Ang mga kababayan nating sila Alyssa Mamacos-Lymphoma, Rolenia Fordan-Breast Cancer, Dave Salonga-Aplastic Anaemia, Honorio Nicolas-Paraplegic Patient, Yolly Legance-Renal Failure at Regina Grace Nunez-Congenital Heart Disease ang mga kababayan nating tinulungan ng grupo.
Nilahukan ng hindi baba sa mahigit na 80 katao, mahigit sa 50 saksakyan at 15 motorsiklo na karamihan ay mga pilipino upang ipakita ang kanilang kabayanihan para sa Fun Drive at lumikom ng pondo para sa kanilang misyon. Sa paunang paglikom nakabuo sila ng mahigit sa 9,160QRs. na galing mismo sa kanilang ginawang Fun Drive. Marami pa ang nagpaabot ng donasyon para sa nasabing Summer FUN DRIVE for a Cause dahil iba sa kanila ay hindi nakasama.
Alam natin na maraming iba't ibang grupo hindi lang sa bansang Qatar ang gumagawa ng ganitong pagtulong kapwa. Isa kayo sa mga dapat maging huwaran ng bawat mamayang Pilipino na OFW sa buong mundo.
kung may nais po kayo iparating sa BuhayOFW ay mangyari po lamang na isulat sa angbuhayofw@gmail.com
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW