Tuesday, July 10, 2012

Tribute to Dolphy Rest in Peace IDOL

Manila Philippines - Isang nakakalungkot na balita ang ating natunghayan sa araw na ito July 10, 2012 sa Makati Medical Center sa edad na 83 taong gulang nagpaalam ang ating Comedy King. Ang pamamaalam ng ating King of Comedy ay pagluluksa ng ating buong kapuluan. Alam naman nating lahat na hindi matatakasan ng kahit sino man ang ganitong pangyayari. Lahat tayo ay darating sa puntong magpapaalam at magpapahinga dala ng ating iba't ibang karamdaman. 

Ang kanyang ala-ala ay hinding hindi mawawala sa ating lahat. Ganyan natin inilalarawan ang ating COMEDY KING DOLPHY. Pumanaw man siya ngunit ang kanyang mga pagpapatawa, pagpapaiyak at maging ang pagpapayo sa ating lahat ay nakatatak na sa ating isipan.

Hindi man natin nakita ng personal ang ating idolo alam nating  lahat na nasa mabuti na siyang kalagayan at makakapag pahinga na siya ng maayos  kapiling ang ating dakilang lumikha.

Paalam po sayo ginoong Rodolfo Vera Quizon Sr. mula po sa lahat ng OFW sa buong mundo ay sumasaludo po sa inyo. Isa po kayo sa maituturing namin malaking kasangkapan para kami ay malibang sa panonood po namin sa inyo sa pamamagitan ng telebisyon upang mapawi ang aming mga kalungkutan dahil sa pagiging malayo sa aming pamilya.
Maraming salamat po Sir.......

Dolphy with Panchito


Dolphy with Vic Sotto