Tunay na
mahirap lumisan paalis ng bansa habang nagpapaalam ka sa iyong anak at asawa
upang umpisahan ang kontratang pinirmahan mo abroad. Isa na ako sa dumadanas ng
kalungkutan dahil halos mag-aapat na taon na akong OFW dito sa Qatar. Isang
buwan lang ang bakasyon kada taon at yun lang ang time ng aming pagsasama.
Naalala
ko pa nga noong unang sabak ko, sa byahe pa lang ay hirap ang aking kalooban na
iwanan ang aking maliliit na anak. Naalala ko rin ang sinabi sa akin ng aking
panganay na anak “Papa uwi ka agad ahhh kasi mamimiss kita lalo na sa kama kasi magkatabi tayo sa pagtulog.“ Ang hirap talaga umalis pero wala tayong magagawa
dahil nais natin silang bigyan ng magandang buhay.
Hindi
madaling magtrabaho sa ibang bansa lalo't hindi mo kasama ang iyong mahal sa
buhay parang dinudurog ang iyong kalooban sa tuwing nababalitaan mo silang may
karamdaman o may nangyaring kapahamakan. Ako sa aking pagtulog lagi kong
tinitignan ang mga litratong nakadikit sa aking dingding dahil iyon lamang ang
nagiging lakas ko para tiisin ang lungkot dulot ng paglayo sa kanila.
Ayon na
rin sa aking malapit na kaibigan na si Marlon
Pamplona na isa ring OFW
daddy "Mahirap magtrabaho na malayo sa kanila nangungulila ako sa
pagmamahal nila. Kinakaya ko lang tiisin ang lungkot at pagkamiss sa aking
pamilya dahil para naman ito sa ikakabuti ng kanilang kalagayan, Kahit malayo
ako sa kanila araw araw ko silang iniisip at di ko sila pababayaan upang
mabigyan ko sila ng magandang kinabukasan, dahil sila lang buhay ko." totoo naman ang sinabi niya dahil
sa likod ng mga magagandang larawan na naka upload sa Facebook kaungkutan ang katotohan
nito.
Kaya sa
mga OFW Dad's na nasa ibang bansa be proud dahil kayo ang Bayani at Ama ng
inyong pamilya. Maraming salamat po sa gumawa ng kanta ang "Daddy's Home" at ito ay isang patunay lang na Mahal
ninyo ang OFW family. Maraming salamat din sa Pinoy
Radio Online na siyang nag
launch ng kantang ito alam kong lalaganap ito sa buong mundo dahil totoong
nakakataba ng puso sa katulad naming OFW.
Hi, just want to share para po makatulong sa mga kababayan nating OFW tulad nyo. OFW OEC Online Form Filler.
ReplyDeleteJust visit http://ofwteki.p.ht