Inggit sa kapwa
Sa totoo lang marami sa mga OFW ang may sakit na ganito. Kahit alam naman nilang hindi ito makakabuti sa kapwa nila OFW. May mga taong hindi kuntento sa pag angat ng iba bagkus ginagawan pa ng kakaibang kwento.
Marami na akong narinig na kwento tungkol sa mga OFW pero ito ang isa sa pinakamarami. Karamihan sa kanila para lang makuha ang magandang pwesto ay gagawan nila ng hindi magandang kwento ang kasamahan nila. Ang nakakalungkot dito, ito ang nagiging dahilan kaya umaalis at nag reresign na lang ang kasamahan nila.
Paano ba natin maiiwasan ang mainggit sa kapwa natin OFW? may mga paraan naman para hindi ka maiingit sa tinatamasa ng kapwa mo OFW. Narito po ang ilang sa mga paraan upang maiwasan ang pagka-inggit sa kapwa.
1. Palagi umattend sa mga Worship Services ng iyong relihiyon.
2. Maging pasensyoso sa lahat ng bagay, iwasan maging mapagmataas
3. Maging matalino upang umangat ang posisyon na hindi umaasa sa ibang tao.
4. Maging pala kaibigan at totoo sa kapwa. Iwasan maging plastik ang pag uugali.
5. Makuntento kung ano man ang nakukuha at hindi mapang hangad.
Alam kong kulang pa ang mga ito pero kung may nais kang idagdag ay mangyaring mag komento ka sa post trending na ito. Karamihan sa atin ay may sakit na ganito at hindi natin maiwas - iwasan subalit kung alam naman nating makakasama sa kapwa natin ay mas maigi pang iwasan nating mainggit sa ating kapwa.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW