Wednesday, October 26, 2011

PPUR Event sa Doha Tagumpay

Isang malaking tagumpay ang isinigawa ng mga bumubuo ng PPUR organizing commitee na binubuo ng BalitangQ, FODQ, PINOC at lahat ng mga organisasyong sumali upang maisakatuparan ang layunin ng grupo na maisama sa seven wonder of nature ang ating PPUR. Pinamunuan ng embahada ng Pilipinas sa Qatar na si Ambasador Crescente Relacion at Chairman ng balitangQ Manuel Flores ang nasabing event.

Ang mga Pilipinong nagsikap na makadalo para makaboto ay maituturing na isang kabayanihan sa hanay ng mga OFW na kahit may mga kanya kanyang trabaho ay pinilit pa rin makasama sa isang araw na botohan. Nagbigay sila ng panahon para kahit sa simpleng pamamaraan ay makatulong silang lahat. Ang isinagawang online voting sa PSD compound ng nasabing paaralan ay talagang matagumpay kasama ang mga kababayan nating ang hangad ay makadagdag sa isinasagawang online voting.

Atin pong panoorin ang ilan sa mga kaganapan noong nakaraang October 21, 2011. Ang lokasyon ay Philippine School of Doha (PSD) na matatagpuan sa Bin Ormran Doha Qatar.


Paraan para Bumoto:

Pumili ng 7 kalahok kasama ang ating Puerto Princesa Underground River
Hintayin na confirm ang iyong boto. Forward na rin natin sa ating mga kaibigan, kamag-anak at kakilala.

Text Message: Alamin po ninyo ang cellphone provider na ginagamit ng bansang inyong nasasakupan at ubusin po ninyo ang inyong load. Para makadagdag boto sa ating PPUR

  1. Dial one of these international telephone numbers:
    +23 92201055
    +1 869 760 5990
    +1 649 339 8080
    +44 758 900 1290
  2. At the end of the message, after the tone, insert the 4 digit code for your chosen nomine
  3. When you hear the thank you message, you are all done – you have voted by telephone.
  4. Ang ating PPUR ay 7723

No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW