Friday, August 24, 2018

OFW Success


Malimit sabihin sa akin ng aking Ama na kailangan natin maging masipag at matiyaga sa alin mang trabaho na binigay sa atin. Kailangan nating magkaroon ng dedikasyon sa lahat upang makamit natin ang tagumpay.

Dito ko naisip na tama pala si Tatay, dahil kung hindi ako naging masipag at nagtiyaga sa aking trabaho ay walang patutunguhan ang aking mga ginagawa. Sa ngayon ay tumagal ako sa gitnang silangan nang mahigit sa walong taon. Habang tumatagal ay dito ko nakikita kung bakit kailangan nating magtrabaho ng maayos upang hindi tayo mawalan ng trabaho.

Marami na akong nakasamang OFW na malimit na nagrereklamo sa kanilang mga trabaho at sweldo. Dumaan din ako sa ganyang sitwasyon at hindi ako nagpatalo. Bagkus ay mas lalo ko pang ginawa ang aking trabaho at iyon ang naging susi kung bakit ako nagkaroon ng magandang sweldo.

Ang tagumpay ay nagsisimula pa lang kaya dapat araw araw nating gawin ang mga dapat nating gawin upang hindi tayo mahuli sa pagsikat ng araw. Sabi nga ni Tatay ''Ikaw ang gagawa ng iyong pangarap''....period

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW