Ang mga kaibigan nating muslim ay ipinagdidiwang ngayon ang simula ng Ramadan. Ang Ramadan ang isa sa pinaka importanteng araw para sa kanila kaya dapat nating respetuhin kung anu man ang kanilang mga batas lalo na sa mga lugar kung saan maraming tayong kapatid na muslim. Ang panahon na ito ay pag alala nila sa mga mahahalagang pangyayari sa relihiyong islam. Marami sa ating mga kababayan muslim ay itinutuon ang kanilang sarili sa pagdarasal.
Mula po sa mga nasaliksik kong kaalaman ay ibibigay ko po sa inyo kung anu-ano ang dapat gawin ng mga kababayan nating nasa bansang marami ang kapatid nating muslim.
Mga bagay na ginagawa ng mga kababayan nating Muslim.
- Fasting - Alam naman natin na ito ang isa sa mga ginagawa ng mga kapatid nating muslim kapag araw ng ramadan. Dito kasi nila naipapakita ang kanilang disiplina sa sarili, sakripisyo at ang paggalang sa kautusan ng dakilang lumikha.
- Prayers - Marami sa mga kababayan nating muslim kapag panahon ng Ramadan ay inuukol nila ang kanilang sarili sa pagdarasal at pag aayuno.
- Charity - Ang karamihan sa mga kaibigan natin mga muslim ay nag uukol ng panahon sa pagbibigay ng charity sa mga institution na kailangan ng tulong. Masaya sila kapag nagbibigay ng tulong dahil isa ito sa kautusan ng mga Muslim kapag araw ng Ramadan.
- Respect - Ang panahon na ito ay puno ng respeto sa bawat isa lalo na sa mga kapatid nating muslim.
Mga bagay na dapat nating gawin sa panahon ng Ramadan.
- Sumunod sa kanilang panuntunan bilang respeto sa mga kaibigan nating muslim.
- Wag kumain o uminom sa mga pampublikong lugar lalo na kapag oras ng Ramadan.
- Wag manigarilyo o ngumuya ng tsiklet dahil ang ganitong gawain ay paglabag sa kautusan nila.
- Mag ingat po sa pag mamaneho dahil karamihan sa mga kaibigan nating muslim ay fasting kaya medyo nahihilo po sila sa pag mamaneho.
- Wag mag ingay sa mga pampublikong lugar at magpatunog ng malakas sa mga malapit na mosque para hindi magambala ang kanilang pag darasal.
- Ang pananamit sa pambulikong lugar ay atin pong isa ayos wag po tayong mag suot ng mga maiikling damit na makikita ang ilang parte ng ating katawan.
Ang panahon ng Ramadan ay napakahalaga sa ating mga kababayang Muslim kaya ang panahon na ito ay ating igalang bilang pag respeto sa kanilang relihiyong ISLAM. Alam naman natin na isa ang Islam sa pinaka maraming aktibong relihiyon sa buong mundo. Ang kanilang bahagi sa kasaysayan ay nakatatak na ating mga isipan.
Mangyari po lamang na sumulat sa angbuhayofw@gmail.com kung mayroon po kayong nais iparating sa sulating BuhayOFW.
Maraming salamat po
No comments:
Post a Comment
Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW