Sa I'yo Lamang – OFW story
ni BuhayOFW
"Ang storyang ito ay fiction lamang at batay sa mga tunay na nangyayari,
ang anumang pagkakahawig sa buhay ng iba ay pagkakataon lamang"
"Ang storyang ito ay fiction lamang at batay sa mga tunay na nangyayari,
ang anumang pagkakahawig sa buhay ng iba ay pagkakataon lamang"
Mga Pangunahing Tauhan
Eng’r. Albert Ramirez (di tunay na pangalan) – Isang Civil Engineer na nagtatrabaho sa isang kumpanya sa
Qatar. Kasintahan ni Rowena Santos.
Rowena Santos (di tunay na pangalan) –
Kasintahan ni Albert at nasa Pilipinas (Sales Lady sa MOA)
Eng’r. Daisy Salcedo - Laxamana (di tunay na pangalan) – Isang Civil Engineer kasamahan sa trabaho ni Albert. May
asawa at anak na nasa Pilipinas.
Jason Laxamana (di tunay na pangalan) –
Asawa ni Daisy at nasa Pilipinas walang trabaho at bantay sa anak nila ni
Daisy.
Ramon Santos (di tunay na pangalan) – Kaibigan ni Rowena noong high school days
Panimula:
“Honey!
Kamusta kana, maayos na ba ang pakiramdam mo ngayon? Grabe ang init ngayon dito
sa site almost 50degree celsius. Maitim na ang balat ko sa tindi nang init ng
araw” tinig ni Albert at isang civil
engineer sa isang malaking kumpanya dito sa Qatar.
“Hon
ayos lang naman ako dito minsan na lang sumumpong ang asthma ko kaya maayos ang
pakiramdam ko ngayon sagot naman ni Rowena na kasintahan ni Albert at isang
sales lady sa Mall of Asia.
Maglilimang
taon na silang magkasintahan at malapit na rin magpakasal dahil halos
magkasundo naman ang kanilang mga pamilya at may maayos na rin plano sa buhay.
Ang plano nila baka sa susunod na taon pagbalik ni Albert galing sa Qatar ay
ikakasal na silang dalawa.
“Honey,
Hayaan mo isang taon nalang at makakapag file na ako ng bakasyon dahil yun ang
pinirmihan kong kontrata sa kanila konting tiis na lang honey ko. Miss na miss
na kita at gusto ko ng hilahin ang araw para makapag bakasyon ako diyan at
makasama kitang muli.
“Hon
ikaw talaga pinapangiti mo na naman ako! Miss na miss na rin kita ang hirap
kasi ng sitwasyon nating dalawa malayo tayo sa isa’t isa” paglalambing naman ni
Rowena.
“Kaya nga hihintayin ko na lang ang pag uwi mo para naman makumpleto
na ang araw ko. I love you hon ingat ka diyan palagi ahhh” dugtong pa ni
Rowena.
“Ang
sweet naman ng honey ko I love you too at mag iingat ka rin palagi diyan.
Isipin mo na lang para sa atin dalawa ito at sa magiging pamilya natin kaya
hintayin mo ako sagot naman ni Albert.
Natapos
ang kanilang masayang usapan ng gabing iyon at sabik na sabik na hinalikan ni
Rowena ang tanging iniwang alaala ni Albert sa kanya na isang litrato. Ganun
din ang ginawa ni Albert dahil meron ding ibinigay na litrato si Rowena bago
siya umalis ng Pilipinas.
Kinabukasan:
Maagang
nagising si Albert dahil kailangan niyang asikasuhin ang kanyang sarili para
pumasok sa kanyang opisina. Malayo pa ang kanyang destinasyon kaya kailangan
niyang mag asikaso ng mga gamit at pagkain ng maaga. Nagluto siya ng kanyang
almusal at tanghalian para baunin sa kanyang pagpasok sa trabaho.
Ganyan naman talaga ang
buhay ng isang OFW lahat ng gawain sa bahay walang ibang mag
aasikaso kundi ikaw lang at wala ng iba pa. Magluto, maglaba, mag plansta ng
damit, mag asikaso ng mga gamit sa bahay at maraming pang iba. Sabi nga nila
bawal ang magkasakit kasi walang ibang tutulong sayo kundi ang sarili mo lang.
Ang hirap diba, lahat ng yan sakripisyo ng isang OFW para sa
kanyang mahal sa buhay. Kailangan mong maging masipag bawal ang tamad dahil
ikaw din ang maapektuhan nito.
Maagang nakarating sa
site si Albert dahil kailangan niyang tapusin ang mga dokumento para sa
kanilang proyekto.
“Hello Albert “tinig ng
isang babae” Good morning! Siya si Daisy na isa ring engineer sa kanilang
kumpanya at kaharap lang ng kanyang cubicle.
“Good morning din sayo
Daisy” sagot naman ni Albert. Natapos mo na ba yung pinapagawa ni Boss Khalid
na proposal para sa next project natin.
“Hindi pa nga ehhh kasi
ang daming revision na pinababago ang client kaya back to scratch ulit yung una
nating proposal sabi ni Daisy.
“Ganun ba sige patingin
ako ulit para maayos na natin yung mga revision at masubmit natin ulit sa
kanila. Tingin ko kulang lang ng details para makita nila yung pinaka proposal
natin” dugtong ni Albert.
Kinuha ni Albert ang
plano at muli na naman niyang binago ang proposal para sa gagawing bagong
proyekto. Pinagtulungan nilang dalawa ang pagsasaayos ng plano para maipasa na
ulit nila iyon sa kanilang Managing
Director para sa final checking ng kanilang proposal.
Inabot sila ng 11 ng
gabi dahil kailangan nilang tapusin dahil deadline na ng submission bukas para
makahabol sila sa biding ng nasabing proyekto. Wala naman silang problema sa
sasakyan dahil parehas silang may issue na mula sa kanilang kumpanya. Kaya kahit
abutin sila ng madaling araw ay makakauwi sila sa kanilang bahay.
"Sana ma approved
na ito para may bago tayong kontrata na gagawin" sambit ni Daisy.
"Oo nga kapag na
approved ito malamang bibigyan tayo ng break ni bossing at syempre mabibigyan
tayo ng increase sa sweldo at maagang promosyon" sabi ni Albert.
“Oo nga at syempre
kasama na rin dun ang next posisyon natin wish ko lang sana magkatotoo"
sagot naman ni Daisy.
Mga kasunod na kabanata
Mga kasunod na kabanata
Sumulat po sa: angbuhayofw@gmail.com
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW