Tuesday, October 18, 2011

NAIA - Pinaka worst na Paliparan?

Nakakagulat ang lumabas na balita mula sa website na www.sleepinginairports.net nitong nakaraang linggo patungkol sa ating paliparan. Ang Ninoy Aquino International Airport daw ang nangungunang WORST AIRPORT sa buong mundo ayon sa botohan. Hindi ko lubos maisip na ang ating paliparan ang siyang magiging pinaka pangit na paliparan sa buong mundo bakit nga ba basahin po ninyo ang nakasulat WORST AIRPORT. 


Laganap daw po ang corruption sa ating paliparan. Maging ang mga staff ng paliparan ay hindi daw po madaling lapitan para humingi ng tulong lalo na po ang mga turista na bumibisita sa ating bansa. Isang malaking kahihiyan po sa ating lahat na masabihan na hindi maganda at maayos ang ating paliparan dahil kahit saang panig ng mundo ay may mga Pilipinong OFW. Hindi magandang palikuran at ambiance ang kanilang mga comment lubhang nakakalungkot. Katulad na lang po nito "airport employees are the worst money hustlers around." - Steven" "Everywhere everyone asks for bribes. Never offer them anything. Act as if you do not know what they are saying and just walk past them. " - Native Filipino.

by trustma
Such a shame. I often visit Manila for business and must say I always enjoy my visit ...apart from the bloody airport. Terminal 1 needs to be demolished. It is filthy, too small and WAY past its prime. Lines are insanely long, and I was shocked that I had to pay an airport tax for such a shithole. There were no toilet seats OR RUNNING WATER in the bathrooms! A big bucket with a dipper was by the front door and about four attendants hassled me for a tip. When I asked a security guard where the smoking area was he told me to follow him...and took me out on to the tarmac (so much for security) where he then insisted on a bribe before he let me back into the terminal. How does one say "no" to a security guard with a gun? Last time I was there I saw that the new terminal 3 has opened, but only for Philippine based airlines. Well, I do hope they hurry up and move the rest over there soon and burn terminal 1 to the ground.



"I lost my cellphone between the drop-off at the entrance and the security check! The phone was in my side pocket of my handbag and this side pocket was slashed with a sharp knife! I mentioned it to the PNP officer and he referred me to an airport policeman. This guy had the guts to suggest that I go to the lost and found office and check if they found it. Long story short, he didn't even get my name and address to file a report and was just saying: ma'am there are many thieves in this airport. Just look after your belongings!"- Monette

Nakakalungkot isipin talaga!

Magandang sistema at maayos na pamamalakad ang dapat pag-tuunang pansin ng ating gobyerno. Maraming negosyante ang nagpakita ng interes at pagtitiwala sa ngayon lalo na ang mga Foreign Investor para sa ating bansa. Ang pagsasaayos ng ating paliparan ay katulad ng pagpapahalaga sa ating bayan ito ang simbolo ng bansang Pilipinas kaya dapat po nating ayusin. Papayag po ba tayong mga Pinoy na sabihan ang ating paliparan na nangunguna sa corruption at hindi magandang paliparan. 

Marami sa atin ang umaalis ng bansa gamit ang paliparan at ito ang isa sa mga tulay para makarating tayo sa ibang bayan. Kung napabilang man ito sa pinaka worst na paliparan na ipinupukol sa atin sa ngayon. Mangyari po sanang agapan ito para maiwagayway po natin ang Watawat sa Paliparan na pinagmamalaki natin sa ibang bansa.

Pagtulungan po natin na maisaayos ang ating pinakamamahal na paliparan para hindi po tayo pulaan ng mga dayuhang dumarayo sa ating bansa. Sa darating na buwan Disyembre marami sa ating mga OFW ang muling tatapak sa ating lupang sinilangan. Kabilang na po ang inyong lingkod upang magbakasyon at muling makapiling ang aking mahal sa buhay. Pinagmamalaki ko pong sabihin na iba pa rin ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa dahil dito tayo pinanganak at nagsimula.

Ang pagbabalik naming mga OFW sa Pilipinas ang isa sa pinakamasarap maranasan ng mga nag-iibang bayan. Mula sa napakahabang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa. Maigsing isang buwang bakasyon lamang ang minsang ibinibigay sa amin upang makapiling ang aming mga pamilya at hindi ito matutubasan ng kahit anong bagay. Ang Watawat sa Paliparan na nakatayo sa labas nito ang siyang simbolo ng bansang Pilipinas.

Ang inyong lingkod BuhayOFW
Add caption

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW