Thursday, September 13, 2012

Ang Komunikasyon Noon at Ngayon



Marami sa atin ang nagtatanong kung bakit nga ba mahalaga ang komunikasyon sa isang OFW na malayo sa kanilang pamilya. Karamihan sa mga nag pupunta sa ibang bansa ay may mga pananagutan sa kani-kanilang mga pamilya at nangangailangan ng isang magandang komunikasyon. Alam nating lahat na kaya umalis ang isang OFW upang magkaroon ng sapat na kinikita at makatulong sa kanyang pamilya. Alam din nating isa itong napalaking sakripisyo dahil maraming oras ang mawawala sa kanya na hindi niya kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. Kailangan niyang tiisin na mawalay ng mahabang panahon para sa ikakabuti ng kanyang pamilya.


Kung atin pong babalikan ang panahong 1980’s kung saan hindi pa nadedevelop ang  celphone at internet. Ang tanging ginagamit na pang komunikasyon ng mga OFW noon ay sulat o tawag sa telepono para lamang iparating ang mensahe sa ating mga mahal sa buhay. Kung hindi ka rin lang kumikita ng malaking halaga ay magtitiis ka na lamang sa mensahe na mula sa sulat na pinapadala mo sa iyong mga mahal sa buhay. Talagang napakahirap ng komunikasyon noong panahong wala pang internet, kailangan mo pang ihulog sa post office at maghintay ng mahigit sa dalawang lingo o higit pa para lamang makarating sa kanila ang sulat na iyong ginawa kalakip na rin dun ang litrato para makita ang nilalaman ng pangyayari sa iyong buhay. Mahirap diba at yun ang pagkakaiba ng komunikasyon noon at ngayon.

Sa bagong nating henerasyon kung saan ay moderno na ang teknolohiya. Gamit lamang ang celphone o internet kahit minu-minuto ay makakausap mo na ang iyong mga mahal sa buhay at makikita sila gamit ang internet webcam. Napakadali ng usapan diba kumpara noong panahon na wala pang gaanong teknolohiya para sa pang komunikasyon.

Ang bawat mensahe na natatanggap natin sa ating mga mahal buhay ay totoong nakakapag paligaya sa katulad nating OFW. Mula sa mga picture na mula sa Facebook, Sulat na mula sa email at chatting na mula sa ilang web provider gaya ng yahoo, gmail, tweeter at ang isa sa pinaka mabisa ay ang tawag na mula sa celphone gaya ng Nokia, Samsung, Motorola, Sony Ericson, Iphone, Cherry Mobile at maraming higanteng kumpanya na gumagawa ng celphone.

Patuloy tayong makipag komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay sapagkat ito lamang ang dahilan kung paano napapanatili ang magandang samahan ng pamilya na malayo sa isa’t isa. Walang ibang hangad ang isang pamilyadong OFW na masira ang kanyang pamilya para lamang sa iba’t ibang dahilan. Kaya patuloy nating gamitin ang bagong teknolohiya sa panahon natin ngayon. Ang bawat problema na nangyayari sa bawat pamilyang OFW ay may kasagutan at may solusyon basta may magandang komunikasyon lamang ang bawat isa.

Mula po sa Gitnang Silangan Qatar ang inyong lingkod BuhayOFW… 

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW