Friday, November 11, 2011

New7Wonder of Nature - Puerto Princesa Underground River

Isang magandang balita para po sa ating bansang Pilipinas. Ang ating Puerto Princesa Underground River ay isa  sa napiling New Seven Wonder of Nature. Kahit ito po ay provisional winner pa lang isa na ito sa tagumpay ng ating PPUR dahil alam natin na ang PPUR ay isa sa maiituturing na ingat yaman ng ating bansa.


Tagumpay ng Puerto Princesa Underground River tagumpay ng bansang Pilipinas.


Lahat po ay nagtulong tulong para sa isang adhikain at layunin na patunayan na ang bansang Pilipinas ay isa sa mga lugar na may magandang tanawin. Kami sa hanay na mga OFW sa bansang Qatar ay nagkaisa upang kahit paano ay makatulong sa paraan na makaboto ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mangungulit sa kanila.

Maraming salamat po sa mga bumubuo ng PPUR Organising Commitee ng bansang Qatar mula sa aming embahada ng Pilipinas Ginoong Cresente Relacion at ng grupong BalitangQ. Sa lahat ng taong nakasama upang maging matagumpay ang pagboto maging ang social media group at iba't ibang organisayon sa bansang Qatar panalo po ang ginawa nang bawat isa sa atin.




Salamat sa inyong suporta.....

Mula po sa BuhayOFW nag uulat - BalitangQ member