Tuesday, June 28, 2016

Tsimis at Paninira - OFW Story


Marami ang makakarelate sa ganitong sitwasyon.

Karamihan sa ating mga Pilipino ay may ugaling manira ng kapwa ng dahil lang sa inggit. Marami din sa atin ang tsimosa at tsimoso yung bang tipong mahilig makipag daldalan sa mga walang kabuluhang bagay.

May mga taong hindi makuntento sa kanilang mga sarili bagkus ay gagawan kapa nila ng istorya na ikakasira mo sa iba. Marami na akong nakalamuhang tao na hindi kuntento kung ano lang ang ipinagkaloob sa kanila.

Nakakalungkot man isipin pero iyan ang totoo na dapat nating baguhin lalo na kung tayo ay nasa ibang bansa. Wag natin pairalin ang inggit at sama ng loob sa kapwa natin bagkus tulungan natin sila na magawa nila ng tama ang kanilang mga trabaho para sila ay umunlad.

May kasabihan nga tayo na '' Ang taong mapagkumbaba ay pinag papala ng Diyos at ang taong masama ay sa dagat dagatang apoy mapupunta'' - Ang BuhayOFW