Doha, Qatar - Hindi ko pa man din natatapos ang aking pagsusulat tungkol sa pinagpipilian kong bagong bayani para sa BuhayOFW. Lumitaw agad ang pangalan ni Tito Frank Jamandre na siyang pangulo ng Philippine Nurses Association Qatar(FNAQ) na isa sa hinirang na bagong bayani para sa taong 2011.
Ang kanyang pamumuno sa kanilang organisasyon (Filipino Mission Doctors/Dentists/Pharmacists/Nurses & Volunteer in Qatar) ang isa sa naging kasangkapan para hiranging siyang bagong bayani ng ating henerasyon. Isa ito sa maiituturing kong napakalaking karangalan na nakilala at nakasama ko minsan sa mga proyekto para sa mga OFW.
|
Marami sa amin ang humahanga sa kanyang liderato maging ang mga pinuno ng mga organisasyon dito sa Qatar ay saludo sa kanyang pagmamalasakit sa ating mga kababayan na hindi kayang magpagamot dala ng maliit na sahod. Siya rin ang isa sa mga naging kasangkapan para maging matagumpay ang 113th Independence Day dito sa Qatar. Kahahanga hanga ang kanyang pinamalas dahil pinakita niya sa lahat na magagawa natin ang pagtulong sa mga kababayan ng hindi naghahangad ng anu mang kapalit.
Tito Frank in Action |
Ilang beses ko nang sinundan ang mga misyon ng kanilang grupo. Sa bawat pagpunta ko doon hindi ko malilimutan na hanapin si Tito Frank dahil gusto kong subaybayan ang kanyang misyon para sa mga OFW nating kababayan. Nakita ko ang ngiti ng ating mga kababayan kapag natatapos na silang magpakonsulta ng libre. Maging ang ibang nasyonalidad ay humahanga sa kanilang grupo sapagkat hindi nila ipinagkait ang tulong pang medical. May nakausap akong isang Indian National habang kausap ko siya nasabi niya sa akin na kakaiba daw ang ugali ng mga pinoy dahil nakita niya na bagama't hindi magkakakilala ng lubusan ay nagtutulungan at mapagmahal sa kapwa. Nakakatuwa di po ba dahil sa kanila mismo nang galing ang salita na matulungin at mapagmahal sa kapwa tayong mga Pilipino.
Tito Frank at ilan sa mga kaibigan |
Kaya naman sa iyo Tito Frank Jamandre saludo po ang BuhayOFW at maging ang mga kababayan natin dito sa Qatar ay talagang humahanga sa iyong misyon ipagpatuloy po ninyo ang inyong nasimulan at ipakita natin sa buong mundo na ang Pilipino ay matulungin at mapagmahal sa kapwa tao.
Tito Frank at BuhayOFW |
Salamat po sa inyong misyon......
Ang BuhayOFW
Mabuhay ang grupo na Filipino Mission Doctors/Dentists/Pharmacists/Nurses & Volunteer in Qatar especially Mr Frank.madami talaga silang natutulungan sa Qatar.
ReplyDelete