunsulta ito.

Ang maswerteng  araw ay Martes



Sunday, October 14, 2012

OFW Horoscope - Libra - October 14 - 20 2012



October 14 - 20 2012

Libra (September 23 – October 22)
           May isang sopresang matatanggap sa linggong ito wag kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng mga biyaya. Ipagpatuloy ang magandang bagay na iyong ginagawa.
Swerteng araw miyerkules
Scorpio (October 23 – November 21)
            Panibagong kaibigan ang iyong makakasama maging mapagpasensya sa lahat ng makakasama dahil sila lamang ang magiging katulong mo sa mga darating na araw.
Swerteng araw lunes

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May bagong kasamahang darating sa inyong kumpanya ito ang taong magiging karibal mo sa iyong trabaho kaya patuloy na gawin ang mga bagay na tama para hindi maging sagabal taong ito inaasam na tagumpay sa iyong trabaho.
Swerteng araw martes
Capricorn (December 22 – January 19)
            Panibagong kasiyahan ang matatanggap mo galing sa iyong minamahal, ito ang mabibigay sayo ng panibagong lakas na mataggal mo ng hinihintay.
Swerteng araw biyernes
Aquarius (January 20 – February 18)
            Makakatanggap ka ng isang impormasyon tungkol sa iyong trabaho na posibleng ikapahamak mo. Harapin ito ng matatag ang kalooban dahil marami ang madadamay sa ilalabas na impormasyon.
Swerteng araw ay sabado

Pieces (February 19 – March 20)
            Magiging masaya ang linggong ito dahil darating na iyong matagal nang hinihintay patuloy lang gawin ang mga bagay na mabibigay sayo ng panibagong saya sa trabaho.

Swerteng araw ay linggo

ARIES (March 21 – April 19)

Wag maging madamot sa taong alam mo naman na malaki ang naitulong sayo. Tugunan ang kanyang pangangailangan dahil ito ang tamang panahon para makabawi ka sa kanya

Swerteng araw ay huwebes

Taurus (April 20 – May 20)
            Wag sumama sa isang kasiyahan dahil hindi magiging maganda ang araw na iyon sayo dahil may makakaaway ka na magiging sanhi ng malaking gulo. Manatili na lang sa bahay kung may mag iimbita sayo na kaibigan.
Swerteng araw ay lunes
Gemini (May 21 – June 21)
            Magbayad sa pinagkakautangan para hindi mailagay sa kahihiyan. May isang kaibigan na patuloy kang sisiraan dahil naiinggit siya sayong kinalalagyan.
Swerteng araw martes
Cancer (June 22 – July 22)
            Maging masipag sa trabaho para makita ng iyong amo ang iyong kasipagan at baka ipromote ka sa iyong kumpanya. Ugaliing gawin ang mga dati mong ginagawa sa kumpanya.

Swerteng araw miyerkules

Leo (July 23 – August 22)
          Darating na araw ng iyong bakasyon ngunit hindi ito magiging masaya dahil may balitang darating sayo na ikalulungkot mo. Harapin ito ng may katatagan para hindi ka masyado maapektuhan.
Swerteng araw sabado
Virgo (August 23 – September 22)
            May darating na mabigat na problema sa inyong kumpanya na maaring ikasara. Wag manghina ang kalooban dahil sa susunod na kontrata magigign maayos ang lahat.
Swerteng araw lunes

Saturday, October 6, 2012

OFW Horoscope - Libra




October 06 - 13 2012

Libra (September 23 – October 22)
            Wag masyado Excited sa mangyayari sa linggong ito dahil hindi pa ito ang tamang panahon para makuha mo ang isang bagay na matagal mo ng inaasam.

            Ang araw ng martes ang masayang araw mo

Scorpio (October 23 – November 21)
            May magpapakilala sayong kaibigan at ito ang magiging dahilan para makita mo ang iyong minamahal.

            Ang araw ng lunes makikilala mo

Sagittarius (November 22 – December 21)
            Darating ang isang oportunidad para magbago ang takbo ng buhay mo. Tanggapin ang inaalok na bagong trabaho dahil ito ang kailangan mo para matugunan mo ang pangangailangan ng iyong pamilya.

            Ang araw ng miyerkules ang lucky day mo

Capricorn (December 22 – January 19)
            May isang kaaway ang pilit kang sisiraan para magalit sayo ang iyong amo. Wag magalit sa kanya dahil babalik din sa kanya ang ginawa niya sayo.

            Ang araw ng huwebes ang masayang araw mo

Aquarius (January 20 – February 18)
            Maraming pagsubok ang dadarating sayo para subukan ang iyong kakayahan, Ito rin ang magpapalakas sayo para muli mong patunayan sa kanila na mali sila ng paratang.

