Mula ng ako ay umalis ng bansa at sandaling iwan ang aking mga mahal sa buhay tila yata nabawasan ako ng isa sa mga tunay kong kaibigan at kasangga. Sa unang pagsabak ko pa lamang sa bansang aking pinuntahan tila yata mailap at nangangapa ako kung sino at paano ako makakahanap ng mga tunay na kaibigan.
Sa unang araw at buwan na lumipas simula ng dumating ako sa bansang aking pinuntahan ay naging masaya ako kahit puno ng lungkot at homesick ang aking nararanasan dahil sa marami agad akong naging kaibigan. Hindi ko makakalimutan sa lahat kahit na iba ang aking kompanyang pinapasukan ay tinanggap pa rin ako ng mga kasamahan kong pilipino sa kanilang akomodasyon. Tinulungan nila ako kung paano mamuhay ang isang baguhang OFW. Sa kanilang pagtulong tila yata nakalimutan ko ang minsang dumating na pagsubok sa akin bilang OFW.
Sa paglipas ng mga panahon at taon na namalagi ako sa labas ng bansa marami akong natutunan patungkol kung paano ba makipagkaibigan sa kapwa. Alam kong hindi ako perpektong tao sa larangan ng pakikipag kaibigan, Nakakagawa rin ng mga mali kung minsan pero buo pa rin ang suporta ko sa bawat kaibigan na aking sinasamahan. Mahirap mamuhay sa ibang bayan kapag wala kang mga kaibigan dahil sila lang ang magiging dahilan para hindi ka malungkot at ma homesick sa panahon na nakikipag laban ka sa magulong mundo ng BuhayOFW.
Sa bawat panahon na lumipas at habang ako'y nakikipagbuno sa magulong mundo ng BuhayOFW may mga bagay akong nais malaman tungkol sa pakikipag kaibigan, Iba't ibang klase ugali na nakahilera sa atin kung paano ba ang makipagkaibigan.
Mga klase ng pakikipagkaibigan
Mga pangit na kaibigan
- Plastik na kaibigan - ito ang mga taong habang nakatalikod ka kung anu ano ang mga sinasabi tungkol sayo. Ito rin ang mga taong pinaka mahirap kaibiganin sa lahat dahil dito mo makikita ang isang ugali ng tao.
- Manggagamit na kaibigan - ito ang mga taong ginagamit ka lang kapag may kailangan sayo.
- Traydor na kaibigan - ito ang mga taong akala mo ay mabait sayo pero siya pala ang magiging dahilan sa ikakabasak mo. ito rin ang taong mahirap pakisamahan dahil akala mo mabait yun pala magiging traydor sa iyo.
- Sulsol na kaibigan - ito ang mga taong mahilig manukso na gawin mo ang mga bagay na hindi mo naman talaga dapat gagawin. ito rin ang dahilan kung bakit nasisira ang pagiging magkaibigan.
Mga tunay na kaibigan
- Best Friend - ito ang pinaka the best mong kasama kahit saan ka man mapunta maging sa mga pagsubok na nangyari sayo hindi hindi ka niya iiwan kahit na anu man ang mangyari.
- Childhood Friend - mula pa sa pagkabata ay kasama mo na ang kaibigan mong ito at ito rin mismo ang kasama mo sa lahat ng kalokohan at maging sa katinuan na mula pa sa pagkabata.
- Pamilya - marahil ay nagtatanong kayo kung bakit isinama ko ang pamilya sa kategorya ng kaibigan. Dahil sila lamang ang mga tunay at tapat nating kaibigan kahit anung mangyari sa ating buhay sila pa rin ang nagsisilbing gabay at walang sawang tuutulong sa bawat panahon na tayo ay nakikipagsapalaran.
Hindi natin makakaila na sa bawat segundo, minuto at oras na namamalagi tayo sa ibabaw ng mundo ay may mga tao tayong nakakasalamuha at nakakasama. Hindi natin alam kung hanggang saan at kailan natin magiging kaibigan ang mga taong nasa paligid natin dahil kahit sa isang idlap lang maaaring magbago ang lahat. Matuto tayo kung paano makipag kaibigan sa kapwa dahil iyan ang magiging susi ng lahat para mahanap natin kung sino ba talaga ang dapat at tunay nating masasamahan.
Sa bawat panahon na namamalagi ako sa labas ng bansa pilit kong ginagawa kung anu ang mabuti para magawa ko ng maayos ang aking buhay dito sa ibang bayan. Umaaasa ako na balang araw dumating sa akin ang mga taong tutulong at magbibigay sa akin ng lakas upang labanan ko ang hamon ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa. Hindi ako pekpekto ngunit pinipilit ko na maging isang tunay na kaibigan sa inyo.
Salamat sa bawat panahon na nakasama ko kayo kahit minsan ay nagroon tayo ng hindi pagkakaunawaan sa mga maliliit na bagay na tayo mismo ang nagsimula. Umaaasa ako na magiging maayos at maganda ang ating samahan kahit pa mayroon man tayong hidwaan sa isa't isa dahil sa mga maling paratang. Sa lahat ng mga naging kaibigan at kasama ko simula ng ako'y nakipagsapalaran sa pagiging OFW nagpapasalamat po ako ng marami. Umaasa ako na hindi pa rin magbabago kung ano ang naging simula natin mula ng tayo'y naging magkakilala dito sa bansang ating pinuntahan.
isang magandang karanasan.
ReplyDeletemuztah dito.
Great post! Add ko sa Blogroll ko ang blog mo and will feature this post sa next FILkada WEEKLY newsletter ko this weekend. Sana ok lang :)
ReplyDeleteNatuwa ako dito. ^.^ Dami kong OFW na friends and childhood friends na pag uuwi imemessage ako agad na "uuwi ako layas tayo (layas means go out sa batangas)"
ReplyDeleteIt's really great to have different kinds of friends. Pero astig ung parang kapamilya mo na na kaibigan di ba?
Nakakatuwa po talaga kapag nakatagpo tayo ng tunay at tapat na kaibigan. Pero wala pa rin pong tatalo sa ating mga pamilya na siyang tunay nating kaibigan....
ReplyDelete