Saturday, April 21, 2012

Kung Ako'y Iiwan Mo


Doha, Qatar - Dumalaw ang mga cast ng teleseryang kung ako’y iiwan mo dito sa Doha, Qatar upang Ipromote ang kanilang palabas na handog para sa mga Pilipinong OFW sa buong mundo. Pinangungunahan ng mga lead star na sina Shaina Magdayao, Jake Cuenca at Bangs Garcia na mula sa star cinema ng ABS CBN show. Ito rin ang kaunaunahang palabas na  nag shoot sa Doha, Qatar, at sa Dubai, UAE.

Ang teleserya ay hango sa mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa Pilipinas. Ang pagsasakripisyo ng bawat pamilyang nakikipagsapalaran sa ibang bansa ang isa sa pinaka tampok sa kanilang teleserya. Maraming mapupulot na aral at hango sa tunay na pangyayari ang nilalaman ng istorya.  

Nagsagawa ng isang special screening premiere night  dito sa Al Majlis hall sa Sheraton Doha Resort  and Convention Hotel ang cast ng Kung Ako’y iiwan mo at tinangkilik ito ng ating mga kababayan. Ang ganitong mga palabas ang inaabangan ng ating mga kababayang OFW upang kahit minsan ay ma relaks ang kanilang mga isip at kalimutan ang mga problema sa buhay.

Magsisimula ang  teleserya sa Abril 16, 2012 sa channel 2 ABS CBN at mapapanood rin ito sa TFC sa lahat ng panig ng mundo.