            Ang araw ng sabado ang pinaka malungkot mong araw

Pieces (February 19 – March 20)
            Ito ang araw na iyong hinihintay may bagong dadarating na balita na magbibigay sayo ng kakaibang saya at ngiti.

             Araw miyerkules ang pinaka masaya mong araw

ARIES (March 21 – April 19)
            Wag magalit sa kasamahan sa trabaho dahil magiging dahilan ito ng paghihiwalay ng inyong samahan. Matutong magpakumbaba sa lahat ng bagay.

            Ang araw ng martes ang pinaka delikado.


Taurus (April 20 – May 20)
            Maraming beses ka ng nahuli ng iyong kasintahan kaya wag na muling ulitan pa dahil ito ang magiging ng inyong malalang away.

            Ang araw lunes ang pinaka malungkot na araw mo.

Gemini (May 21 – June 21)
            Wag kalimutan ang pinagkakautangan matuto kang magbayad ng utang dahil ito ang dahilan ng isang away na hindi mo makakalimutan

            Ang araw ng linggo ang bad day mo

Cancer (June 22 – July 22)
            May lalapit sayong kaibigan at hihingi ng tulong. Wag mong intindihin dahil niloloko ka lang para pautangin mo siya.

            Ang araw ng martes ang lucky day mo

Leo (July 23 – August 22)
            May balitang matatanggap na magbibigay sayo ng kakaibang kasiglahan. Meron din magbabalita sayo ng kalungkutan kaya maghanda kang palagi.

            Ang araw ng Linggo ang pinaka worst na araw sayo

Virgo (August 23 – September 22)
            May dadating na bagong kasamahan sa trabaho tulungan mong makapag ayos ng kanyang tutuluyan dahil ito ang palagi mong makakasama sa lahat ng oras

            Ang araw ng Lunes ang magiging masaya


Saturday, September 29, 2012

OFW Horoscope - September 29 - October 05, 2012



September 29 – October 05, 2012

Libra (September 23 – October 22)
            Ang pagiging seloso o selosa sa kapareha ang magbibigay ng init ng ulo iwasan ang matinding selos sa kapareha dahil ito ang magiging dahilan ng inyong tampuhan at malalang away.
            Ang araw ng lunes ang pinaka delikadong araw

Scorpio (October 23 – November 21)
            Iwasan ang isang kaibigan na magbibigay sayo ng malaking problema. Dadating ang araw na ikaw ang magiging dahilan ng isang malaking problema na makakaapekto sa iyong pamilya.
            Ang araw ng linggo ang iwasan mo sumama sa kaibigan

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May isang lihim na pag ibig ang malalaman mo sa linggong ito. Magiging masaya ka sa linggo ito dahil ang matagal mo ng hinihintay darating na. Ang taong magmamahal sayo ng lubos ay malapit ng dumating.
            Ang araw ng martes ang lucky day mo

Capricorn (December 22 – January 19)
            Isang kasamahan sa trabaho ang tutulong sayo para umangat ang iyong posisyon sa trabaho maging palakaibigan para magtuloy tuloy ang grasya sa iyong buhay. Magpasalamat sa Diyos upang lalo kang maging maswerte sa linggong ito.
            Ang araw ng marters ang masayang araw mo

Aquarius (January 20 – February 18)
            Marami ang maiingit sa iyo dahil magiging malapit ka sa iyong amo. Iwasan ang mga taong alam mo na lihim na nagagalit sayo dahil sila ang magiging dahilan para hindi matupad ang gusto mong mangyari.
            Ang araw ng sabado ang pinaka malungkot mong araw

Pieces (February 19 – March 20)
            Iwasan ang makipag argumento sa ibang tao lalo na sa kasamahan sa trabaho dahil ang kasamahan mo sa trabaho ang magbibigay sayo ng problema sa opisina. Maging mahinahon sa lahat ng oras lalo kapag kausap mo ang taong lihim na nagagalit sayo.
            Ang araw ng miyerkules ang malungkot mong araw

ARIES (March 21 – April 19)
            Mag iingat sa linggong ito dahil may isang manlolokong tao ang mambibiktima sa iyong kabaitan. Iwasan ang maging mapagbigay sa linggo ito kontrolin ang sarili sa mga salita na madaling makaakit.
            Ang araw ng martes ang pinaka delikado.


Taurus (April 20 – May 20)
            Ang plano mong bakasyon sa linggong ito ang magbibigay sayo ng saya ito ang tamang panahon para makita silang muli. Wag kalimutan ang mga pasalubong sa minamahal dahil isa ito sa makakapag pangiti sa kanya kapag nakita kayong muli
            Ang araw lunes ang pinaka masayang araw mo.

Gemini (May 21 – June 21)
            Magkikita kayo ng matagal mo ng kaibigan dito abroad at magiging masaya ang inyong pagkikita subalit iwasan ang magselos dito dahil ito ang magiging dahilan kaya kayo mag aaway sa hindi inaasang pagkakataon. Wag umutang ng pera linggong ito at magiging malas ka.
            Ang araw ng linggo ang lucky day mo

Cancer (June 22 – July 22)
            Maging pasensyoso sa kaibigan sa linggong ito dahil magiging maiinitin ang iyong ulo dahil sa mga maliliit na bagay. Iwasan makipag away dahil magiging malaki problema ito para sayo.
            Ang araw ng sabado ang lucky day mo

Leo (July 23 – August 22)
            Magkakaroon ng problema sa minamahal kaya dapat malawak ang pang unawa, dahil may mga bagay bagay kang matutuklasan na hindi mo magugustuhan. Iwasan ang maging matapang dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan.
            Ang araw ng lunes ang pinaka worst na araw sayo

Virgo (August 23 – September 22)
            Pilitin na magkaroon ng oras para sa pamilya dahil ito ang magpapasaya sayo. Wag masyadong tutok sa trabaho bigyan ng importansya ang pamilya. Ang linggong ito ay para sa iyong pamilya kaya dapat pagbigyan mo ang kahilingan nila.
            Ang araw ng miyerkules ang magiging masaya

Thursday, September 20, 2012

OFW Horoscope September 21-28, 2012


OFW Horoscope September 21 - 28, 2012

ARIES (March 21 – April 19)
            Mag iingat sa araw na ito dahil may isang tao ang lihim na nagagalit sayo. Wag masyado magtiwala sa mga binibitawang salita ng kakilala dahil ito ang magpapahamak. Maging mahinahon sa mga haharaping problema.

Taurus (April 20 – May 20)
            Isang kaibigan ang hihingi ng tulong sayo ikaw na bahala kung tutulungan mo ba siya o paasahin nalang. Mangangako naman sayo na sa mga susunod na araw siya naman ang tutulong sayo.

Gemini (May 21 – June 21)
            Magiging mapagmasid ka sa mga bagay na alam mo namang makakatulong sayo ng malaki. Pipilitin mong maabot ang gusto mong mangyari sa araw na ito at magiging matagumpay ka sa iyong plano.

Cancer (June 22 – July 22)
            Iwasang manood ng nakakalungkot na palabas sa telebisyon dahil ito ang magiging dahilan ng iyong pagkahomesick sa pamilya. Iwasan din makinig sa mga taong mahihilig sa drama.

Leo (July 23 – August 22)
            Kapag may nagbayad sayo ng utang itabi mo ito at wag gastusin dahil may kailangan kang bigyan ng pera isa sa iyong pamilya. Iwasan ding maging madamot sa pamilya ngayong araw.

Virgo (August 23 – September 22)
            Wag maging pabigla bigla ng desisyon dahil sa bandang huli magsisi ka sa ginawa mo. Maging mapag pasensya sa araw na ito.

Libra (September 23 – October 22)
            Ito ang tamang panahon para simulan ang isang negosyo. Kung meron ka rin lang puhunan para sa iyong negosyo wag mo ng patagalin pa. Lakas ng loob ang magiging puhunan mo.

Scorpio (October 23 – November 21)
            Makakatanggap ka ng respeto sa ibang tao at ito ang magpapalakas sayo ng loob para humarap sa ibang tao. Wag maging mahiyain sa araw na ito dahil magiging maganda ang araw na ito para sayo.

Sagittarius (November 22 – December 21)
            Kailangan mong asiksuhin ang sarili mo dahil ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng katauhan mo. Bigyang pansin ang kalusugan at mga nararamdamang sakit.

Capricorn (December 22 – January 19)
            Kahit gaano man ka problema ang araw na ito para sayo wag kang mag alala. Tumawag lang ng kaibigan upang isangguni ang iyong problema at ito ay malulunasan.

Aquarius (January 20 – February 18)
            Ito ang tamang pagkakataon na mag isa upang makapag isip ng mga bagay na makakatulong sayo para maging ganap na tao. Panahon na upang malaman mo ang nasa loob ng iyong puso.

Pieces (February 19 – March 20)
            Unahin ang magdasal sa panginoon dahil ito ang magbibigay sayo ng lakas upang takasan ang mga problema. Wag maging mahina ang loob kailangan asiksuhin ang mga bagay na nagpapahina ng iyong kalooban.