Showing posts with label OFW Video. Show all posts
Showing posts with label OFW Video. Show all posts

Thursday, October 12, 2017

OFW Family - Masarap talaga kapiling ang Pamilya


Masarap talaga kasama ang pamilya, Kagaya ng malinamnam na pagkain ng Pampanga's Best


Monday, October 9, 2017

OFW Mechanic without Hand and Feet - Gulf News


Proud OFW no feet, no hand but OFW.

Salamat sa Gulf News sa pagpapakita ng video na ito. Super nakakaproud si Kuya sa kabila ng kanyang kapansanan hindi naging hadlang para maabot niya ang kanyang pangarap.

Visit the link: www.gulfnews.com

Tuesday, October 3, 2017

Alisah Bonaobra in X Factor UK Season 14


Failed Audition to X factor superstar Alisah Bonaobra.

Watch it her episode in X factor UK

Monday, October 2, 2017

Las Vegas Shooting Incident

Video Source: GREEN APPLE NETWORK

Las Vegas Shooting 

Hoping na walang nadamay na Pilipino sa shooting range na nangyari sa Las Vegas. Halos 58 katao ang namatay at mahigit sa 500+ persons ang nasugatan. Ang pamamaril ay mula mismo sa kwarto ng suspect. Open fire mula sa itaas papunta sa may kasalukuyung music concert event. Nakakalungkot isipin na marami ang namatay at nasugatan sa naganap ng shooting.

Ang suspek ay si Stephen Paddock white american 64 years old na mula sa Nevada. Natagpuan ang kanyang bangkay sa 32 floor ng Mandalay hotel. Siya hinihinalang nagpakamatay ayon sa mga police.




Saturday, November 12, 2016

OFW Life by ICAR Yves Buchorno Perdido


Facebook: Link

Grabe naalala ko yung anak ko dito noong bata pa sila, ayaw din nila humiwalay sa akin nung papaalis na ako papuntang Qatar. Same like you brother ang hirap itapak ang paa paalis ng bansa. Kaya sana lahat ng nag aabroad sulitin natin at gawin natin ang lahat para makaipon tayo ng pera kapag uuwi na tayo ng Pilipinas.

Salute sa mga OFW families 

Friday, August 23, 2013

Anak - Daddy's Home - Peoples Balita



Tunay na mahirap lumisan paalis ng bansa habang nagpapaalam ka sa iyong anak at asawa upang umpisahan ang kontratang pinirmahan mo abroad. Isa na ako sa dumadanas ng kalungkutan dahil halos mag-aapat na taon na akong OFW dito sa Qatar. Isang buwan lang ang bakasyon kada taon at yun lang ang time ng aming pagsasama.

Naalala ko pa nga noong unang sabak ko, sa byahe pa lang ay hirap ang aking kalooban na iwanan ang aking maliliit na anak. Naalala ko rin ang sinabi sa akin ng aking panganay na anak “Papa uwi ka agad ahhh kasi mamimiss kita lalo na sa kama kasi magkatabi tayo sa pagtulog.“ Ang hirap talaga umalis pero wala tayong magagawa dahil nais natin silang bigyan ng magandang buhay.

Hindi madaling magtrabaho sa ibang bansa lalo't hindi mo kasama ang iyong mahal sa buhay parang dinudurog ang iyong kalooban sa tuwing nababalitaan mo silang may karamdaman o may nangyaring kapahamakan. Ako sa aking pagtulog lagi kong tinitignan ang mga litratong nakadikit sa aking dingding dahil iyon lamang ang nagiging lakas ko para tiisin ang lungkot dulot ng paglayo sa kanila.

Ayon na rin sa aking malapit na kaibigan na si Marlon Pamplona na isa ring OFW daddy "Mahirap magtrabaho na malayo sa kanila nangungulila ako sa pagmamahal nila. Kinakaya ko lang tiisin ang lungkot at pagkamiss sa aking pamilya dahil para naman ito sa ikakabuti ng kanilang kalagayan, Kahit malayo ako sa kanila araw araw ko silang iniisip at di ko sila pababayaan upang mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan, dahil sila lang buhay ko." totoo naman ang sinabi niya dahil sa likod ng mga magagandang larawan na naka upload sa Facebook kaungkutan ang katotohan nito. 

Kaya sa mga OFW Dad's na nasa ibang bansa be proud dahil kayo ang Bayani at Ama ng inyong pamilya. Maraming salamat po sa gumawa ng kanta ang "Daddy's Home" at ito ay isang patunay lang na Mahal ninyo ang OFW family. Maraming salamat din sa Pinoy Radio Online na siyang nag launch ng kantang ito alam kong lalaganap ito sa buong mundo dahil totoong nakakataba ng puso sa katulad naming OFW.

Hanggang sa muli po ang inyong lingkod BuhayOFW


Sunday, December 23, 2012

Buhay Pinoy Abroad





Isa na namang video ng OFW ang aking nakita sa youtube na pumukaw sa aking atensyon. Maganda ang interpretasyon ng bawat kuha at ito ay totoong pangyayari na kadalasan ay nangyayari sa katulad namin OFW.

Maaari din po ninyong i share sa kapwa nating OFW upang malaman din nila ang ilang karanasan nang kababayan nating sumabak sa pagiging OFW.

Salamat po sa taong gumawa ng video na ito at isa itong inspirasyon sa lahat ng mga OFW sa buong mundo. 

Mabuhay ka!

Ginoong Ercof