Monday, July 4, 2016

11 Pulis nag positibo sa Droga

11 pulis mula sa 2,400 ang nag positibo sa droga ayon sa bagong hepe ng PNP na si PDG Dela Rosa noong nagsagawa sila nation wide drug testing sa hanay ng mga police.

Galit na galit niyang sinabi na "Nakakahiya, nakakagalit at nakakasuklam'' ayon pa sa kanya "kayo ang tagapagpatupad sa batas tapos kayo pa mismo ang nagviolate, kayo mismo ang adik" ayon pa sa kanya.

Wala naman nakitang positibo sa isinagawang surprise testing sa mga matataas na opisyal ng PNP noong nakaraang linggo na ikinagulat ng mga high ranking officer ng PNP.

Nais niyang maging tahimik at maayos ang ating bansa kaya naman nimamadali niya ang hanay ng pulisya na masugpo agad ang droga at krimen sa buong bansa. Hinikayat niyang muli ang mga drug pusher, drug addict at kasama ng mga ito na sumuko na at ilahad sa pulisya ang nalalaman ng mga ito.

Nag babala din si PNP chief Dela Rosa na ipapadeploy niya sa Basilan at Sulu ang sinumang pulisya na maiinvolve sa drugs para labanan ang bandidong Abu Sayyaf Group.