Doha, Qatar - Sa wakas sweldo na namin kailangan ko na magpadala ng pera sa Pilipinas, Mapuputulan na sila ng kuryente, wala na sila pambili ng pagkain at wala na rin gatas si bunso. Ganito palagi ang nasa isip ng mga OFW pagkatapos makuha ang kanilang pinagpagurang sweldo sa loob ng isang buwan.
Pagdating sa padalahan syempre ang unang una na aalamin ehhhhh kung magkano ba ang palitan ngayon? Pumunta ako sa Gulf Exchange 11.80/1QRs. lipat naman sa City Exchange 11.72/1QRs ang baba naman ng palitan. Isa na lang ang pinupuntahan ko pa dito na remittance ang Islamic Exchange tignan ko nga magkano ang palitan 11.74/1QRs. Ganito palagi ang ginagawa ng mga OFW kapag nahahawakan na ang kanilang mga sweldo. Pinupuntahan ang pinaka malaking palitan para medyo malaki ang mapadala.
Sa loob ng padalahan makikita natin ang iba't ibang lahi na nakapila sa kanila kanilang remmitance center. Iba't ibang klase ng amoy ang naglipana masakit sa ilong at pawisan ang iba. Karamihan sa kanila ay magpapadala sa kanilang mga mahal sa buhay. Pumunta ako sa pila ng mga Pilipino dahil sa Pilipinas (PinoyAKO) ako nagpapadala ng pera. Habang naghihintay ako sa napakahabang pila karamihan sa amin ay umabot na sa mahigit na isang oras ang hinintay. May mga napansin akong tao na pilit sumisingit sa pila para sila ang mauna. Karamihan sa amin ay naghintay ng mahabang oras para makarating sa unahan ng pila ngunit ano itong nakikita natin na merong ilang mga kababayan ang hindi marunong rumespeto sa kapwa na bigla na lang sisingit para makarating agad sa unahan ng pila. Ang gawain ito ay hindi maganda at hindi dapat pamarisan ng bawat pilipino na OFW. Minsan dito nagsisimula ang away at gulo na ang dahilan ay pagpila lamang.
Aktual na pangyayari:
Pinoy 1: Hoy wag kang sumingit diyan astig kaba!
Pinoy 2: Doon ka sa likod at huwag kang sumingit Pilipino kaba!
Pinoy 3: Parang wala kang pinag aralan ahhhh! nakuha mo pang sumingit!
Pinoy 4: Kanina pa kami dito tapos uunahan mo lang kami sa pila. Bumalik ka nga sa pinang galingan mo!
Pinoy 5: Umalis ka nga diyan at baka sapakin kita diyan.
Pinoy na sumingit sa Pila: Nakayukong umalis sa pila at nahihiya na ipakita ang mukha. Habang siya ay umalis sa pila narinig ko na nag-salita siya ng Sorry kabayan aalis na lang ako........
Pinoy 7: Ayan ganyan nga ng hindi ka makatikim ng hindi magandang salita. Umalis ka na nga
Pinoy 8: Doon ka likod pumila.
Pinoy 9: Wag kang sumingit kanina pa kami dito doon ka sa likod
Habang papaalis ay minasdan ko ang mukha niya at parang naiiyak sa kanyang ginawa. Nag isip tuloy ako na baka may mabigat na problema si kabayan at kaya siya nagmamadali na pumunta sa harapan ng pila. Nakakaawa ngunit mali pa rin ang kanyang ginawa dahil sa hindi man lang siya nag sabi sa mga nakapila kung pede ba siya sumingit dahil may problema siyang hinaharap.
Ang ganitong sitwasyon sa padalahan ay dapat nating ibahagi sa bawat Pilipino na OFW. Araw-araw nakikita natin na napakahaba ng pila sa mga padalahan ngunit nag titiis ang lahat sa atin na pumila dahil kailangan nating magpadala ng pera sa ating mga mahal sa buhay. Kung may mga pagkakataon po na Emergency Cases at kailangan po na maipadala agad ang pera. Mangyari po sana na magsabi lang po kayo sa mga nauna sa inyo sa pila para alam po nila at hindi kayo mapahiya sa kapwa ninyo Pilipino. Hindi nakakahiya ang maki usap at magsalita sa lahat dahil parehas lang tayo mga pinoy pero kung bigla ka na lang sisingit at hindi magsasabi malamang gulo at away ang iyong mapapala. Huwag po natin hayaan na ito ang pagmumulan ng away ang mga bagay na ito ay dapat nating iwasan.
Salamat sa mga pilipino na nakasama ko kanina sa padalahan dahil sa inyo ay nakakuha ako ng isang sitwasyon na maaaring kapulutan ng aral ng bawat Pilipinong OFW.
Mula po sa BuhayOFW
natawa naman ako bigla dun sa mga aktual na pangyayari .bigla ko tuloy naalala nung nasa Qatar pa ko at nagpapadala sa Habib.haba ng pila pag araw ng sweldo at halu halo amoy ,mainit na ulo mo tapos may sisingit pa.sarap ngang kutusan
ReplyDeleteOo nga talagang naglipana ang iba't ibang klase ng amoy lalo na sa Industrial area na lugar hehehehehe...
ReplyDeleteAgree po ako sa inyo. HIndi nga po tamang sumingit sa pila, pero sana nagsabi na lang siya, mabait naman tayo sa kapwa Pilipino di ba po?
ReplyDeleteTlagang mabait ang pinoy kay sana sa mga gustong sumingit magsabi na lang at ng hindi makaranig at makatanggap ng pahiya sa kapwa Pilipino......Tnks po sa comment
ReplyDelete