Doha – Qatar, Nagsagawa ng 3days seminar tungkol sa
Basic Electrical Wiring ang ilan sa
mga kaibigan natin dito sa Qatar noong nakaraang bakasyon. Nais nilang ibahagi
ang kanilang nalalaman sa ating mga kababayan na nais matuto sa nasabing
workshop.
Binuo
ang nasabing programa sa tulong ng ilan nating mga kababayan sa pangunguna ni Jaime Pamintuan na isang Senior Electrical
Technician sa isang kumpanya dito sa Qatar. Marami ding tumulong upang mabuo
ang nasabing programa na kinabibilangan nila Engr. Renato Bantayan, Engr. Nelson
Reyes, at Engr. Cresendo Coquilla upang matuloy ang nasabing programa.
Marami
ang nagkaroon ng interest tungkol sa Basic
Electrical Wiring kaya marami din ang nagpatala sa unang araw ng nasabing
programa upang makapag hand on sila at matuto kung paano ginagawa ang isang Electrical Wiring. Mula sa basic
hanggang sa installation ay kanilang itinuro ang tamang paraan upang magamit
nila ito at magkaroon ng munting kaalaman.
Ayon
kay Ginoong Jaime Pamintuan nais
niyang ibahagi ang kaniyang kaalaman upang maituro sa mga nagnanais matuto ng Basic Electrical Wiring sa ganitong
paraan ay nakatulong na siya at nawala pa ang homesickness niya bilang isang
OFW. Ang karunungan ng isang tao ay magiging mabiyaya kung ito ibabahagi sa iba
nating kaibigan o kakilala at hindi ipagdadamot ng sa ganitong paraan ay
nakatulong tayo sa ibang tao na nais matuto ng ibang kaalaman.
Bilang
bahagi ng nasabing programa nais po natin iparating sa kapwa nating OFW na ang ganitong pamamaraan ay isang
nakakabigay inspirasyon sa bawat Pilipinong nakikipag sapalaran sa ibang bayan.
Mula
po sa gitnang silangan ang inyong lingkod BuhayOFW……
galing... sana meron ding basic electrical workshop seminar dito sa Kuwait... :)
ReplyDelete