Saturday, September 29, 2012

OFW Horoscope - September 29 - October 05, 2012



September 29 – October 05, 2012

Libra (September 23 – October 22)
            Ang pagiging seloso o selosa sa kapareha ang magbibigay ng init ng ulo iwasan ang matinding selos sa kapareha dahil ito ang magiging dahilan ng inyong tampuhan at malalang away.
            Ang araw ng lunes ang pinaka delikadong araw

Scorpio (October 23 – November 21)
            Iwasan ang isang kaibigan na magbibigay sayo ng malaking problema. Dadating ang araw na ikaw ang magiging dahilan ng isang malaking problema na makakaapekto sa iyong pamilya.
            Ang araw ng linggo ang iwasan mo sumama sa kaibigan

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May isang lihim na pag ibig ang malalaman mo sa linggong ito. Magiging masaya ka sa linggo ito dahil ang matagal mo ng hinihintay darating na. Ang taong magmamahal sayo ng lubos ay malapit ng dumating.
            Ang araw ng martes ang lucky day mo

Capricorn (December 22 – January 19)
            Isang kasamahan sa trabaho ang tutulong sayo para umangat ang iyong posisyon sa trabaho maging palakaibigan para magtuloy tuloy ang grasya sa iyong buhay. Magpasalamat sa Diyos upang lalo kang maging maswerte sa linggong ito.
            Ang araw ng marters ang masayang araw mo

Aquarius (January 20 – February 18)
            Marami ang maiingit sa iyo dahil magiging malapit ka sa iyong amo. Iwasan ang mga taong alam mo na lihim na nagagalit sayo dahil sila ang magiging dahilan para hindi matupad ang gusto mong mangyari.
            Ang araw ng sabado ang pinaka malungkot mong araw

Pieces (February 19 – March 20)
            Iwasan ang makipag argumento sa ibang tao lalo na sa kasamahan sa trabaho dahil ang kasamahan mo sa trabaho ang magbibigay sayo ng problema sa opisina. Maging mahinahon sa lahat ng oras lalo kapag kausap mo ang taong lihim na nagagalit sayo.
            Ang araw ng miyerkules ang malungkot mong araw

ARIES (March 21 – April 19)
            Mag iingat sa linggong ito dahil may isang manlolokong tao ang mambibiktima sa iyong kabaitan. Iwasan ang maging mapagbigay sa linggo ito kontrolin ang sarili sa mga salita na madaling makaakit.
            Ang araw ng martes ang pinaka delikado.


Taurus (April 20 – May 20)
            Ang plano mong bakasyon sa linggong ito ang magbibigay sayo ng saya ito ang tamang panahon para makita silang muli. Wag kalimutan ang mga pasalubong sa minamahal dahil isa ito sa makakapag pangiti sa kanya kapag nakita kayong muli
            Ang araw lunes ang pinaka masayang araw mo.

Gemini (May 21 – June 21)
            Magkikita kayo ng matagal mo ng kaibigan dito abroad at magiging masaya ang inyong pagkikita subalit iwasan ang magselos dito dahil ito ang magiging dahilan kaya kayo mag aaway sa hindi inaasang pagkakataon. Wag umutang ng pera linggong ito at magiging malas ka.
            Ang araw ng linggo ang lucky day mo

Cancer (June 22 – July 22)
            Maging pasensyoso sa kaibigan sa linggong ito dahil magiging maiinitin ang iyong ulo dahil sa mga maliliit na bagay. Iwasan makipag away dahil magiging malaki problema ito para sayo.
            Ang araw ng sabado ang lucky day mo

Leo (July 23 – August 22)
            Magkakaroon ng problema sa minamahal kaya dapat malawak ang pang unawa, dahil may mga bagay bagay kang matutuklasan na hindi mo magugustuhan. Iwasan ang maging matapang dahil hindi magiging maganda ang kahihinatnan.
            Ang araw ng lunes ang pinaka worst na araw sayo

Virgo (August 23 – September 22)
            Pilitin na magkaroon ng oras para sa pamilya dahil ito ang magpapasaya sayo. Wag masyadong tutok sa trabaho bigyan ng importansya ang pamilya. Ang linggong ito ay para sa iyong pamilya kaya dapat pagbigyan mo ang kahilingan nila.
            Ang araw ng miyerkules ang magiging masaya