Saturday, August 18, 2012

Andito lang si Tatay - BuhayOFW


“ANDITO LANG SI TATAY”

Photo credit: lisabdot
Sana maisip mo na andito lang ang TATAY.

Kapag nanghihina ka dahil sa mga mapang asar na kaklase mo wag kang malungkot. Kapag nadapa ka dahil sinabihan kang lampa wag kang mag alala dahil alam ko tatayo ka at ipagmamalaki mo na kayang kayako ito. Isipin mo lang na andito lang si Tatay na palagi kang susuportahan sa mga pangangailangan mo.

Naalala mo po ba na kasama mo pa ako sa eskwelahan dahil parents needed ka. First time kong nakilala ang titser mo kinagalitan ba kita dahil sa nangyari? wag mong isipin na galit ako noong kinakausap ako ng titser mo gusto lang niya na maituwid ka sa mga pagkakamali mo.

Diba maraming beses na rin tayong nag away paulit ulit na lang ang pagsusuway mo sa akin. Wala naman akong ibang bilin kundi unahin mo ang pag aaral mo. Wala kaming ibang hangad sa buhay kundi ang mapabuti ka at kahit hirap na ang katawan ko sa pag tatrabaho pinipilit ko lang lahat ng ito para maibigay ko ang pambili ng notebook at libro mo.

Sana makatapos kana sa pag aaral mo para makakuha ka ng medalya sa iyong eskwelahan at maipagmalaki ko dito. Pasensya ka na ANAK dahil ganito talaga ako, wag mo ako intindihin dahil kayang kaya ko dito. Ang gusto ko wag mong maranasan ang paghihirap na pinag daanan ko kaya lagi mong tatandaan na mahal ka ni Tatay.

Ingatan mo ang sarili mo dahil palagi kitang pinagdarasal kay LORD na bigyan ka ng magandang pangangatawan at malayo sa anumang sakit dahil nag aalala ako dito kapag nabalitaan kong may lagnat ka at hindi pumasok sa eskwelahan mo. Kumain ka ng tama sa oras at wag mong abusuhin ang katawan mo sa puyat para kinabukasan may resistensya ka sa mga gagawin mo.

Iwasan mo ang barkada na alam mong mapapahamak ka lang, wag kang sumama sa kanila dahil alam kong mapapariwa ka lang gaya noong panahon ko na napasama  ako sa mga adik sa kanto. Mabuti nalang at may nagtiwala sa akin kaya narating ko ang Middle East para makapag trabaho.

Tandaan mo palagi na ANDITO lang si Tatay sa tabi mo….

Nagmamahal,
TATAY

Inspired to the image sculpture from the website: lisabdot.homestead.com

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW