Monday, November 21, 2011

Broken Family - OFW

Broken Family - Isa kaba sa mga nakakaranas ng ganito?
Noong isang araw may nakausap akong isang kaibigan tawagin na lang natin siyang Maria (nickname) na nakakaranas ng ganitong sitwasyon sa abroad. Sa hindi inaasang pagkakataon napunta ang usapan namin sa maselang bahagi tungkol sa kanyang buhay. Hindi ko lubos maisip na mapag kukwentuhan namin ang istorya ng kanyang buhay. Bago ko lang siyang kakilala at isa siya sa mga kliyente ko dito sa Qatar. 

Sitwasyon: (pinaikli ko na lang ang kwento para madali tayong maka relate)

BuhayOFW: Kamusta friday na bukas saan naman ang gala mo?
Maria: Hay naku wala akong panahon sa ganyan at 
paano naman ako makakagala sa dami ng problema ko sa buhay.
BuhayOFW: Ano kaba enjoy your life nohhh kung puro ka trabaho hindi mo mapapasaya ang life mo sa abroad.
Maria: Matagal ng hindi masaya ang buhay ko, simula pagkabata ko hanggang sa nagka asawa ako......
BuhayOFW: ay sori pasensya kana at masyado akong matanong hehehehehe
Maria: okey lang gusto ko lang ilabas din ang sama ng loob ko.....
BuhayOFW: Ganun ba tara kain tayo sa KFC tutal mag uuwian na rin naman kung okey lang sayo para naman mawala ang sama ng loob mo......
Maria: Naku wag na baka kung ano pa ang isipin ng iba sa atin.......
BuhayOFW: bakit naman treat lang kita kasi client kita nohhhh.
Maria: Wag na nohhhhh dahil sa ganyan nasira ang buhay ko.

Si BuhayOFW
Nagtataka!!! Nag iisip?? tila may pumasok sa isip ko na hindi magandang pangyayari sa buhay niya...

BuhayOFW: O sige hindi na kita pipilitin at alam ko naman na talagang ayaw mo umalis dahil may problema ka....
Maria: Salamat ahhhhhh......
BuhayOFW: Okey po ma'am no problem..... Mapi Muskila hehehehehe

Sabado November 12, 2011

Tumunog ang celphone ko! Nokia Tone........
BuhayOFW: Hello
Celphone: Hi sir! si Maria po ito from ____.
BuhayOFW: Hello kamusta po!
Maria: Sir punta ka opis may ipapagawa akong trabaho....
BuhayOFW: Okey po Ma'am punta po ako diyan pagtapos po ng meeting ko sa isang client.... mga 4:00pm.
Maria: O sige hintayin kita..
BuhayOFW: Okey po Ma'am

Sa opisina ni Ms. Maria

BuhayOFW: Good afternoon po!
Maria: Pasok! dun tayo sa cubicle ko ipapakita ko sayo yung artwork ng ipapagawa ko....
BuhayOFW: Okie po

Habang nasa cubicle palinga linga ang mata ko sa lamesa niya parang may hinahanap ako.... nakita ko ang litrato ng kanyang mga anak dalawa ang anak niya pero parang kulang wala ang litrato ng kanyang asawa. Minasdan ko ulit ang litrato ng kanyang mga anak tingin ko mga 10 at 15 ang edad malalaki na at highskul na siguro. Habang nag iintay ako sa pagdating niya sa cubicle napansin ko ang isang frame nang kanyang pamilya. Nagtaka ulit ako dahil parang kulang ulit ang nasa larawan hindi ko makita ang larawan ng kanyang Ama. Anu ba yan para akong sira na nakiki alam sa buhay ni Ms. Maria, parang apektado ako sa buhay niya. pagkalipas ng 10minuto dumating si Ms. Maria...

Maria: Sorry naghintay ka tuloy kasi yung manager ko kinausap pa ako.
BuhayOFW: Okey lang po...

Habang pinapakita niya sa akin ang artwork na ipapagawa niya sa LCD screen nasa avatar pala niya ang kuhang larawan ng kanyang Mister. Kasama ang kanyang mga anak.....

BuhayOFW: Ma'am Mister mo yan at mga anak mo?
Maria: Oo yan ang asawa ko bwisit yan......

Natigilan ako sa sinabi niya, Parang namulta ako sa bigla ng pagkakasabi niya. Parang nagkamali ata ako sa pagtatanong. Hays paki alamero ka kasi BuhayOFW ayan ang napala mo.

BuhayOFW: Ma'am bakit naman po?
Maria: Ang katulad niyang lalaki ay hindi tunay na lalaki at hindi siya dapat mabuhay sa mundo. Tinatapon dapat sa impyerno.
BuhayOFW: Mukang napakalaki ng kasalanan sayo ng mister mo ahhh
Maria: Hindi lang malaki wala siyang kwentang tao.

Nagkwento na si Ma'am Maria

Ang papa niya dating nasa abroad at mahigit sa 20taon sa middle east, Nalaman nila na may ibang pamilya ang kanyang Ama kaya nakipag hiwalay ang kanyang ina at binuhay mag isa ang kanilang pamilya. Napakasakit sa tulad niyang anak na nabuhay na halos walang Ama na nag aaruga at tumutulong sa kanila. Maraming pagsubok at krisis ang dumating sa kanila pero wala pa rin tulong pinansyal na nakuha ang kanyang ina. 

Maaga siyang nakapag asawa dahil sa Broken Family sila maaga siyang nagka-anak sa hindi inaasahang pagkakataon. Iniwan ng kasintahan sa unang pag-ibig na naranasan. Ganito ba talaga kapag broken family? Pumasok tuloy sa isip ko na kaya pala marami sa atin ang parang damit lang kung magpalit ng kapareha. Dagdag pa ni Ma'am Maria nagka asawa siyang muli at nagkaroon ng isa pang anak subalit talagang mapaglaro ang tadhana iniwan siya muli ng kanyang asawa dahil nagkaroon na naman ng  ibang babae. Ganun ba talaga ang buhay at kay dali nating palitan at iwanan ang ating minamahal.

Nakakalungkot ang pangyayari na nailahad sa akin ni Ma'am Maria at hindi ko na kailangan pang isa-isahin ang nangyari sa kanyang buhay. Isa lang ang punto ko kung bakit ko naisulat ang kwentong ito.... Ang isa sa mga dahilan kung bakit napapariwara ang isang pamilya ay dahil na rin sa Broken Family status. Maiiwasan naman yan kung hindi natin gagawin pero talagang mapusok na ang bawat nilalang ngayon. Karamihan tayo mismo ang nagiging dahilan ng mga pagkawasak ng ating pamilya.

Sa mga Ama at Ina ng Tahanan paki basa lang po ninyo ang hinalukay kong munting kaalaman tungkol sa ating sinumpaan...

click po ninyo ang LINK sa Baba
Ang Pag -aasawa - Ama ng Tahanan




5 comments:

  1. hindi naman lahat ng broken family ay napapariwara .minsan excuse na lang din yan.kesyo kaya sila nagkaganon ay dahil sa naging buhay nila.Nakakaawa nga pero minsan kasalanan din ng iba .Sana matagpuan na ni Maria ang tamang lalaki na magpapaligaya sa kanya.

    ReplyDelete
  2. Well, madali magsalita, but lucky yong mga nasa bansang mahihigpit ang batas at medyo nakokontrol ang mga ganitong bagay, although ayon sa mga nappkinggan ko ay marami pa rin ang nakakalusot...
    Talagang problema yan sa mga nangingibang bansa, at sana matigil na ang ganitong situwasyon na kailangan natin umalis para lang matupad ang mga gusto nating makamit sa buhay, kapalit ng relasyon natin sa ating mga pamilya.

    And, the truth is hindi lang naman sa mga nag-aabroad nangyayari ang problema, ibig sabihin ito ay talamak na talaga...sa anong dahilan? Dahil sa mga masasamang ehemplo sa ating lipunan, gaya ng mga artista na halos mas masahol pa sa mga "Puta"(sorry for the word), at humihinang paggabay ng mga lider ng ating simbahan dahil sila na rin mismo ay mga gumagawa ng mga bagay na itinuturo nilang hindi daw dapat gawin...

    ReplyDelete
  3. nakakalungkot man isipin, pero nangyayari talaga ang mga ganyan. Isa na nga siguro sa mga dahilan ang pagiging broken family kaya nasusundan pa ito, pero sana wag mawala sa isip natin na nasa pag-gabay natin sa mga anak natin ang mangyayari sa kanilang kinabukasan. kahit pa broken family kung pinalake mo naman ng maayos ang anak mo, malamang hindi na mangyari sa kanya ang nangyari sayo...

    napadaan lang po :)

    ReplyDelete
  4. I belong to a broken family too pero di ko hinangad na maging ganoon din ang family na binuo kaya I'll do everything para mapanatiling buo ang pamilya ko.

    ReplyDelete
  5. Ang BuhayOFW po ay tumatalakay sa mga ganitong usapin pang abroad para po makapagbigay ng payo at saway sa mga nakakalimot lalo na po ang mga may pananagutan sa kanilang mga sarili....Maraming salamat po sa lahat ng mga nakabasa at hangad ko po na nakapagbigay sa inyo ng kahit na konting payo at saway para po maging maayos ang BuhayOFW natin sa abroad...

    God Bless all OFW around the world

    ReplyDelete

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW