Wednesday, July 18, 2012

Business Visa - OFFLOAD Issue sa NAIA

Naranasan mo na bang ma OFFLOAD sa Immigration? Kung naranasan mo na basahin mo ito ng maigi.

Bakit ba na offload gamit ang Business Visa?

Business Visa: Karamihan sa ating mga kababayan ay nagbabakasakali na makaalis ng bansa gamit ang Business Visa

  • Gamit ang mga dokumentong galing sa company na nag offer ng seminar, conference, training, workshop at iba pa na related sa imbitasyon.
  • Kung binigyan ka ng Business Visa siguraduhing kumpleto ang iyong dokumento galing sa kumpanya na nag iimbita sayo, gaya ng Invitation letter, sponsor letter, two way ticket, at kung anu ano pa.
  • Karamihan sa mga Immigration Officer ay pilit kang paaaminin kung lehitimo ba ang iyong mga dokumento, minsan halos pigain ka sa katatanong kung ano ba talaga ang pakay mo bakit ka aalis ng bansa.
  • Karamihan sa mga kababayan nating na ooffload ay nakagastos na nang malaking halaga at nakapag benta na ng kanilang ari arian para lamang maka alis ng bansa.
  • May ilan tayong mga kababayan ay galing pa sa malalayong lugar at tinahak pa ang Manila upang subukan ang offer na Business Visa.
Ano ba ang tamang dokumento upang maka-alis ng bansa gamit ang Business Visa? Marami na akong nakilalang kababayan natin ang sumubok sa ganitong paraan at ilan sa kanila ay nakarating na sa iba't ibang bansa at marami din akong nakilalang OFFLOAD dahil sa kulang ang dokumento.

Wala naman inaanunsiyo ang ating gobyerno para sa usaping ito. Sana man lang ay magkaroon ng isang pormal na dokumento upang maisaayos ang usaping Business Visa issue.

Kung meron po kayong nalalaman tungkol sa ganitong sistema mangyari po lamang na magbigay ng reaksyon para na rin sa ating mga kababayan upang hindi na gumastos pa ng malaking halaga at magkaroon sila ng idea kung ano ba ang meron sa BUSINESS VISA.
Email: angbuhayofw@gmail.com

Watch this: 


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW