Doha,
Qatar - Ang kasiyahang naganap noong nakaraang biyernes July 15, 2011
ay nasaksihan ng inyong lingkod sa Sheraton Doha. Kasama ang ilang mga kaibigan
nakigulo at nakisaya ang BuhayOFW kasama ang mahigit sa 10,000
katao na sabik na sabik na masilayan ang mga artistang sina Vice Ganda,
Ruffa Mae Quinto at Jon Avila.
Nagpapasalamat
ang napakaraming pinoy na dumalo sa Golden Relations ni CEO
Bilal Taha sapagkat walang sawa siyang nagpapadala ng mga sikat na
artisita mula pa sa Pilpinas upang pansamantalang alisin ang lungkot
bilang BuhayOFW dito sa gitnang silangan Qatar.
Ayon nga sa isang nakausap ko na Pilipina na si Pilar Grace Cruz ng Beat
and bytes dancer ang ganitong mga pagtatanghal ay nakakapag alis ng homesick at
lungkot sa mga tulad namin OFW. Minsan lang naman at sulit ang aming napanood
ika nga niya. Karamihan sa kanila ay hindi mapigilan ang pag halakhak at
tawa dahil sa mga kakaibang pagpapatawa at pagpapakilig sa mga taong dumalo sa
nasabing palabas.
Sana sa
susunod na proyekto ng Golden Relations makasama ulit ang
inyong lingkod sa mga ganitong aktibidad na ikinasisiya ng mga BuhayOFW.
Kung inyo po sanang mamarapatin ay magkaroon po sana isang bayanihang bahaging
halaga na tulong para sa mga kababayan naming may mga problema at kailangan ng
konting donasyon. Ang ganitong mga paraan ay siguradong lalopa pong susuportahan
at tatangkilin ng maraming Pilipino na sumusuporta sa inyo dito sa Qatar.
Umaasa po ang inyong lingkod BuhayOFW na hindi po ninyo
ipagkakait ang pagtulong sa kapwa lalo na sa mga Pilipinong BuhayOFW na nasa mabigat na problema.
CCA Group |
Maraming
salamat po kay Mell Inosanto sa mga kuha larawan
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW