Monday, July 4, 2016

Ang pera madaling kitain pero ang Pamilya mahirap Balewalain


''Ang pera madaling kitain
pero ang Pamilya mahirap Balewalain''

Ayon sa statistika ng BuhayOFW karamihan sa ating mga OFW family ay magkahiwalay ang bawat isa. Kung ang tatay ay nasa ibang bansa, ang kanilang nanay naman ang nasa Pilipinas. Kung ang nanay naman ang nasa ibang bansa tatay naman ang nasa Pilipinas.

Ayon sa pag aaral karamihan sa mga pamilyang OFW ay magkahiwalay. Mas marami ang padre de pamilya na halos 75% ang nasa ibang bansa at 25% naman ang mga babae. Karamihan dito ay mga OFW sa Middle East.

Alam natin ang buhay natin sa abroad, minsan madali at minsan din mahirap ang ating kalagayan. Yung tipo bang kahit anong ipon muna ay wala ka pa din pera. Halos ilang taon ka na rin sa abroad at ilang ulit ka din pabalik balik dito. Ang tanong ng lahat masaya ba tayo sa pagiging OFW? sa tingin ko ang sagot natin ay malaking HINDE.

Maski ako sa aking sarili ay hindi masaya sa sitwasyon na kinakalagyan ko ngayon. Pero bakit ba tayo nag titiis, diba parehas lang naman tayo ng sagot '' Dahil yan sa ating Pamilya'' tama ba ako?

Madali ang kumita ng pera pero mahirap balewalain ang pamilya. May ilan lang akong kakilala na kapwa nating OFW na nakakalimutan sa ganitong sitwasyon. Marami akong nababalitaan na nasisira ang kanilang relasyon sa pamilya dahil lamang mga ''secret love affair'' sa abroad. 

Sabi nga nila kapag nasa abroad tayo libre at magagawa na natin ang lahat. Pero bago natin gawin ang bagay na ikakasira ng ating pamilya ay isipin po natin ng mabuti kung magkakaroon ba ito ng magandang ending.

Tandaan natin na mas mahalaga ang pamilya kaysa sa pera na kinikita natin dito sa abroad.....


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW