TNCs / TNVS - LTFRB ISSUE
Bakit nga ba ako pumabor sa GRAB at UBER, unang una base sa nakausap kong mga kaibigan at kakilala. Kapag sumasakay daw sila ng UBER or GRAB mas kampantante daw sila dahil nakamonitor ang mga sinasakyan nila. Bago ka kasi makapag booking ay makikita mo sa application kung sino ang taong susundo sayo at magkano ang babayaran.
Sa kabila ng magandang serbisyo ng Grab at Uber ay pinahinto ng LTFRB ang operasyon dahil daw sa kakulangan ng mga dokumento ng kanilang prangkisa. Pinagmulta ng tig 5 milyong piso ang dalawa.
Kamakailan lang ay sinabi ng LTFRB na nawawala ang aplikasyon ng dalawang kompanya. Inamin nang pamunuan ng LTFRB na hindi nila makita ang aplikasyon.
Sa tulong ng mga senador JV Ejercito at senadora Grace Poe maging ng ilang kongresista kaya nagkaroon ng pag uusap at nagkasundo sila na aayusin ang sistemang ito. Nais din ng karamihan na magpatuloy ang mga nasabing serbisyo na ang unang nakikinabang ay ang mga mamamayang pilipino kabilang na kaming mga OFW.
Maraming mga nakapending na aplikasyon na ang dahilan ay ang LTFRB kaya humihingi ng tulong ang mga driver at operator na madaliin ang kanilang mga aplikasyon upang magkaroon na ng kaukulang dokumento at wala na silang alalahanin pa sa pag biyahe nang kanilang sasakyan.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW