Sunday, October 14, 2012

OFW Horoscope - Libra - October 14 - 20 2012



October 14 - 20 2012

Libra (September 23 – October 22)
           May isang sopresang matatanggap sa linggong ito wag kalimutan magpasalamat sa ating Diyos na patuloy na nagbibigay sa atin ng mga biyaya. Ipagpatuloy ang magandang bagay na iyong ginagawa.
Swerteng araw miyerkules
Scorpio (October 23 – November 21)
            Panibagong kaibigan ang iyong makakasama maging mapagpasensya sa lahat ng makakasama dahil sila lamang ang magiging katulong mo sa mga darating na araw.
Swerteng araw lunes

Sagittarius (November 22 – December 21)
            May bagong kasamahang darating sa inyong kumpanya ito ang taong magiging karibal mo sa iyong trabaho kaya patuloy na gawin ang mga bagay na tama para hindi maging sagabal taong ito inaasam na tagumpay sa iyong trabaho.
Swerteng araw martes
Capricorn (December 22 – January 19)
            Panibagong kasiyahan ang matatanggap mo galing sa iyong minamahal, ito ang mabibigay sayo ng panibagong lakas na mataggal mo ng hinihintay.
Swerteng araw biyernes
Aquarius (January 20 – February 18)
            Makakatanggap ka ng isang impormasyon tungkol sa iyong trabaho na posibleng ikapahamak mo. Harapin ito ng matatag ang kalooban dahil marami ang madadamay sa ilalabas na impormasyon.
Swerteng araw ay sabado

Pieces (February 19 – March 20)
            Magiging masaya ang linggong ito dahil darating na iyong matagal nang hinihintay patuloy lang gawin ang mga bagay na mabibigay sayo ng panibagong saya sa trabaho.

Swerteng araw ay linggo

ARIES (March 21 – April 19)

Wag maging madamot sa taong alam mo naman na malaki ang naitulong sayo. Tugunan ang kanyang pangangailangan dahil ito ang tamang panahon para makabawi ka sa kanya

Swerteng araw ay huwebes

Taurus (April 20 – May 20)
            Wag sumama sa isang kasiyahan dahil hindi magiging maganda ang araw na iyon sayo dahil may makakaaway ka na magiging sanhi ng malaking gulo. Manatili na lang sa bahay kung may mag iimbita sayo na kaibigan.
Swerteng araw ay lunes
Gemini (May 21 – June 21)
            Magbayad sa pinagkakautangan para hindi mailagay sa kahihiyan. May isang kaibigan na patuloy kang sisiraan dahil naiinggit siya sayong kinalalagyan.
Swerteng araw martes
Cancer (June 22 – July 22)
            Maging masipag sa trabaho para makita ng iyong amo ang iyong kasipagan at baka ipromote ka sa iyong kumpanya. Ugaliing gawin ang mga dati mong ginagawa sa kumpanya.

Swerteng araw miyerkules

Leo (July 23 – August 22)
          Darating na araw ng iyong bakasyon ngunit hindi ito magiging masaya dahil may balitang darating sayo na ikalulungkot mo. Harapin ito ng may katatagan para hindi ka masyado maapektuhan.
Swerteng araw sabado
Virgo (August 23 – September 22)
            May darating na mabigat na problema sa inyong kumpanya na maaring ikasara. Wag manghina ang kalooban dahil sa susunod na kontrata magigign maayos ang lahat.
Swerteng araw lunes