"kabayan dito kaba nagwowork" tanong niya sa akin
"Brother hindi punta ka dun sa harapan may receptionist doon tanungin mo na lang baka may bakanteng posisyon" sabi ko
"Salamat kabayan" sagot naman niya
Habang naghihintay ako doon sa sofa sa pagdating ng aking kliyente maya maya pa ay nagkita muli kami ni kabayan. Nagkausap kami ng mga oras na iyon dahil parehas kaming nag aantay sa taong kailangan namin.
"Kabayan baka meron kang alam na hiring ngayon dito kasi need ko lang talaga ng trabaho ngayon, malaki na kasi ang nagagastos kong pera para lang makarating dito tapos malapit na rin mapaso ang visa ko. Kahit anong trabaho basta kaya ko" panimula niya
"Ganun ba bigyan mo ako ng copy ng resume mo at baka may pagpasahan ako" sabi ko sa kanya.
"Ilang taon ka na dito kabayan?" tanong niya
"Ako 2 years na mahigit" sabi ko
"Grabe akala ko madali lang maghanap ng trabaho dito sabi kasi sa akin ng kaibigan ko tutulungan niya ako makapasok ng trabaho kaso wala rin pala pinaasa lang ako" kwento niya
"Hays ganun ba hintayin mo na lang siguro baka naman nagpasa na rin siya ng resume mo sa mga kumpanya na kakilala niya" dugtong ko naman
"Ang laki na ng gastos ko dito almost 150k na marating lang dito" sabi niya
"Ganun bakit ang laki naman ng ginastos mo brother?" tanong ko sa kanya
"Ganun daw talaga ang bayaran ng visa dito kaya naghanda ako ng pera para makarating lang dito" kwento ulit niya
"Pasensya kana wala kasi ako alam tungkol sa processing ng mga papers pero parang sobrang laki naman ata ng ginastos mo?" tanong ko ulit
"Oo nga ehhh pero yung mga nakausap ko dito na nag aapply din hindi naman daw umabot sa 100k ang ginastos nila para makating lang dito" parang niloko ata ako ng kaibigan ko
dugtong niya
"Hays ganun ba sige brother andito na yung kliyente ko puntahan ko lang" paalam ko
"Sige kabayan kapag may alam ka ipasa mo naman ang resume ko kahit anong trabaho basta lang makapasok ako" pahabol niya
"O sige brother subukan natin" huling katagang sinabi ko
Nang matapos ang meeting ko sa kliyente ko tinignan ko ang datos ng kanyang resume. Nagulat ako dahil tapos pala siya ng Accouting at CPA certified siya so madali siyang makakahanap ng trabaho dito dahil maganda ang qualification niya.
Binuklat ko pa ang kabuuan ng kanyang resume at nakita ko na marami na rin pala siyang napasukan na trabaho sa Pilipinas. Ang nakakagulat nito marami din siyang certification para patunayan na marami na siya alam tungkol sa kanyang trabaho.
Ang tanong ko lang sa isipan ko bakit hindi siya makahanap ng trabaho samantalang maganda ang track record niya dahil marami na siyang experience pagdating sa trabaho. Ganun na ba talaga kahirap maghanap ng trabaho sa lahat ng panig ng mundo at pahirapan na talaga ang makahanap ng trabaho.
Mahirap pa naman sa ibang bansa makipag sapalaran kung wala kang maasahang kaibigan na hadang tumulong sayo. Bago tayo magpasyang sumabak sa BuhayOFW kailangan nating masigurado na may mapapala tayo sa ating desisyon dahil mahirap ang BuhayOFW.
Mahirap pa naman sa ibang bansa makipag sapalaran kung wala kang maasahang kaibigan na hadang tumulong sayo. Bago tayo magpasyang sumabak sa BuhayOFW kailangan nating masigurado na may mapapala tayo sa ating desisyon dahil mahirap ang BuhayOFW.
Marami sa atin ang nagbabakasakali na makarating ng ibang bansa upang makipag sapalaran ngunit marami din ang bigong makahanap ng trabaho dahil sa iba't ibang dahilan. Napapansin ko lang! Sa ibang bansa marami akong kakilala na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ngunit nasa magandang kumpanya. Ang kanilang mga sinasahod ay mas mataas pa sa mga nakatapos ng pag aaral paano kaya nila nagawa iyon. Nakakagulat diba!
Wish ko lang makahanap na sana ng trabaho si kabayan.....
Wish ko lang makahanap na sana ng trabaho si kabayan.....
nadala naman ako sa kwento. Hirap talaga makipagsapalaran sa ibang bansa... siguro sa dubai yan... dati kasi may nag invite sa akin na mag tourist muna then mag aaply na lang ako doon... kaso natakot ako... inisip ko kasi paano kung di ako matanggap... hehehe!
ReplyDeleteMinsan kailangan talaga ng swerte saka kapit o kakilala para matanggap...
Kung iisipin mo siya nga nahirapan mag apply paano na lang ung di gaano mataas ang qualification... kaya dapat pagisipan... bago makipagsapalaran... lalo na kung visit o tourist lang ung visa...
Tama ka jon kasi ang pag punta sa ibang bansa lalo na gamit lamang ang visit o business visa wala kang kasiguruhan na madali ka lang makahanap ng trabaho. Depende yan sa magpapasok sayo or sa qualification mo kung pasok sa mga inaaplayan mo. mahirap talaga ang maging BuhayOFW...
Deletesalamat sa komentaryo mo!
CPA at OFW din ako. Maraming kaming trabaho sa Pinas at madali lang yan makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Baka 1st time nya mangibambansa kaya naninibago pa sya. Nice post kabayan. I followed ur blog :)
ReplyDeleteMaraming dahilan kung bakit hindi siya matanggap sa trabaho, Sa Ibang bansa alam naman natin na may discrimination sa trabaho. Ayaw minsan ng ibang lahi tumanggap ng mas magaling sa kanila dahil ayaw masapawan ng iba. Isa yan sa tinitignan kong dahilan bakit hindi siya matanggap. Kapag masyado mataas ang qualification mo siguro isa rin yan dahilan.
DeleteMas maganda siguro kung level lang ang pagkakagawa ng resume para hindi masyado mag expect ang employer na aaplayan.
salamat po sa pag follow sa blog ng BuhayOFW