Sunday, October 14, 2012

OFW hindi nasunod ang kontrata - BuhayOFW pwede magtanong?

BuhayOFW pwedeng magtanong?

May nag ask po sa inyong lingkod tungkol sa ano bang pwedeng niyang gawin kapag hindi nasunod ang kontrata na pinirmahan niya sa agency na nagpaalis sa kanya sa Pilipinas?

Ang tanong po na iyan ay mula kay Emiliano mula po sa  bansang Qatar.

Unang una po ginoong Emiliano magandang araw po sa inyo. Sa aking pong pagkakaalam ang ganitong sitwasyon ay karaniwan na pong napapabalita sa ating mga OFW. Marami na po kasing mga kababayan natin ang naloko ng mga kanilang agency sa Pilipinas. Kung tutuusin po nakakapagtaka lang po kasi sa ating mga Pilipino dapat po kasi ay maging mabusisi po tayo sa mga bagay na kailangan po nating gawin dapat  po ay doubleng ingat po sa mga inaaplayan nating mga agency. 

Bago po kasi tayo pumirma ng kontrata kailangan po nating i double check ang mga agency na atin pong inaaplayan sa Pilipinas. 

  • Pumunta po tayo sa POEA sa head office Manila para ipadouble check po kung lehitimong at may kaukulang papeles po ang agency na nagpapaalis po sa atin patungo sa ibang bansa.
  • Kung ito man po ay nasa probinsya kailangan po nating hanapin ang pinaka malapit na POEA office upang masiguro po natin.
  • Kailangan pong masigurado natin na ang pinipirmahan po nating kontrata ay lihitimo at may official seal or company seal ng ating magiging employer sa ibang bansa.
  • Mag search po tayo sa internet tungkol po sa employer natin kung totoo bang may ganung kumpanya sa abroad.
  • Maging sigurista bago po tayo magbitaw ng salapi para ipambayad sa placement fee na hinihingi ng mga agency, wag basta basta magbibitaw ng pera hangga't  wala pa ang mga kaukulang dokumento.
  • Siguraduhing makukuha ang mga mga kontak details ng agency na nagpapaalis sa atin patungo sa bansang ating pupuntahan. Iyon po kasi ang hinahanap ng mga POLO OWWA office kung nakarating ka na ng ibang bansa at isa ka sa naloko ng agency sa Pilipinas. 

Kung nakarating kana sa bansang pinuntahan mo?

  • Hanapin ang pinaka malapit na Consular ng Pilipinas o POLO Office para dalhin ang mga kaukulang dokumento tungkol sa iyong kontrata at ireklamo ito sa kanila.
  • Gagawa ng aksyon ang POLO Officer 0 Embahada para maaksyunan ang iyong hinaing.
  • Kung binalewala ka ng POLO Officer lumapit sa embahada ng Pilipinas at humingi ng tulong sa Ambassador to the Philippines para gawan ng action tungkol sa POLO Officer na nagbalewala sayo.
  • Kung wala pa rin nangyari sa mga reklamo mo, kailangan mo ng iparating sa POEA head office sa manila para ma block ang agency na nagpaalis sayo patungo sa bansang kinalalagyan mo. 
  • Kung wala pa ring nangyari sa iyong hinaing mag desisyon kung nais po pang ituloy ang iyong kontrata at mag pa cancel na lang sa iyong employer.
Marami na po tayong naloko na kababayan wag na po nating dagdagan. Maging maingat po tayo sa ating mga inaaplayan para hindi po tayo maging kawawa sa abroad. Mahirap kumita ng pera sa ibang bansa kailangan po natin ng sakripisyo para tiiisin ang hirap ng isang BuhayOFW.

Kung may nais po kayong isangguni lumiham po sa: angbuhayofw@gmail.com



2 comments:

  1. I like your blog kabayan. Isa rin akong OFW. Sana'y bisitahin mo rin ang blog ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa pagbisita, Follow ko po ang blog mo....

      Delete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW