Tuesday, April 24, 2012

Bawal ang tamad

BuhayOFW - Ang BuhayOFW ay sala sa init at sala sa lamig, dahil iba't iba ang ating mga pinagdadaan sa buhay. Minsan masaya at minsan din malungkot dahil sa mga problema na ating hinaharap. Karaniwan sa atin ay simpleng mamamayan lang na nangarap makapag abroad. Sinubukan ang makipag sabayan sa iba't ibang larangan ng trabaho para kahit paano ay may mapatunay sa sarili. Ilang beses na pinagalitan, sinigawan at inalipusta ng ating mga kasamahan subalit narito pa rin tayo upang maipag patuloy ang ating buhay.

Patibayan ng loob at patibayan ng resistensya ito ang ating kailangan  upang tumagal tayo sa mundo ng BuhayOFW. Sa bawat panahon na ating nilalagi sa bansang ating pinuntahan. Kailangan natin ng tibay ng loob at matibay na resistensya dahil kailangan nating patunayan na iba talaga ang Pinoy. 

Bawal ang tamad, totoo na bawal talaga sa ibang bansa ang tamad na tao dahil dito kailangan natin maging masipag para makamit natin ang pangangailan ng ating pamilya. Ika nga nila kung tatamad tamad ka wala kang biyaya makukuha. Sa atin nakasalalay ang ating ikauunlad ng ating sarili at maging ng ating pamilya dahil tayo ang gagawa ng ating magandang kinabukasan sa ibang bansa.

Ni: Brad Broy