Sunday, July 3, 2016

PNP Chief Dela Rosa, agad na binalasa ang mga mahahalagang posisyon sa Pulisya


Source: PTV

Binalasa ni bagong PNP Chief Ronaldo Dela Rosa ana hanay ng PNP para tuwirang masugpo ang droga at krimen sa bansa. Binigyan niya ang mga bagong talagang PNP commanders ng tatlong buwan.

Hiling niya na gampanan ng mga bagong hepe ang kanilang tungkulin upang matupad nila ang pangakong katahimikan sa buong bansa. Hinikayat din niya ang mga drug dealers na sumuko na at ituro ang mga pinaka utak ng sindikato upang malutas agad ang drugs syndicate sa bansa.

Umaasa naman siya na tutugunan ng mga kawani ng kapulisan ang hamon ni Presidente Duterte na sugpuin ang kriminalidad sa bansa. Ang kanilang hanay ay handang tumulong at protektahan ang mga mamamayan laban sa mga masasama.