Sunday, October 21, 2012

OFW Horoscope - Scorpio - October 21 - 27 2012




October 21 - 27 2012



Libra (September 23 – October 22)
       Ang pagiging masipag sa trabaho ang magbibigay sayo ng magandang opportunidad. Ipagpatuloy lamang ang pagiging masipag dahil iyan ang magiging dahilan ng pag angat ng iyong posisyon sa kumpanya.

Ang maswerteng araw ay Linggo 
Scorpio (October 23 – November 21)
        Maging mapagpasenya sa katrabaho dahil may isang insedente na magkakainitan kayo. Isipin mo maigi na tama ang gagawin mo dahil sa bandang huli mo malalaman na mali ang ginawa mo.

Ang maswerteng araw ay Lunes

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May balitang makakarating sayo na magiging dahilan ng iyong kalungkutan. Harapin ng buong tatag dahil hindi mo naman matutulungan ang sarili mo kung magpapaapekto ka sa nangyari.

Ang maswerteng araw ay Martes 
Capricorn (December 22 – January 19)
            May isang taong lihim na nagagalit sayo dahil nagseselos siya dahil mas pinapaboran ka ng iyong amo. Maging maingat ka sa mga bagay na alam mong ikakasira mo sa iyong amo. 

Ang maswerteng araw ay Miyerkules
Aquarius (January 20 – February 18)
             Isang kaibigan ang matagal mo ng hinahanap ang matatagpuan mo. May magandang balita siyang ihahatid sayo tungkol sa iyong nakaraang pag ibig. Magiging masaya ka sa mga araw na darating dahil sa tulong ng iyong kaibigan.

Ang maswerteng araw ang Huwebes

Pieces (February 19 – March 20)
             Mag ingat sa taong manloloko wag basta magbibigay ng tiwala sa ibang tao lalo na ang hindi mo kakilala. Hihingian ka ng pera o ari arian kaya wag magtiwala dahil mapapahamak ka lang.

Ang maswerteng araw ay Lunes

ARIES (March 21 – April 19)

Mag ingat sa kalsada lalo na sa mga tawiran wag basta basta tatawid ng hindi lumilingon kung may darating na sasakyan. May isang aksidenteng mangyayari sayo kaya mag ingat palagi lalo na sa kalsada. 


Ang maswerteng araw ay Martes 

Taurus (April 20 – May 20)
            May Imbitasyon na mangyayari sa iyo na magbibigay sayo ng kasiyahan dahil ang matagal mo ng pinapangarap ay darating na. Maghintay ng tamang pagkakataon para maging masaya sa mga darating na araw.

Ang maswerteng araw ay Linggo.
Gemini (May 21 – June 21)
                Malapit ng dumating ang araw ng bakasyon mo. Marami ang naghihintay sayo sa Pilipinas kaya maghanda na ng pasalubong sa kanila. Malaking gastusan ang iyong bakasyon kaya maghanda kana.

Maswerteng araw ay Sabado
Cancer (June 22 – July 22)
            Ang pagiging mapagpasensya ay hahangaan ng ibang tao kaya ipagpatuloy lamang ang ugaling ito para patuloy kang hangaan ng ibang tao.

Ang maswerte mong araw ay Lunes

Leo (July 23 – August 22)
          Wag maging gastador sa pera dahil kailangan mo ng malaking halaga sa linggong ito para ipadala sa iyong mahal sa buhay sa Pilipinas dahil kailangan nila ang pera.

Ang maswerteng araw ay Sabado
Virgo (August 23 – September 22)
            Ingatan ang kalusugan ugaliing uminom ng tubig dahil  may matutuklasan kang karamdaman na matagal ka ng pinahihirapan. Pumunta sa doktor para ipakunsulta ito.

Ang maswerteng  araw ay Martes