Saturday, April 21, 2012

Emir ng Qatar dumalaw sa Pilipinas


Emir ng Qatar Dumalaw sa Pilipinas

ni: BuhayOFW

Nitong Abril 10, 2012 dinalaw ng Emir ng Qatar na si Sheikh Hamad Bin Khalifa al-Thani ang Pilipinas upang palawakin ang ugnayan ng dalawang bansa ukol sa turismo, agrikultura, edukasyon at sa enerhiya. Ito ang kauna unahang pagkakataon na dumalaw ang Emir ng Qatar sa ating bansa.

Karamihan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa bansang Qatar ay tuwang tuwa sa ginawa ng hari. Mahigit sa 175,000 na ang kabuuan na mga Pilipino ang nasa Qatar sa ngayon. Patuloy pang tumataas ang bilang na mga Pilipino dahil sa magandang ugnayan ng dalawang bansa.

Sinalubong ng ating pangulong Aquino sa malakanyang palace at binigyan ng red carpet ang delegasyon ng hari. Nakipagpulong din ang matataas na sanghay ng gobyerno upang lalo pang palawakin ang magandang relasyon ng Pilipinas at ng bansang Qatar.

Ang Qatar ang isa sa pinakamayamang bansa sa ngayon dahil sa mataas na imbak na langis at ito rin ang nangungunang bansa na may pinaka malaking reserve na LPG- LNG gas sa buong mundo.


No comments:

Post a Comment

Mag-iwan ng konting mensahe para kay BuhayOFW