Sunday, September 27, 2015

OFW nawalan ng pera sa NAIA


Kaawa awa ang sinapit ng isang OFW na nawalan ng pera dahil nakalimutan niya saglit ang kanyang dalang bag na naglalaman ng kanyang salapi at mahahalagang dokumento.

Masakit sa kanyang kalooban dahil ito ay pinagpaguran ng mahabang panahon sa ibang bansa. Matagal niyang inipon iyon para sa kanyang pamilya. Ang mga tauhan ng NAIA ay may obligasyon sa mga OFW na protektahan ang mga gamit dahil iyon po ay kanilang trabaho.

Kung tayo po ay uuwi upang magbakasyon ay ito po ang maaari natin gawin upang maka iwas tayo sa pagkawala ng ating salapi.
  1. Kung po ay may malaking halaga na pera ay maaari na po ninyong ideposito sa inyong OFW bank gaya ng BPI, BDO, AUB at iba pang OFW bank.
  2. Maaari na rin po ninyong ipadala sa mga remittance center gaya ng M Lhuiler, Cebuana, Money transfer, Western Union, LBC at iba pang remmitance center upang wala na kayong dalang malaking pera habang nasa bihaye kayo pauwi ng Pilipinas.
  3. Kung magdadala po kayo ng pera siguraduhun po ninyong hawak po ninyo ito at hindi po ninyo ilalagay sa mga gamit at ihahalo ito sa bag.
  4. Umiwas sa mga hindi kilalang tao na sa una ay mabait sa inyo yun pala ay miyembro ng mga magnanakaw gaya ng salisi gang, budol budol gang at iba pang mga sindikato sa pagnanakaw.

Isipin po natin na ang perang ating inuuwi ay isa sa mga rason bakit tayo nag ibang bansa. Wag po natin hayaan itong mawala lalo na ito po ay ating kailangan.

Maingat po tayong palagi sa ating paglalakbay.

- Ang buhayOFW

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW