Doha, Qatar - Ang karunungan o kaalaman sa isang bagay ay wag nating ipagdamot upang maging huwaran tayo ng ibang tao na walang ibang nais kundi ang makapag lingkod sa kanilang kapwa. Ganito ang nasa isip ko habang binubuo ko ang isang tutorials para sa "Adobe Photoshop" para sa aking mga kaibigan.
Bagaman hindi ako ganun kagaling sa pagtuturo at pag-gamit ng naturang software ay nagpapasalamat ako sa dakilang lumika na binigyan niya ako talino para maituro sa kanila ng maayos at kahit paano ay maibahagi ko ang aking kaalaman para makatulong sa kanila sa darating na panahon.
Nakakatuwang isipin dahil sa loob ng mahigit sa apat na linggo naming pag aaral nakita ko sa kanila ang interest para matuto at mag-aral ng software na "Adobe Photoshop". Ang kanilang interest ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para matuloy ang iniisip kong plano para sa kanila.
Sa bawat panahon na kami ay nag aaral hindi ko lubos maisip kung paano ko nagagawa ang ganung bagay dahil wala naman akong background sa pagtuturo at humarap sa kanila bilang isang professor. Sabi nga ng isa sa mga estudyante na aking tinuturuan "Sir buti na lang nagturo ka ng ganito dahil malaking bagay ito para kami ay matuto ng ganitong kaalaman". Isang nakakatuwang linya na aking sineryoso para gumawa ng plano kung paano ko sila matuturuan ng maayos at maibahagi sa kanila.
Sa mahigit na 20 estudyante na aking tinuruan marahil makakagawa na sila ng ilan sa mga "Artworks" na gusto nila magawa dahil naituro ko na sa kanila kung paano gamitin ang bawat tools ng photoshop.
Hangad ko na sa mga darating na panahon ay magawa nila ang aking mga itinuro at maibahagi rin nila sa kanilang mga mahal sa buhay, maging sa kanilang mga kaibigan para magamit sa bawat araw na lumilipas.
Sa lahat ng aking mga estudyante tungkol sa "Adobe Photoshop Tutorials" maraming salamat po sa inyong pagtitiwala. Kahit papaano meron po kayo natutunan kahit na konti at palawakin na lang po ninyo ang inyong mga likha para magamit po ninyo sa ikakabuti ng lahat.
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW