Thursday, September 20, 2012

OFW Horoscope September 21-28, 2012


OFW Horoscope September 21 - 28, 2012

ARIES (March 21 – April 19)
            Mag iingat sa araw na ito dahil may isang tao ang lihim na nagagalit sayo. Wag masyado magtiwala sa mga binibitawang salita ng kakilala dahil ito ang magpapahamak. Maging mahinahon sa mga haharaping problema.

Taurus (April 20 – May 20)
            Isang kaibigan ang hihingi ng tulong sayo ikaw na bahala kung tutulungan mo ba siya o paasahin nalang. Mangangako naman sayo na sa mga susunod na araw siya naman ang tutulong sayo.

Gemini (May 21 – June 21)
            Magiging mapagmasid ka sa mga bagay na alam mo namang makakatulong sayo ng malaki. Pipilitin mong maabot ang gusto mong mangyari sa araw na ito at magiging matagumpay ka sa iyong plano.

Cancer (June 22 – July 22)
            Iwasang manood ng nakakalungkot na palabas sa telebisyon dahil ito ang magiging dahilan ng iyong pagkahomesick sa pamilya. Iwasan din makinig sa mga taong mahihilig sa drama.

Leo (July 23 – August 22)
            Kapag may nagbayad sayo ng utang itabi mo ito at wag gastusin dahil may kailangan kang bigyan ng pera isa sa iyong pamilya. Iwasan ding maging madamot sa pamilya ngayong araw.

Virgo (August 23 – September 22)
            Wag maging pabigla bigla ng desisyon dahil sa bandang huli magsisi ka sa ginawa mo. Maging mapag pasensya sa araw na ito.

Libra (September 23 – October 22)
            Ito ang tamang panahon para simulan ang isang negosyo. Kung meron ka rin lang puhunan para sa iyong negosyo wag mo ng patagalin pa. Lakas ng loob ang magiging puhunan mo.

Scorpio (October 23 – November 21)
            Makakatanggap ka ng respeto sa ibang tao at ito ang magpapalakas sayo ng loob para humarap sa ibang tao. Wag maging mahiyain sa araw na ito dahil magiging maganda ang araw na ito para sayo.

Sagittarius (November 22 – December 21)
            Kailangan mong asiksuhin ang sarili mo dahil ito ang magiging dahilan ng pagbabago ng katauhan mo. Bigyang pansin ang kalusugan at mga nararamdamang sakit.

Capricorn (December 22 – January 19)
            Kahit gaano man ka problema ang araw na ito para sayo wag kang mag alala. Tumawag lang ng kaibigan upang isangguni ang iyong problema at ito ay malulunasan.

Aquarius (January 20 – February 18)
            Ito ang tamang pagkakataon na mag isa upang makapag isip ng mga bagay na makakatulong sayo para maging ganap na tao. Panahon na upang malaman mo ang nasa loob ng iyong puso.

Pieces (February 19 – March 20)
            Unahin ang magdasal sa panginoon dahil ito ang magbibigay sayo ng lakas upang takasan ang mga problema. Wag maging mahina ang loob kailangan asiksuhin ang mga bagay na nagpapahina ng iyong kalooban.