Marami sa ating kapwa OFW ang nakaranas ng tulad nito.....
"Wala tayo sa piling ng ating asawa habang siya ay nanganganak dahil nasa malayong lugar tayo dahil sa trabaho"
Alam ko na isa ka rin sa katulad kong nakipag sapalaran sa ibang bansa at nangangarap na mabigyan ng magandang buhay ang ating pamilya. Alam din naman nating lahat na kaya nating iisang tabi ang kalungkutan para tiisin ang lahat alang alang sa ating pamilya upang maitaguyod natin sila ng maayos.
Mahirap para sa isang Ama ng tahanan na iwanang nag iisa ang kanyang asawa habang ito ay naglalabor sa ospital at nahihirapan sa paglabas bagong silang na sanggol. Alam kong isa ka rin sa nakaranas ng katulad ng dinadanas ko ngayon. magkahalong kaba at saya dahil naghihintay ka lang ng mensahe galing sa Pilipinas.
Hindi malilimutang usapan:
"Kamusta na ang Ate mo nanganak na ba?
"Kuya wag mo daw siya tawagan muna kasi masyado ka daw excited, 6cm na siya kaya manganganak na daw talaga siya sabi ng nurse"
"ah ganun ba, kasi naman nag aalala ako"
"wag kang mag alala kasi nandito naman kami at hindi namin pababayaan si Ate hinahagod ko din ang likod niya kasi nahihirapan daw siya"
"O sige na nga balitaan mo na lang ako kung ano na ang nangyari"
Siguro naka ilang tawag din ako sa kanya para alamin kung ano na ang kalagayan niya dahil siyempre milya milya ang layo ko sa kanya. Totoo naman na excited talaga ako kasi unang anak namin na lalake iyon at pangarap ko talaga na magkaroon ng anak na lalake dahil siya ang magdadala ng aking apelyido.
Text messaging
"Tinawag na siya sa loob at kinuha ang gamit manganganak na kaya siya"
Nang matanggap ko ang mensaheng ito ay nag atubili na naman akong tumawag sa kanya dahil nararamdaman ko na rin sa aking sarili na ito na ang oras upang isilang ang aming anak.
Tawag sa kapatid niya
"Hello ano na nangyari"
"Kuya pinapasok na siya at kinuha na ang mga gamit niya"
"Ganun ba manganganak na siya malamang"
"Siguro manganganak na si Ate kasi kinuha na ang gamit ng baby"
"Message mo agad ako kung nakapanganak na siya ahhh"
"Oo kuya wag kang mag alala"
Nang matapos ang aming usapan nanalangin ako para humingi ng saklolo sa ating dakilang lumikha para tulungan ang aking asawa sa kanyang panganganak. Masarap ang pakiramdam na alam mo naman na hindi ka bibiguin ng ating Diyos Ama dahil malapit naman kaming mag asawa sa kanya.
Lumipas ang ilang minuto at muli na naman akong tumawag sa kanila para kamustahin ang lagay ng aking asawa.
"Nanganak na si Ate Kuya noong tumawag ka sa akin kanina mga ilang minuto pa lang pag tapos na ipasok siya"
"Talaga wow kamusta naman si baby at si Ate mo"
"Bumibili pa ako ng pagkain ng mga nagpaanak sa kanya kasi sabi ni Ate bumili daw ako ng pagkain nila pag tapos nila siya paanakin"
"Ganun ba sige tatawag ulit ako para malaman ko ang lagay ng ate mo at ni baby"
Siyempre kapag alam mo na nakaraos na ng maayos ang iyong asawa dito na lamang magiging kampante ang iyong sarili dahil alam mo na nakaraos na siya sa hirap ng panganganak.
Ilang minuto pa ang lumipas para muli kong tawagan ang kapatid ng aking asawa at makausap ko ng personal na rin ang aking asawa. Walang minuto na hindi ako nakangiti dahil sa ligaya na aking nadarama dahil maayos na naipanganak ang aking asawa ng unang anak naming lalake.
"Hello"
"Hello Papa"
"Hello Mama kamusta kana? Kamusta na si Baby?"
"okey lang naman awa ng Diyos nakaraos na ako sa wakas"
"Oo nga ehhhh pasensya kana at wala ako diyan sa tabi mo"
"Okey lang at least nagtatrabaho ka para sa amin ng mga anak mo"
"Kamusta na si baby?"
"Ang laki ni baby parang isang buwan ang sukat, tapos maputi at singkit"
"Talaga! singkit si baby mana sa akin hehehehe"
"oo nga ehhh ang kulay hindi nagmana sayo hehehehe sa akin nagmana kasi maputi, negro ka kasi"
"Ganun ba kakatuwa naman kasama mo na ba siya"
"Oo andito na siya sa Dibdib ko nakakatuwa kasi ang pogi niya kamukha mo"
"heheheheh kanino pa ba magmana yan eh di sa akin"
"Maraming salamat sa mga nag pray sa atin"
"Oo nga"
Mahaba pa ang naging usapan namin ng aking asawa dahil marami pa akong itinanong sa kanya. Pinag pahinga ko na rin siya ng oras na iyon dahil alam ko naman na pagod na pagod na siya dahil halos isang linggo siya nag labor para sa bago naming silang na sanggol.
Para sa akin ang sitwasyon na katulad ng ganito lalo na't OFW, wag na wag tayong mawawalan ng komunikasyon sa mahal nating asawa dahil sa mga oras na katulad ng ganito ay talagang kailangan niya ng ating komunikasyon para isipin niya na kahit malayo tayo sa kanila ay may oras at panahon tayo para sa kanila. Naubos man ang pera mo sa kaloload ng pang tawag ang pinaka importante sa lahat ay nakausap mo siya at meron kayong komunikasyon sa isa't isa habang siya ay nanganganak.
Isang sitwasyon na totoong nangyari sa aking buhay....
Isinilang ang aking unang anak na lalake si John Axcel na matagal ko ng pinapangarap.....
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW